Twenty Eight

103 4 0
                                    

Twenty Eight

Tinanghali ako ng gising kinaumagahan, madaling araw na 'rin yata ako nakatulog kagabi dahil sa dami ng iniisip. Bumabagabag sa akin ang huling sinabi ni Axel. Bumangon ako sa kama at napasilip sa phone dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng aking cellphone.

Pagod kong sinulyapan ang wall clock and it's already 11 o'clock in the morning. Nang makita kung sino ang tumawag ay agad akong napasinghap. Oh great! It's Mommy at mukhang may oras na siya sa blind date na sinasabi niya.

Tamad akong sinagot ang tawag niya. "Yes M-Mom?" sagot ko habang inaantok pa..

"Riel, about your blind date?" kaagad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What about it? may time na ba at saan?

"Yes? Mag-aayos palang ako Mom at kagigising ko lang. Ngayon na ba yung lunch? Can you move it to dinner instead? I still have things to do Mom." Kahit hindi siya nagsasalita, alam kong may saya sa tono ng boses niya. Ano naman kaya yon? Pero hindi ko na iniintindi pa. Bumangon ako, lumabas sa aking kwarto at dumiretso sa kusina. Kumuha ng maiinom habang naghihintay ng sasabihin ni Mom.

"No more blind dates for you Riel." I heard her so excited na wari'y nanalo siya sa lotto. Mas lalo akong nagtataka sa boses niya? Masaya siya? E' diba dapat nagluluksa siya at napakatagal niya na akong nililigawan sa Blind date na ito tapos mahihimigan ko lang na masaya siya? Normal pa ba si Mommy?

"So no more blind dates? Tama ba? So, I can rest well today, pwede po ba?" I heard my Mom clear his throat na wari'y kilig na kilig sa mga nangyayari. What's happening? I can really feel her excitement even if I am on the other line.

"No more resting today Riel, go home. We have an important visitor. You can have dinner with us." she said excitedly

"Huh?"

"Go home just for today Riel, please"

"But Mom, I have a duty tomorrow. I want to rest the whole day today." reklamo ko naman.

"Riel, please. Hindi na rin naman matutuloy yung blind date na sinetup ko, so, dito ka nalang pumunta. Please..." Wala akong magawa kung hindi bumuntong-hininga na lang. At least it's on our house, not in any restaurant na kailangan kong magpa-impress sa lalaking sinet up niya sa akin.

"Fine!"

"Be here by 6. So it means dapat nasa byahe ka na ng 4 palang given the traffic. We're complete here. And I'm so excited." And she cut the line. Sa tono ng boses ni Mom ay alam kong tumatalon-talon na siya sa tuwa. She sound so teenager na kinikilig.

I cooked myself a brunch at since may natira pang adobo na niluto ko kagabi, ininit ko na lamang ito at nagluto na lamang ng sunny side up egg and while doing it all nagluto narin ako ng kanin sa rice cooker. I turned my TV on at inabala ang sarili sa panunuod ng movies. Sumapit ang ala una at tapos na akong kumain at maglinis ng kitchen. I decided to take a bath para magsimula ng mag-ayos sa pagpunta sa bahay.

I glanced at my phone to see kung may text ba si Mom or even Gus, pero wala kaya isinilid ko na lamang ito sa maliit na sling bag na dadalhin ko.

By 3:30pm ready na ako, I let my long hair down to brace my shoulder and bag. I wear a long olive green maxi dress na abot hanggang binti ko with 2 inch white sandals. I even put a simple make up na babagay lang sa suot kong damit. When 4pm came, lumabas na ako ng unit habang hawak ang susi ng aking kotse. Napahinga ako ng malalim at sinulyapan ang tahimik na unit ni Axel. Nasaan kaya siya ngayon? May trabaho ba siya? Na-curious ako bigla kaya pinakiramdaman ko kung may tao ba sa loob. Halos idikit ko na ang tenga ko sa pinto para marinig ang loob ngunit wala. He must be working, after all he's the acting CEO right now of their empire.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon