Thirteen
Chessy Reil C. Salazar POV
"Mom!" hindi ako makatayo ng maayos. Its sunday at ito na ang huling araw ko'ng pag-pe-perfect ng paglalakad.
"Marami ka pang gagawin. Bumangon ka na diyan at nandito na ang trainor mo." Tamad kong sinunod ang gusto niya at nagtungo sa kusina upang makaligo at makapaghanda.
Pagbaba ko sa sala ay nadatnan ko kaagad 'roon si Mom na kausap si Jennifer, my trainer for the contest. Malawak ang ngiti niya nang makita ako at nag-good morning sa akin kaya ngumiti na lang 'rin ako pabalik.
Kumain lamang ako sandali at lumapit na kila Mom.
Nginitian ako ni Mom at gayundin si Jennifer.
"Game?" Anang ni Jennifer kaya tumango na ako. Ininguso niya kaagad sa akin ang 7 inches pointed heels. I sighed, when I realized that I'm going to wear that again.
Sinuot ko ito at tumayo ng tuwid. Naglagay din si Jennifer ng libro sa ulo ko parang pang-balance. Simula Wednesday up until now, ito na ang ginawa ko. Kailangan kong ipakita ang confidence ko sa paglalakad. Jennifer also trains me to turn around perfectly.
It's almost 30 minutes and I'm still practicing. Nagsisimula na namang sumakit ang paa ko ngunit hindi ako nagpakita ng pagsuko sa kanila. Bukas ang simula ng school fair at wala na akong oras para magreklamo.
Desidido akong maipanalo ang team kaya pagbubutihan ko. I focus on my walk at makaraan ng ilang oras ay nakikitaan ko ng satisfaction ang mukha ni Jennifer and Mom.
"It's your last chance Riel. Do it!" Pampalakas ni Jennifer ng loob ko kaya tumayo ako ng tuwid at confident na inilagay ang tatlong libro sa ulo at naglakad na parang ako lang ang tao ng mga oras na 'yon and the moment I turn in front of them with a killer smile ay kitang-kita ko ang nagpalakpakang mga tingin nila Mom, Dad, Jennifer and Calvin.
Halos maluha-luha ako nang makita ang reaksyon sa mga mata nila. Lahat sila'y halos napa-thumbs up sa ginawa ko. After an hour, nag-focus naman kami sa tamang pagsagot and like what Jennifer told me, it's all about confidence. Kailangan ko lang daw i-deliver with confidence ang sagot ko sa bawat tanong and siyempre kailangan may laman din. Pero mas maganda kung maiksi na impactful.
Sunod naming inaral ay ang talent portion.
"Do you know how to sing?" Unang tanong kaagad sa akin ni Jennifer. Umiling ako at nagtinginan din naman sila ni Mom.
"Dance?" Umiling ulit ako.
"Teka, ano pa bang pwe-" hindi na natapos ni Jennifer ang sasabihin niya dahil si Mom na ang nagputol nun.
"Wait! Riel knows how to play violin." Kaagad nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Mom at mas naningkit ang aking mata nang makitang kumislap ang mata ni Jennifer.
"Mom! Matagal na akong hindi tumutogtog 'nun" bwelta ko kaagad sa kanila.
"Come on Riel, halos isang buwan mo palang naman tinigil yun since you left Surigao. I know that you can handle that talent portion perfectly kapag ito ang pinakita mo. Biruin mo, iilan lang sa pilipinas ang marunong tumugtog ng ganito and for sure, they will love you when they heard you play." Dismayado akong napayuko dahil sa pagpipilit ni Mom.
Ayoko talagang tugtugin 'yon. Maaalala ko lang ang dati kong school and Samantha kapag tinugtog 'yon. And I also promise myself na hindi ko na gagamitin o hahawakan ang instrumentong 'yon since I left Surigao.

BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomansaChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...