Thirty Five
Pareho kaming napaupo sa may bench kung saan nasa harap ang napakalaking fountain. Tinanggal ko ng dahan-dahan ang aking stilettos at inilapat ang aking paa sa damuhan. I felt relaxed. Hindi talaga ako sanay magsuot ng mga heels na ganito. Palaging flat shoes or sneakers ang suot ko. Sa natatandaan ko, bilang lang ang mga event na nakakasuot ako ng ganito kaya mabilis na sumasakit ang aking paa every time I wore this kind of heels.
Napansin ata ni Axel ang pagmamasahe ko dito kaya dahan-dahan niya itong inangat at inilagay sa kanyang hita at minamasahe.
"Still not used to wearing these kinds of things, huh?" tanong niya kaya napakagat ako sa aking labi at tumango.
"I remember our school fest, I know, hindi ka talaga sanay sa mga ganito. But you managed to win that crown and be confident." Biglang nagsipasukan ang mga ala-ala sa isip ko. Ang mga struggles ko para lang matuwid ang lakad habang suot ang almost 7 inches heels. Napahinga ako ng malalim sa naalala.
"Yeah?" wala sa sariling tugon. I heard his chuckled at inilapit ako sa kanya. Habang minamasahe niya ang paa ko ay inilapat niya ang kanyang ulo sa aking kaliwang balikat at rinig na rinig ko ang kan'yang paghinga.
"You were so beautiful that time. If only I had a camera at that moment, baka baon ko ito noon." he sounded so regretful. Napatingin ako sa kanya habang hindi maiwasang mapangiti.
"Why? Hindi na ba ako maganda ngayon? Bakit may panghihinayang sa boses mo ngayon?" Napahalakhak siya sa sinabi ko at dumampi ang labi niya sa aking pisngi. I heard how my heart beating faster for his moved. Damn!
"The first day I saw you, I know that I will never forget you. Your beauty is not easily forgotten, Riel."
"Oh really?" Hamon kung tanong at hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. I know he's a womanizer back then kaya malay ko ba kung ginagamitan niya lang ako ng mga tactics niya ngayon.
"Yeah! Kaya nga pareho kaming baliw na baliw ng kapatid ko dahil sayo..." Nagtama ang tingin naming dalawa at nahuli ko siyang nakatitig sa labi ko. Napansin ko ang pait na gumuhit sa mga mata niya at inilagay ulit ang ulo sa balikat ko.
"I would be happy if he was still alive and we were both fighting for you. What do you think?" Bigla kong naramdaman ang bigat ng pinag-uusapan namin pero hinayaan ko siyang magsalita at nagbabakasakali na baka gumaan ang nararamdaman niya once he open up with me.
"I don't know. Maybe?" I saw him smile at kinuha ang kamay ko.
"The first time I laid my eyes on you was not when you transfered to our school and Gus introduced you to me." panimula niya ng usapan. Ang bilis ng tibok ng puso ko at hinayaan ko lamang siyang haplusin ang kamay ko at paglaruan ito.
"It was in my room. 10 years old palang kami ni Alex that time when our parents inform both of us na may malubhang sakit si Alex. I was devastated that time, kung pwede lang akuin ang sakit na nararamdaman ng kapatid ko ay ginawa ko na, pero hindi." I heard him heavily sighed at hindi ko rin napigilang maluha sa kinu-kwento niya. Umihip ang panggabing hangin at kumawala ang iilang hibla ng aking buhok patungo sa kanya kaya hinawi niya ito at isinukbit ulit sa aking tenga.
"If I was a bad boy...Alex was the opposite of me. He's so kind, kaya nga mas doble ang pighati ni Mom ng malaman lahat ng ito. I know she loves me but when she know about Alex condition parang nabalewala ako...." Napakapit ako ng mariin sa kan'ya, I felt sad and lonely for him. Nararamdaman ko ang pait sa tono ng boses niya.
"It was also summer of our first year in high school when we saw you..." nagtama ang tingin naming dalawa at napangiti siya habang marahang inilapat ang kayang index finger sa tungki ng aking ilong.
"You were so beautiful Riel, for the first time you open your window at nakita mo kami. It was your morning look and we both mesmerize how beautiful you are. Yeah, surely I've seen so many beautiful girls in our school pero iba ang ganda mo sa amin at lalong lalo na sa kapatid ko. Siguro dahil he was home schooled? At bihira lang siya makakita ng magagandang babae. I don't know but after that, bukambibig ka na niya palagi. He's always asking my parents about your family. Doon lang rin namin nalaman na hindi ka pala totally nakatira sa bahay niyo, that you were just there for a vacation. And unknowingly we are always looking forward to every summer break na posibleng uuwi ka." Napalunok ako sa mga sinasabi niya. Ito ang part na pinahapyawan ako ni Alex sa letter niya but I don't know that this their story.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomanceChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...