Five
Pabagsak kong inilapag ang aking bag sa sahig at diretso agad sa banyo upang makapagl-inis ng katawan at makapag-bihis.
Antok na antok akong nahiga sa kama at in-on ang aircon. Mabuti na lang at wala kaming assignment ngayon kaya makakapag-pahinga ako ng maayos. I turned off the light.
Makaraan ng ilang oras ay namulat ako sa biglaang pagliwanag ng buong kwarto. Bumungad kaagad sa akin si Mom na naka-pambaha.
"Gising na Riel, kakain na tayo." Saad ni Mom. Tamad akong bumangon at bumaba. Nakaupo na silang lahat sa hapag at ako na lang ang hinihintay. Agaw-pansin kaagad sa akin si Tito Raiden na titig na titig habang pinagmamasdan ako.
"Tito!" masiglang bati ko sa kanya. Ngumiti siya at itinuro ang upuan sa tabi niya kaya hindi ako nagalinlangang umpo sa tabi niya.
"How's your school?" tanong niya sa akin.
"Okay lang naman po." sagot ko. Tumingin ulit ako kay Tito. "Ikaw Tito, kamusta ka naman? Wala paring girlfriend?" kaagad nagtikhiman sila Mom and Dad sa tanong ko kay Tito.
Samantalang si Tito ay napa-iwas ng tingin sa akin. "I'm already married and that's enough for me." sagot niya na ginulo pa ang buhok ko. Napasimangot ako at nagsimulang kumain.Hinayaan ko sila Dad, Mom and Tito na mag-usap habang kumakain. Si Calvin naman ay tahimik na naglalaro sa tablet habang sinusubuan ni Mom ng food niya. Nasa kalagitnaan na ako ng pagnguya nang mapasulyap kay Tito.
He's smiling while in a conversation with Mom and Dad. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Mom about his wife. Nakakalungkot and yet nakaka believe because of what happened to Tita Sharla. Tito Raiden always chooses her even if she's not in this world anymore and I admire Tito for loving her to that point.
After ko kumain, umakyat na rin ako sa itaas. Bumalik ako sa aking naudlot na pagtulog at napapikit na sana nang biglang tumunog ang phone. Sino na naman kaya ito?
Inabot ko ang aking phone na nakapatong sa tabing mesa ng aking kama at sinilip kung sino ang tumawag and it is Gus again. Bigla na naman pumasok sa isip ko ang nangyari kanina sa gym.
Inis kong sinagot ang kanyang tawag, "What?!" bulyaw ko sa kanya.
"Did you got home safe?" tanong niya. May naririnig pa akong asaran sa paligid niya. Mukhang pauwi palang sila galing sa school.
Huminga ako ng malalim at inis na sinagot siya. "Gus! Can you just stop teasing me in front of other people. I'm not in the mood para sakyan lahat ng mga kalokohan mo, Okay? And besides ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na call me Ate Riel! Bye!" halos itinapon ko ang cellphone ko sa inis ko sa kanya at padabog na natulog.
Maaga ako nagising kinaumagahan, nagayos para sa pagpasok. Pagbaba ko ng hagdan, nag-aayos na 'rin sila Dad. Tinawag ako ni Mom galing kusina habang inaasikaso si Calvin. Naupo na 'rin ako sa harap nila at tahimik na kumain.
Malalim ang aking paghinga ng makitang nasa harap na ako ng school. Tamad ang aking paghakbang habang papasok sa aming classroom. Unti-unti na 'ring napupuno ang school ng mga nag-sisidatingang estudyante. Tahimik akong naupo sa aking upuan at nagbukas ng libro. Ang kahapong nakatali kong buhok ay aking inilugay ngayon. It's my third day in this school.
Hindi rin nagtagal ay napansin ko na 'ring dumating si Axel. Napaayos ako ng upo at hinintay ang aming first subject.
Nasa kalagitnaan na ako ng pakikinig nang biglang nanakit ang puson ko. Agaran akong napatingin sa calendar sa cellphone at halos mapamura ako sa petsa ngayon. It's the time for this month. I forgot! Kaagad akong napahalughog sa bag ko at halos manlumo ng wala akong makitang napkin pads.

BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomanceChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...