Thirty Eight

117 3 0
                                    

Thirty Eight

Napahawak ako sa aking batok after ng almost 8 hours na operation. Minasahe ko ito at ngumiti ng tinapik ni Dra. Renil, isa sa mga nanguna sa operasyon.

"Magpahinga ka na Doc Reil." aniya. Tumango ako at ngumiti.

"Kayo din po Doc. Tapos na duty niyo?" balik kong tanong sa kan'ya.

Ngumiti siya at kahit maganda ay nakikitaan ko na ng wrinkles ang mukha niya. "Oo. My husband is waiting for me." sagot niya. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy na 'rin sa aking opisina. Nakasabayan ko rin si Nurse Liya at niyaya akong kumain ngunit tinanggihan ko na at gusto ko nalang munang magtungo sa opisina at pumikit kahit sandali lang.

Pagod akong nahiga sa aking sofa at inabot ang phone ko. Napangiti ako ng makitang napupuno ng text ni Axel iyon.

Axel: Are you still on the operation?

It's 10 o'clock pm when he texts me.

Axel. I can't sleep. I miss you.

Midnight.

Axel: Text me when you're done.

1:00 am. Seriously? Gising pa rin siya ng ganitong oras? Imbes na sundin ang sinabi niyang itext siya ay nilagay ko na lang ang phone ko sa table. Tulog na siguro 'yon ngayon. Ayoko namang istorbohin siya knowing na almost 1 o'clock na siya nakatulog. Sandali akong pumikit at hindi nagtagal biglang umalingawngaw ang tunog sa aking cellphone. Hindi rin matigil ang paging sa amin sa buong hospital. Napatayo ako at sinuot and Doctors gown at nagmamadali sa nagkakagulo na emergency room.

Napahawak ako bigla sa aking sintido ng makitang napakaraming duguan. Lumapit sa akin ang isang nurse.

"There's an accident Doc, marami ang napuruhan. Nahagip daw ng isang truck ang bus na sinasakyan nila kaya halos tumaob ang Bus sa expressway." Napapikit ako ng mariin at hinanda ang stethoscope kong nakasabit sa aking leeg.

Isa-isa kong tiningnan ang mga duguan at nanlumo nang may nakitang bata doon na walang malay. Nasa tabi ko kaagad si Nurse Liya at inalalayan ako sa mga kailangan ko. After 30 minutes of examining them, binilin ko na rin kay Nurse Liya ang mga kailangan. Mga halos limang pasyente pa ang tiningnan ko bago ako makaramdam ng pagod. Napapansin ko na rin ang isa-isang pagpasok ng ilang Doctor. Nagtama ang tingin namin ni Apolo na chine-check ang kabilang pasyente ngunit nilagpasan ko lang siya ng tingin. Pagod akong sabayan siya ngayon.

Hinanap ko sa ER si Nurse Liya at nakita ko siya sa Nurse section na nag-aayos ng mga gamot.

"Liya!" tawag ko ng pansin niya.

"Yes, Doc?"

"Nandito na rin naman ang ibang Doctor, magbi-breakfast na muna ako. Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka." tumango kaagad ito, habang nagsisimulang naglalakad sinukbit ko ang stethoscope sa aking leeg at minasahe. Napatingin rin ako sa watch ko. It's already 9:00 o'clock in the morning. Kinuha ko ang phone at binasa ang mga messages ni Axel sa akin.

Axel: Good Morning

Axel: I have a meeting at 9:00 o'clock but I will go to your office before then.

Napasimangot ako. But it's already 9 o'clock. Baka nauna na 'yon at may meeting pa siya. Ibabalik ko sana ang phone sa bulsa nang bigla itong tumunog. Tumambad sa akin ang pangalan ni Gus.

"Hello." tamad kong sagot sa kan'ya.

"Are you still on duty?" tanong niya sa akin.

"Ou. Why?"

"I'm with Axel right now, Can you go to the coffee shop?" Kaagad lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Binaba ko ang tawag at halos tumakbo para lang makarating kaagad sa Coffee shop na sinasabi niya. Malayo palang pero natatanaw ko na sila na nag-uusap. Inayos ko ang suot ko at dahan-dahang naglakad kung nasaan sila. Hindi nakatakas sa akin ang mga nakikiusisang bulong-bulungan ng mga pasyente, mga nurses at kapwa co-doctors.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon