Twenty

135 9 3
                                    

Twenty

Umuwi akong basang basa sa ulan. Hindi ko malaman kung paano ako nabasa ng ulan, all I know is I want to ran away from our school. Lutang ang isip kong pumasok sa aming bahay at dumiretso sa aking kwarto. Binuksan ko ang bintana at mas lalong namuo ang luha sa pisngi ko nang marealize na wala nga pala akong malalabasan ng sama ng loob ngayon at wala si Alex.

Mariin akong napapikit at hinayaang dumaloy ang luha sa aking pisngi.

"Are you okay?" Pamilyar na boses ang aking narinig. I gently open my eyes at ganoon na lamang ang pagtigil ng mundo ko ng makita ko sa kabilang kwarto si Axel, desperately looking at me.

Mabilisan kong pinunasan ang luha sa mata ko at tinalikuran siya.

"Is it about what posted in our school forum?" Biglang nanginig ang kamay ko dahil sa sinabi niya.Naiyuko ko ang aking ulo at hindi makatingin sa kan'ya. Alam niya? Alam na niya? Kaagad namutla ang kalamnan ko at nanghina.

"I know that you can't do that kind of thing, Riel." marahang sambit niya. "The Riel I know will never hurt anyone like that." Hindi ko alam pero sunod-sunod na na-overwhelmed ang puso ko dahilan upang tuloy-tuloy na nagsipatakan ang luha sa aking mga mata.

Dahan-dahan akong lumingon sa kan'ya at ang lawak ng ngiti niya ang unang sumalubong sa akin.

"I believe in you." he said while looking at me. My heart is beating faster like crazy. He is the one who only believes in me.

Wala akong mahanap na salita kaya pinili kong magtago sa kan'ya. Ayoko na 'ring ipakitang patuloy na umiiyak ako.

"Riel..." malambing niyang tawag sa pangalan ko.

"I'm sorry" He said in a crack voice. Is he crying? Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at tiningnan siya sa kabilang bintana ngunit nanlumo ako nang makitang wala na siya at ang pagsarado na lamang ng pinto ang nakita ko.

Ang lakas ng kabog ng aking dibdib na wari'y may iba akong nararamdaman, kaya mabilis kong pinunasan ang luha at dali-daling bumaba.

Huli na ng makalabas ako dahil tuluyan ng naglaho sa paningin ko ang sinasakyan ni Axel. And that is the last time I saw him. Sa mga sumunod na araw, nabalitaan ko na lamang na nag-drop out na siya sa school.

Napakabigat ng hakbang ko habang binabagtas ang kahabaan ng hallway na hanggang ngayon ay ako pa 'rin ang tampulan ng tukso. Napa-buntong hininga na lamang ako sa tuwing nakikita ko ang masamang tingin nila at hindi ito pinapansin. Halos si Gus na ang kasama ko sa araw-araw. Nawalan na din siya ng gana pang mag-basketball dahil bigla siyang iniwan ni Axel ng hindi man lang nagpaalam.

Pareho kaming dalawang napahinga ng malalim habang nakaupo sa madamong soccer field.

"Malapit na Graduation natin and we're senior na, what's your plan?" Naningkit ang mata ko sa tanong niya.

"Plan for?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala ka na bang balak mag-transfer?" Sinamaan ko kaagad siya sa sinabi niya.

"Para saan pa?" Sabat ko naman.

"Opps, para kasing sa pagkakatanda ko, ilang beses kong narinig sayo 'yon. 3 months ago, remember?" Panunukso niya.

"Hindi na ako magta-transfer, nawala din naman yung gossip na 'yon about sa akin at nasanay na lang ako, mapapagod 'rin naman sila." Sagot ko naman.

Inismiran niya ako at mapanuksong tiningnan. "Sus! If I know may inaantay ka lang ata na bumalik." At tuluyan siyang nakatanggap ng batok mula sa akin. Mas lalo siyang napahalakhak sa ginawa ko.

Bigla siyang sumeryoso at humarap sa akin na kinakunot ng aking noo. "Its okay to be honest with me. Did Axel called you?" Ang naka-kunot kong noo ay biglang napalitan ng lungkot. Hindi na 'rin ako tumingin sa kanya at nagkibit-balikat.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon