Fourteen
Tamad na tamad akong bumangon sa aking higaan at diretsong pumasok sa banyo. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa 'rin ang pananakit ng aking binti. Ang hapdi 'rin ng daliri sa paa aking dahil sa nagsugat na mga kalyo. Bigla tuloy akong kinabahan, baka kasi hindi ako makalakad ng maayos at mabalewala ang training na nangyari.
Inabot ng isang oras ang aking pag-aayos. Nang maglalagay na ako ng medyas sa aking paa ay sakto naman ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto at iniluwa nito si Mom.
"How's your leg?" tanong niya at kaagad na kinuha ang aking paa.
"Masakit pa 'rin Mom." pagsusumbong ko sa kanya.
Hindi siya tumingin sa akin at nilagyan ng salonpas ang aking dalawang binti. Nilagyan niya 'rin ng ointment at band-aid ang aking sugat sa likuran ng aking paa dahil sa takong.
Tipid akong napangiti habang pinapanuod si Mom na nilalagyan ito.
"Kapag nasa school ka mamaya, iwasan mo nalang muna maglakad-lakad. As much as possible, ipahinga mo lang muna ang paa mo." bilin niya sa akin, kaya napatango ako.
"Mom 'yung salonpas. Hindi ba nangangamoy yan?" kaagad siyang natigilan sa sinabi ko at inamoy ang nilagay niya sa aking binti.
"May amoy nga konti, pero hayaan mo nalang. Mamili ka- titiisin mo ang amoy o matatalo ka." blackmail niya sa akin. Napasimangot ako at binawi na ang paa ko sa kanya. Pilya siyang ngumiti at umalis na sa tabi ko.
"Bilisan mo na diyan, nakahanda na ang pagkain sa ibaba." saad niya at tuluyan ng nilisan ang aking kwarto. Samantalang dahan-dahan kong nilalagyan ng medyas ang aking paa.
Afterwards, bumaba na ako ng kwarto bitbit ang aking bag. Tahimik kaming kumain ng breakfast, si Dad at Mom ay may pinaguusapan habang si Calvin naman ay naglalaro sa kanyang tablet.
Nauna akong matapos sa kanila. "Mom una na lang ako, malilate na ako." saad ko.
"Ha? Sabay ka nalang sa amin. Hindi ba wala naman kayong class ngayon since school fair niyo this week."
"Hindi pwede Mom, may attendance checking kami sa first subject."
Matabang na ngumiti si Mom. "Ou nga pala, sige-sige mauna ka na. Sabihan mo nalang si Manong. Iyong isang sasakyan na lang gagamitin namin." sabi niya. Bago umalis ay isa-isa muna akong nagpaalam sa kanila, pinaghahalikan ko sila sa pisngi.
"Goodluck Ate Riel, you can do it!" masiglang sabi ni Dad.
"I know. Dad don't forget ah. Hahanapin talaga kita doon." bilin ko at tumango-tango din siya habang paulit-ulit na binibigkas ang 'okay.
"I'll go ahead. Bye!"
Isinarado ko ang sasakyan pagbaba ko rito. Napasulyap ako sa school at mula sa gate, naririnig na kaagad ang napakalakas na tugtog na nanggagaling sa loob. Bigla ko tuloy naramdaman ang school fair sa vibes ng paligid. May iilan akong nakikitang naka-uniforme habang ang iba naman ay hindi. Hindi ako nainform na pwede na palang hindi mag-uniforme ngayon pero mas okay na rin itong suot ko dahil natatakpan nito ang salonpas sa aking binti dahil sa aking palda.
Tahimik akong naglalakad papasok habang iniinda pa 'rin ang sakit ng aking paa. Malapit na ako sa aming building nang mapansin ko ang paghinto ng iilang mga estudyante sa aking unahan at kinikilig na nagbubulong-bulungan. Clueless akong napa-sulyap sa tinitingnan nila at gayun na lang ang pagbilis ng tibok ng aking puso nang makitang nakatitig sa akin si Axel na para bang sabik na sabik siyang makita ako.
Napahawak ako sa aking batok at nagiwas ng tingin sa kanya. Hindi rin nagtagal ay nararamdaman ko ang pag-akbay ni Gus sa tabi ko.
"Long time no see Riel." good mood na bati niya sa akin.

BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomanceChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...