Twenty Two

121 7 0
                                    

Twenty Two

Nararamdaman ko ang pagkirot ng aking mata dahil sa halos walong oras na operation. Isa-isa ng nagpaalam sa akin ang mga nurses at Doctor for the job well done. Pagkarating ko ng aking opisina ay binagsak ko kaagad ang aking katawan sa malambot na sofa. Mabuti na lang at naisipan ni Gus na lagyan ang office ko ng ganito, napakalaking tulong nito at napaka-comfortable after operation.

Sinilip ko ang malaking wall clock at alas kwatro na pala ng madaling araw. Kahit pagod ay tumayo ako at nagligpit ng gamit. Kailangan ko ng umuwi, sa bahay na lang ako magpapahinga kahit ilang oras lang.

Lumabas na ako ng opisina at nagpaalam sa mga nurses on duty. Nagbilin na lamang ako na tumawag if may emergency.

Sumakay ako ng aking kotse nang makatanggap ng tawag mula kay Gus. Madaling araw palang ah, ano na naman kaya ang pakay ng lalaking ito?. Sinagot ko ang tawag as I put him on a loudspeaker habang sinisimulan na ang pagmamaneho.

"Are you still on duty?" pambungad niya sa akin, halatang lasing.

"Nope, pauwi na ako. Katatapos ko lang sa walong oras na operation, Gusto ko lang na ipikit ang mata ko at matulog. Okay? Why? Bakit ka napatawag? At gising ka pa talaga?" dire-diretsong sambit ko.

Katahimikan ang namayani sa kabilang linya at tanging tunog lamang ng mga sasakyan ang naririnig ko.

Nasaan ba siya? Don't tell me hindi pa rin siya nakaka-uwi simula kagabi?

"K-Kasi R-Riel A-Ano e–" nauutal na sabi niya. Bigla kong nahinto ang sasakyan ng may narinig ako sa kabilang linya. The familiar voice of someone na ilang beses kong pilit kinalimutan pero hindi ko nagawa.

"Why? Where is she? Bakit ayaw niyang makipagkita sa akin!" Alam na alam kong lasing na lasing ang lalaking nagsalita ngunit natigilan ako sa boses niya. It became manly and mature. Napalunok ako at parang biglang nawala ang pagod at antok sa aking sistema.

Napahinga ako ng malalim at alam kong narinig 'yon ni Gus. "I don't know what to do. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kanina pa kami nagpapara ng taxi pero ayaw niyang sumakay kahit sa kotse ko at pangalan mo lang ang binibigkas niya. I just thought maybe you can help us."

Tuluyan ng nablanko ang isip ko sa mga sinabi niya. Gusto ko mang tanggihan siya, but a part of me wants also to see him. Bahala na!

"Where are you?" tanong na hindi ko inaasahang lalabas sa blanko kong isip.

"We are in the highway of Filinvest, tapat ng Crimson hotel." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay kaagad ko ng pinatay ang tawag. Biglang nawala ang sakit ng ulo ko at antok habang binabagtas ko ang daan kung nasaan sila and after a while of driving. Unti-unti ko ng nakikita si Gus at ang lalaking kasama nito.

I don't know but I feel like my driving is in slow motion habang papalapit ako nang papalapit kay Axel. He's still the same Axel I know, may napakalalim na dimple tuwing ngumingiti. Medyo naging manly na 'rin ang kanyang katawan, it define his body built perfectly, tama lang ang tangkad niya. Ang gwapo niya pa 'rin!

Clueless kong hininto ang sasakyan sa tabi nila at nang makita ako ni Gus agad siyang humingi ng tulong sa akin.

Sobrang lasing na lasing si Axel ni hindi niya ako nakilala ng unang magtagpo ang aming paningin.

Tinulungan kong alalayan si Gus kay Axel, naka-akbay siya sa aming dalawa habang inaalalayan namin siya na maipasok sa loob ng aking sasakyan. At nang magtagumpay kami na ipasok siya sa likod, sinamaan ko agad ng tingin itong si Gus na dali-daling pumasok sa tabi ng driver seat. Suminghap akong walang nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto niya.

Sinulyapan ko si Axel sa side mirror ng sasakyan, mahimbing na ang tulog. Then my eyes drifted on Gus who was smiling like an idiot beside me. Halatang may namumuo na namang kalokohan sa utak ang isang ito.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon