Two

313 16 0
                                    

Two

Lumipas ang oras na walang ginawa itong katabi ko, kung hindi tumingin lang sa bintana. Ni hindi ko malaman kung nakikinig ba siya sa klase.

Tumayo ako sa aking kinauupuan ng tumunog ang bell, hudyat ng breaktime. Inilagay ko sa aking bulsa ang cellphone at wallet habang dire-diretso ang labas ng classroom. Pansin ko 'rin na may gustong kumausap sa akin ngunit mas pinili kong hindi sila pansinin. Ayokong magkaroon pa ng kaibigan dito sa school hanggang maka-graduate.

Hindi ko na hinintay pa si Gus at hinanap na lamang magisa ang cafeteria. Sinundan ko ang mga estudyante na nasa aking unahan at nagba-bakasaling doon sila pupunta at tama nga ako, cafeteria nga ang tumambad sa akin.

Pagpasok ko ay kapansin-pansin kaagad ang mga kakaibang tingin sa akin ng mga estudyante, ngunit isinawalang bahala ko lamang iyon. Dahil ito kay Gus kanina e. Haist! Pumila ako upang makabili ng pagkain. Naghahanap na ako ng upuan nang makatanggap ng tawag galing kay Daddy. Inilapag ko muna ang pagkain sa bakanteng upuan at mabilis na sinagot ang tawag.

"Yes Dad?" bungad kong bati sa kanya.
"How are you? Nagkita na ba kayo ni Gus?" tanong niya sa akin.

Huminga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Dad. "Yeah, Dad hindi mo naman na ako kailangan na ibilin pa kay Gus, I'm old enough to handle myself." saad ko.

"Yeah, I know you're old, kaya nga nangyari 'yong nasa Surigao hindi ba?" sarkastiko niyang sambit sa akin.

Napairap ako sa kawalan at pinili na lang manahimik. Alam ko namang kasalanan ko kung bakit ganito ang tingin nila sa akin dahil hanggang ngayon hindi ko pa 'rin nasasabi sa kanila ang totoong nangyari noon.

Rinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya nang hindi na ako nagsalita. "Okay. Got to go, maglu-lunch na kami ng Mommy mo. And by the way magkikita kami nila Tito Jasper mo sa house nila mamaya. Sumabay ka nalang kay Gus pauwi, okay?" Tamad akong sumagot kay Dad.

"Dad, pwede bang hindi na lang ako sasama? Di-diretso na lang sana ako pag-uwi." maktol ko sa kanya.

"No! Sasabay ka kay Gus or baka gusto mo ipaalam ko ito sa Mom mo!" banta niya. Wala na akong nagawa dahil sa pagbabanta niya. Kapag si Mom na naman ang na-involve dito ay for sure sisigawan at papagalitan na naman ako nun.

"Okay, pupunta na ako." suko kong sagot. Biglang sumigla ang boses ni Dad sa kabilang linya.

"Okay. Good. See you later, baby."

"Okay Dad. Bye" at pinatay ko na kaagad ang tawag niya. Wala akong ganang tinititigan ang aking pagkain na nasa mesa. Hindi nagtagal ay may naglapag ng kanyang pagkain sa mesa ko. Pagtingin ko ay si Gus na naman. Huminga na lamang ako ng malalim at hinayaan siya.

Sumunod din naman na tumabi sa kanya si Axel na dala-dala na naman ang pagka-masungit niyang mukha.

"May nakita akong kausap mo, si Tito ba?" wala akong ganang tumango habang walang kalatuy-latuy na sumusubo ng pagkain.

"Buti naman! So sasabay ka sa akin mamaya Riel?" sinamaan ko na naman siya ng tingin.

"Sinabi ng Ate diba?" pikon na tugon ko.
"Oops! Sorry, Ate Riel?" pambabawi niya pa. Inis ko siyang inirapan.

Napailing ako at nagfocus sa aking pagkain. Naguusap silang dalawa ni Axel sa harap ko. Nakinig lang ako habang walang ganang sumusubo ng pagkain.

"By the way Axel, I heard magkatabi daw kayo ni Riel?" tanong ni Gus na kinadahilan nang pag-angat ko ng tingin sa kanilang dalawa. Gus awkwardly look at me, hindi talaga marunong makinig ang isang ito. Nag-peace sign pa siya sa aking bago humarap kay Axel. "I mean Ate Riel pala." pagtatama niya.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon