Thirty Three
Saturday came at umaga palang ay nakatanggap na ako ng tawag kay Axel. Susunduin niya raw ako mamayang 5 o'clock sa bahay. Hinilot-hilot ko ang aking batok at dinampot ang bag at susi ng kotse. Dire-diretso ang lakad ko patungong parking lot na hindi ko namamalayang nasa likuran ko pala si Apolo na mukhang pauwi na rin.
"Riel" tawag niya ng pansin ko. Nilingon ko siya saglit at naglakad na ulit.
"I know, you heard me..." sabi niya pa. Yes, narinig ko siya pero wala ako sa wisyong pakinggan ang kayabangan niya.
"Where's your boyfriend? Hindi ka susunduin?" Nang-aasar na sambit niya kaya inirapan ko na lamang siya at wala ng balak pang patulan siya. Pagod na ako para makarinig ng mga pang-aasar niya. Simula ng mapansin ng mga staffs ang madalas na pagpunta ni Axel sa office halos hindi na kami tinantanan ng usapan.
Hindi na rin nakatakas sa akin ang pagkamangha ng ibang Doctor sa presensya ni Axel na laging nasa tabi ko this past few days. They've been asking me nonstop kung paano daw kami nagkakilala at boyfriend ko daw ba at kung ano-ano pa. Siyempre sinagot ko na lang, nanliligaw pa at hindi ko pa sinasagot kaya mas lalo silang humahanga sa akin. Hindi sila makapaniwala na natitiis kong hindi pa ito sagutin gayong napaka-gwapo at yaman.
"Riel..." tawag niya ulit sa pansin ko. Binuksan ko ang passenger seat at hinagis ang bag sa loob. Nakasunod pa rin pala siya sa akin."What?" sikmal ko sa kanya nang mapansing nakahawak na ang kamay niya sa hood ng sasakyan dahilan kung bakit hindi ko masara ito.
"I am asking where's your boyfriend?" ulit niyang tanong.
Pagod akong bumuntong hininga at tumingin sa kanya. "Why do I need to answer your question? I'm tired Apolo, please let go." sabi ko at napabaling sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa pintuan ng kotse.
Nakita ko ang pagguhit ng galit sa mata niya habang titig na titig sa akin. Ilang sandali lang ay padarag niya akong hinawakan sa kamay ko. "Why? I know you like me Riel. Kaya ba hindi mo masagot ang lalaking 'yon dahil sa akin?" Biglang nag-salubong ang tingin ko dahil sa sinabi niya. I know that he's like this pero hindi sumagi sa isip ko na ganito ang iniisip niya sa akin.
Sa pagkakatanda ko after noong game na naging kami at pakikipaghiwalay ko sa kan'ya. Marami na akong nababalitaang hinaharangan niya lahat ng mga manliligaw ko. He always says he is my boyfriend so they stop pursuing me. I just didn't pay attention to it because I didn't care. Pero ngayong sinasabi niya ito sa akin ngayon, nahihibang na nga yata itong lalaking ito.
"Oh please Apolo, stop this nonsense. I know, you know that nothing really comes between the two of us. Yes! We've been together, but that was it. I only hit you because of the consequence of the game we agreed upon. So please stop being obsessive." Tuluyan ko ng napabaga ang galit sa mata niya dahil sa sinabi ko. Napalunok ako at kinabahan sa titig niya.
Ilang sandali pa ay kumawala na siya sa pintuan ng kotse, ngunit bago siya tuluyang umalis ay may binitawan siyang salita na nagpatayo ng balahibo ko. "AM Group right? CEO? I will make sure that he will suffer and you will regret this Riel."Nakarating ako ng condo ko ng hindi pa sumasapit ang araw at kahit nababagabag sa huling binitawang salita ni Apolo ay pinilit kong magpahinga at matulog dahil may party pa akong dadaluhan mamayang hapon. I set my alarm at 2 'o'clock pm at hinila na 'rin ng antok.
Nagising ako sa napakaraming doorbell sa aking pinto. Tamad akong napatayo at binuksan ang pinto.Si Mom ang sumalubong sa akin na may kasamang dalawang mga bakla. Ang isa ay may dalang gown at ang isa naman ay may bitbit na makeup kit. Salubong ang kilay ko habang dire-diretso ang pasok ni Mom sa loob at iginaya ang dalawang kasama sa loob.
"Anong oras na ba?" wala sa sariling tanong ko habang tinatamad pang imulat ang aking mata.
"Dear, it's already 3 o'clock and look at you! Hind ka pa nakakaligo?"
Kaagad akong napabaling sa orasan sa sala at napamura. Bakit hindi nag-alarm ang phone ko? Nakitaan ako ni Mom ng pagpa-panick.
"See, look at you, mukhang nag-sinkin na sa utak mo ang oras. Anong oras mo ba balak sanang magising? Did you set an alarm for this Chessy?" Nababanaag ko na ang inis na boses ni Mom.
"2 sana Mom." Napasinghap si Mom sa sinabi ko.
"There must be something wrong, nag-alarm ba? o sadyang tulog na tulog ka at hindi mo napansin na naga-alarm na."
"I don't know Mom. I'm gonna take a shower na."
"Buti na lang nalaman ko ang party na ito at na-predict na ang mangyayari kaya nadala ko ang team ni Maxine." anito sabay baling sa dalawang bakla sa gilid niya.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
RomanceChessy Reil was betrayed by her bestfriend, left her hometown and decide to follow her parents in Manila. She promise herself to become a low-profile until she graduate but when she finally starting to move-on from her past. May bagong pag-ibig pa l...