Maaga akong nagising ang katunayan niyan mas nauna pa ako sa alarm ko. Sobrang excited kasi ako dahil ito ang unang beses ko na magtra-trabaho. Dahil nga alas-kwatro pa lang ng umaga. Naglaba na lang muna ako ng mga damit ko kasama ang ilang labahan ng mga bata.
Hindi na nakakapagod ang paglalaba namin kahit papaano dahil noon may nag donate ng washing machine at dryer. Sa pagbabanlaw lang naman ang mano mano pa din pero ayos lang exercise ko na rin ito.
Naglagay na muna ako ng tubig sa washing machine. Sa palangana na malaki doon ako nagbanlaw ng mga labahan bago inilagay sa loob ng washing machine at naglagay ng powder tsaka konting de-kolor na bleach. Binukod ko ang mga undies ko at saka ikinusot. Ayaw ko kasi na i-washing dahil lumuluwang iyong mga garter.
Alas singko na at patapos na ako sa pagbabanlaw. Nakapag dryer na rin ako at nakapag sampay ng ibang nilabahan ko. Nag stretching na muna ako dahil nangangalay iyong likod ko.
"Jusme! Mira-belle bakit ka pa naglalaba?"
"Ayy tipaklong" gulat na nabitawan ko ang bed sheet na babanlawan ko sana. "Magandang umaga po" bati ko kay sister.
"Naku kang bata ka iwanan mo na yang labahin. Hindi ba't may pasok ka pa sa trabaho? Jusko kumilos ka na akong bahala diyan."
"Pero po patapos na po ako sister" sagot ko.
"Kahit na ,dapat hindi ka nagpapagod para may energy ka sa trabaho mo. Hala sige isusumbong kita kay mother superior kung 'di mo ako susundin."
Napakamot na lang ako sa ulo ko at walang nagawa kundi iwanan ang labahin. Takot ko lang kay mother superior. Nagmano na muna ako kay sister bago kinuha ang basket na laman ay mga nilabahan ko na sariling mga damit. May sampayan naman akong ginawa sa loob ng kwarto ko bukbuksan ko na lamang iyong bintana para kahit papaano ay maarawan pa din ang na dryer ko nang damit.
"Ito anak, dalhin mo ito. Iniluto ko ito talaga para sa iyo." masayang tinanggap ko ang lunch box. Napakaswerte ko talaga at napunta ako sa bahay ampunan na ito."Maraming salamat sister." nilanghap ko yung aroma ng ulam. Napakasarap talaga. "Sure na mabubusog ako nito mamaya sister."
"Bakit ka pa narito, Mira-belle? Gumayak ka na at baka ika'y ma traffic."
"Opo, Mother superior aalis na po." nagmano muna ako sa kanila at gumayak na.
Habang palabas ako ng bahay ampunan. Pinapaalalahanan ako ng ibang mga madre na mag-iingat sa biyahe. Nakatinging tumutugon ako sa kanila inihatid pa nga ako ni sister Clarita hanggang sa gate.
"Magiingat ka iha. Lalo na sa jeep baka ika'y hipuan ng mga masasamang lalaki."
"Opo sister. Alis na po ako" nagmano muna ako sa kanya bago sumakay sa jeep.
Nakakatuwa na ngayon ay may trabaho na ako. Sa totoo lang sapat na sa akin ang kinikita sa pagsusulat ko. Nakakapagbigay pa nga ako sa ampunan pero ayaw ni mother superior na manatiling umikot sa loob ng bahay ampunan ang buhay ko.
Kahit ayaw ko pa noong umpisa na magtrabaho sa labas ay sinunod ko na lang ang gusto ni mother superior. Tama naman din siya, kailangan kong ma expose sa environment na mayroon sa labas ng ampunan. At tsaka mas malaking halaga na ang maibibigay ko sa ampunan kung magtra-trabaho ako bukod sa kinikita ko sa pagsusulat.
"Para ho!" mahinang pagsambit ko. Huminto ang jeep sa gilid at mabilis akong bumaba.
"This is it!" masayang nilakad ko ang entrance ng building. Ipinakita ko muli ang ID ko sa guard at pumanhik na sa opisina.
"You must be the new employee?"
"Yes Ma'am. I am Mira-belle Silang the new proofreader." nakangiting pakilala ko at ini-extend ang kamay ko sa babaeng kaharapan.
YOU ARE READING
Wild Virgin (COMPLETED)
RomanceDAKS SERIES 1: Mira-belle Silang is an erotic writer. Sa kaangkinang galing sa pagsulat ng mga erotikong babasahin, sino magaakala na siya ay wala pang karanasan sa sex? In her 28 years of existence, she has never been touched, kissed, or been in...