CHAPTER 31

4.8K 120 18
                                    

Isang linggo na patuloy pa rin akong nagkaroon ng supply ng strawberries mula sa isang turista. Mapaghanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nakikilala. Nasa harapan ako ng salamin at tinitigan ang nanabang katawan ko. I feel insecure sa mga dalaga na nakikita ko sa labas.

Nanaba na ako dahil sa lakas kong kumain yung mukha ko nga malaman na. Napasimangot ako sa sariling repleksyon bago ko pa damdamin ang mga pagbabago sa aking katawan dala ng pagbubuntis ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.

Tuloy tuloy lang ako sa paglabas at naupo sa usual kong kinauupuan. Nangalumbaba ako habang nakatingin sa mga balangkinitang mga dalagita na nagtatampisaw sa dagat.

"Ang aga ang haba na ng nguso mo." Tinignan ko ang kakarating lang na si Tatay Ray.

"Eh kasi po ang taba taba ko na." Nakasimangot kong sagot at muling tinitignan ang mga dalaga na may inggit.

"Naku kulang ka lang sa strawberries oh ito kainin mo "

Muling ibinalik ko ang tingin kay Tatay Ray. Tinitigan ko ito ng husto ngayon ko lang napagtuunan ng pansin na pamilyar ito sa akin. Kagabi may naging panaginip ako at nakita ko si Tatay Ray doon.

Bumuntong hininga ako at pilit na inaalis sa aking isipan ang napakasamang panaginip ko kagabi. Tinignan ko ang basket na dala nito na puno ng strawberries. Sa paningin ko tila may mukha ang mga strawberries at sabay sabay nila akong kinakatyaw na mataba.

Nanubig ang mga mata ko habang nakatitig sa mga strawberries na patuloy sa pangangasar sa akin. Alam ko naman na mataba na ako eh bakit kailangan pa nila ipamukha? Isa pa kasalanan naman nila kung bakit tumataba na ako kung hindi lang sila masarap edi hindi ako tataba at magkakabilbil!

"Jusko, Anong nangyayari sa iyo? May masakit ba sa iyo?" Nagaalalang tanong ni Tatay Ray sa akin.

Umiling ako at tinuro ang mga strawberries na nangngasar sa akin. "A-ayaw ko na sa kanila i-naasar n-nila a-ako... M-mataba n-na d-daw ako." Hirap na hirap kong sambit dahil sa pagiyak.

Humagulgol ako ng malakas dahil naiinis na ako sa mga strawberries. Ayaw ko na sa kanila!

"Tumigil ka na.. teka oh ayan wala na mga strawberries. Tahan na makakasama sa baby 'yan "

Tumahan ako at sumisinok sinok pa. Wala na ang basket na puno ng strawberries. Parang isang bata na pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko.

"G-gutom na ako "

"Ano ba gusto mo kainin?"

Napaisip ako kung ano ang gusto ko kainin. Naalala ko na matagal tagal na rin na hindi ako nakakain ng saging.

"Banana" sambit ko at pinunasan ko na muna ang mukha ko bago sumagot. "Gusto ko ng banana na maugat, mataba, mahaba at matigas"

Napaubo naman si Tatay Ray sa sinabi ko. Naguumpisa muling manubig ang mga mata ko. "Ayaw mo ako bigyan banana?" Naiiyak na tanong ko.

"Hindi naman sa ganoon... Teka huwag kang iiyak."

Pero umiyak ako ng malakas dahil sa mga mata ni Tatay Ray ayaw niya ako bigyan ng banana. Madali lang naman ibigay yung hinihingi ko ah. Huwag nila sabihin na rare yon tulad ng gusto kong light blue na strawberries.

"Tatay Ray." Narinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki.

Kahit umiiyak at tinitigan ko ito. Natatarantang lumapit sa akin ang lalaki at gamit ang hinalalaki niya ay pilit niyang pinupunasan ang mga luhang nalalaglag mula sa aking mga mata.

"Why are you crying hmmm??" Malambing nitong tanong. Nilingon ko si Tatay Ray at tinuro bago sumagot.

"A-ayaw n-niya a-ako b-bigyan n-ng b-banana." Parang batang sumbong ko.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now