Ngayong araw nagpasya akong pumasok na lamang sa opisina para maiwasan ko ang pag-iisip ng mga negatibo. A-abalahin ko na lamang ang sarili sa pagbabasa ng mga dokumento kasya sa manatili akong nakahilata habang maraming hindi magandang ideya ang naglalaro sa isipan ko.
Pinilit ko ang sarili ko na hindi mahilo sa loob ng elevator mabuti ay nagawa ko naman. Bumukas ang pinto ng elevator kaya mabilis akong lumabas at huminga ng maayos. Grabe ang pagpipigil ko kung may hagdan lang tiyak mag hagdan ako.
Napakunot ang noo ko sa nakitang lalaki na abalang binabasa ang mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa ko. Pilit na mimumukhaan ko ito, baka empleyado lang din ngunit ito ang unang beses na makita ko siya.
"Excuse me?' Pagtawag ko sa pansin nito. Kaagad namang lumingon sa akin ang lalaki sabay tumayo.
"Good morning, how may I help you ma'am?" Inayos ko ang tindig ko at sinalubong ang seryosong mukha ng lalaki.
"Actually, I should be the one who ask you that question." Nakangiting sambit ko bago mas lumapit pa sa kanya.
"Pardon?"
Kinalma ko ang sarili dahil nakakaramdam ako ng inis sa lalaki.
"I'm the secretary of the owner of this company.... May I ask you?" Tinaasan ko ng kilay ang lalaki. "What are you doing in my table?"
Kita ko paano napalitan ang seryoso nitong mukha ng pagkaaliw maya maya lamang ay tumawa ito ng malakas. Nagtatakang tiningnan ko siya, may mali ba sa sinabi ko kaya siya tumatawa?
Inalala ko ang sinabi ko kanina pero wala naman akong jokes na sinabi. Nagpakilala lang ako at isa pa ay nagtanong kung ano ginagawa niya sa lamesa ko.
"Grabe one month lang ako nawala dito may iba na palang may-ari ng lamesa at posisyon ko."
Mas napakunot ang noo ko sa nadinig. One month? Ano raw?
"I'm Mr. Kantz's secretary for many years. Siguro bago ka dito?"
Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita ito muli.
"Itong lamesa na ito ay akin dahil ako ang secretary dito. Kita mo ito?" Sabay itinaas nito ang ID.
Siya may ID, habang ako naman ay wala. Ano ba talaga nangyayari? Gusto ko lang naman abalahin sarili ko tapos may ganito pa.
"Teka ano ba pangalan mo para matanong ko sa mga departments sa ibaba. Naliligaw ka ata."
Napaisip ako, isang buwan na din ng mag umpisa akong magtrabaho dito. Nakakapagtaka dahil naging sekretarya ako kahit iba naman ang kurso kong natapos. Kilala ang kumpanya na ito at narinig ko sa mga empleyada dito na mahigpit si Amir sa pagkuha ng secretary.
Dapat tapos ito ng mga kursong may kinalaman sa business at secretarial. Isa pa hindi ka dapat bachelor degree holder lang, dapat doctorate ka at may magandang credentials, work experience as well.
Naalala ko din kahit pumasok man ako o hindi, wala akong nakatambak na trabaho. Tsaka hindi rin ako tinarato ni Amir bilang secretary niya. Lagi nga akong nakakandong sa kanya dahil sa trip nito at never ko din nakita na natambakan ng trabaho si Amir.
"Sampung taon na ako dito nagulat nga ako kay Boss na bigla na lang ako pag bakasyunin with pay yun nga lang para na rin kong pumapasok dahil panay tawag at utos. Sabi ni Boss pagbakasyunin niya ako pero hindi naman." Yamot nitong pagkwe-kwento.
Nanatiling nakatingin lang ako sa lalaki, unti unting may ideya na pumapasok sa isipan ko. Hindi talaga ako secretary at nahihiya ako dahil nagyabang pa ako.
"Pwede magtanong?" Ito na ang pagkakataon ko upang makilala si Amir.
"Sure" sabay ngumiti ito.
"Nasaan si boss? he he he" nagkunwaring nahihiya pa ako.
YOU ARE READING
Wild Virgin (COMPLETED)
RomanceDAKS SERIES 1: Mira-belle Silang is an erotic writer. Sa kaangkinang galing sa pagsulat ng mga erotikong babasahin, sino magaakala na siya ay wala pang karanasan sa sex? In her 28 years of existence, she has never been touched, kissed, or been in...