I was stumped. I'm debating whether or not to follow her. Napaluhod sa sahig si Amir habang lumuhang nakatingin sa pinagkatayuan ng dalaga kanina.
Tila nadikit sa sahig ng condominium na pagmamay-ari niya ang kanyang paa nang masaksihan niya ang pagtalikod sa kanya ng dalaga. Parang deja Vu lamang, naalala niya na noong nagkita sila ng dalaga ng mga bata pa lamang sila ay ganito din ang pakiramdam niya ngunit ngayon mas masakit.
He had no idea how to describe the pain he was in. Ang mga mata ng babaeng minamahal niya ang paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isipan. He can't handle his emotion that's why nawala na ang kontrol niya sa sarili. Nagwala siya sa harapan ng kanyang mga empleyado habang umiiyak at tinatawag ang pangalan ng dalaga.
"MIRA-BELLE!" he shouted again and again.
Hindi alam ng mga empleyado ang gagawin. Ito ang unang beses na makita nila ang boss nila sa ganitong kalagayan. Mas nanaisin pa nilang nakasimangot ito o walang expression ang mukha kaysa sa ganito -na umiiyak.
Sa kabilang banda, pagkatapos malaman ng ina ni Amir ang nangyari ay mabilis nitong hinila palabas ng conference room ang kanyang asawa. Nasa kalagitnaan sila ng meeting ng makatanggap siya ng isang balita mula sa taong inutusan niyang bantayan ang dalaga.
Nagpupuyos sa galit ang ginang ng makita ang anak na si Amir. Hindi nagawang mapigilan ng asawa nito ang pagsugod sa kanilang pangalawang anak.
"You! HOW COULD YOU HURT HER? HINDI BA'T SINABI KO NA SA IYO NA HUWAG NA HUWAG MO SIYANG SASAKTAN? ANO ITO AMIR!"
Amir, on the other hand, was taken aback when her mother gave him a harsh slap. Nahinto ang pagwawala niya ng biglang pagdating ang kanyang magulang.
"M-mom..." he called her mother, only to be slapped again by her.
"Anak kita! Pero hindi kita kakampihan! Ano itong narinig ko na may anak ka pala huh? Walang hiya ka! I didn't raise you to be a scumbag!"
Mas nadagdagan ang sakit na kanyang nararamdaman ng makita ang luha sa mata ng kanyang ina. Pilit siyang lumalapit sa ina ngunit hindi siya nito hinahayaan.
"Dad" he called his dad para humingi ng tulong ngunit umiwas ito ng tingin at hindi niya mabasa ang tumatakbo sa isipan ng sariling ama.
His mom continue to slap him. Hinahayaan niya lamang ang kanyang ina dahil may mali siya. Hindi niya tinupad ang pangako na huwag sasaktan ang dalagang mahal niya.
Someone called him "Amir," and he recognized that deep baritone voice.
Nahinto sa pagsampal sa kanya ang kanyang ina at kapwa silang tumingin sa may-ari ng boses na iyon. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita hindi niya inaasahan ang pag-uwi ng panganay nila.
"Kuya Primo." Napadako ang tingin niya sa babae na lumabas mula sa likod ng kanyang kuya na mas lalong nagpagulat sa kanya.
"Tatania?" Gulat na sambit ng kanyang ina.
Palipat lipat ang tingin niya sa Kuya Primo niya at kay Tatania. Nagtataka siya kung bakit magkasama ang dalawa at higit sa lahat kung bakit bumalik ng bansang Pilipinas ang Kuya niya ng walang pasabi.
"A-amir... W-where's my s-son? Please tell me..... N-nasaan ang anak ko?"
Kumunot ang noo niya sa narinig. "W-what are you talking about?" He asked.
"My s-son n-nasaan siya."
Hindi niya inaasahan ang makita na lumuha ang nag-iisang babaeng kaibigan niya. Nalilito siya kung bakit sa kanya hinahanap ang anak nito. At ngayon lang din niya nalaman na may na pala ito sa tagal na panahon na nilang magkaibigan.
YOU ARE READING
Wild Virgin (COMPLETED)
RomanceDAKS SERIES 1: Mira-belle Silang is an erotic writer. Sa kaangkinang galing sa pagsulat ng mga erotikong babasahin, sino magaakala na siya ay wala pang karanasan sa sex? In her 28 years of existence, she has never been touched, kissed, or been in...