Slight SPG.....I'm back inside of his office. I was seated in Amir's swivel chair, rotating the swivel chair like a toddler while sitting. Amir and the board were having a meeting in the conference room. He got a call a while ago, and while Amir was still embracing me from behind, I heard everything the man on the other side said.
Huminto ako sa pag ikot ng kinauupuang swivel chair at tsaka ibinaba sa lamesa ang walang laman na double cookie crumble ice cream tub na ipinangsuyo ni Amir sa akin kanina para hindi ako umuwi. Tumayo ako sa pagkakaupo at niligpit ang balat ng mga pinagkainang chocolats. Marahang tinungo ko ang maliit na kusina na sobrang linis at maaliwalas.
Sinadya kong maging maingat dahil kung may masira ako tiyak sa kulungan na ako babagsak since wala naman akong trabaho meaning walang pambayad. Ang soyal nga nitong opisina ni Amir parang bahay na din sa laki at kumpleto ang mga gamit. Kusina pa lang ang nagpapasok ko since takot rin ako na mangialam na walang pahintulot.
Tulad ng sinabi ko maliit lang ang kusina ngunit wala kang makikitang mga nakalabas na ingredients at kahit ang mga equipment. Nakalagay lahat ng iyon sa cabinet kaya ang linis tignan ng paligid.
Automatic ang trash can kapag ilapit mo lang ng bahagya iyong kamay mo ay bubukas na kaagad. Since wala akong mahanap na basahan man lang pinindot ko iyong button sa gilid at automatic na nagbukas ang isang cabinet. Tumingkayad ako para maabot ang kitchen tissue nang maabot ay pinindot ko muli bago bumalik sa table ni Amir para punasan.
Nag spray muna ako ng alcohol sa ibabaw ng lamesa bago pinunasahan para hindi langgamin. Binalik ko iyong nakuhang alcohol sa loob ng first aid kit at tinapon ang ginamit na tissue.
"Ang ganda talaga dito sana all!" Mahinang sambit ko at itinapat ang kamay sa gripo na automatic na naglabas muna ng liquid soap bago ang tubig.
"Ang sosyal grabe!"
Hindi ko maiwasan na paglaruan ang sensor na gripo. This isn't the first time I've utilized a sensor-controlled faucet. May ganito din naman sa mga bathroom sa mga mall pero ang first time ko is yung may liquid soap munang lalabas. Talagang mapapa “sana all" ka na lang dahil gripo pa lang milyones na agad.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya dali daling itinapat ang kamay sa hand dryer bago lumabas ng kusina. Nakita ko si Amir na niluwagan ang suot na necktie bago naupo sa swivel chair niya at pumikit. Wala akong mababakas na emosyon sa mukha niya kaya nag-alanganin akong lumapit.
"Come here," he said.
Dahan dahan na lumapit ako sa lamesa niya at pinaki titigan ang mukha niya. Napaka manly pero kung matagal mong titigan ay may side siyang napakaamo. Naupo ako sa upuan na nasa harapan ng table niya. Dumilat ang isang mata niya at tumingin sa akin.
"You need to pay for my Sedan's headlight that you've broken."
Tumaas ang kilay ko sa narinig. "How? Wala na akong trabaho dahil sayo!" Naguumpisa na namang makaramdam ako ng inis at bago ko pa siyang masinghalan ay nagsalita na kaagad si Amir.
"Then be my secretary."
"S-secretary?"
"Yes, a secretary."
Napaisip ako bigla dahil secretarial position kaagad. Wala akong alam sa trabaho ng isang secretary ng isang Chairman & CEO. Journalism ang natapos kong kurso kung saan ay napakalayo sa position na inaalok niya sa akin.
Wala akong alam kung paano tumatakbo ang isang kumpanya at na sisigurado ko biglang isang secretary ikaw ang magpre-present in behalf of the owner sa mga business meetings na hindi niya mapuntahan.
YOU ARE READING
Wild Virgin (COMPLETED)
RomanceDAKS SERIES 1: Mira-belle Silang is an erotic writer. Sa kaangkinang galing sa pagsulat ng mga erotikong babasahin, sino magaakala na siya ay wala pang karanasan sa sex? In her 28 years of existence, she has never been touched, kissed, or been in...