CHAPTER 25

4.6K 100 9
                                    

Nakatanaw lang ako kay Amir habang nanatiling kumakain ng strawberry monchi. Apat na oras din ang naging biyahe namin mula Pinas hanggang Japan sakay ang private plane na pagmamay-ari ng pamilya daw nila.

Nasa veranda ng restaurant si Amir habang may kausap sa phone nito. Kanina pa iyon nandoon at pinapanood ko ang expression niya. Mukha galit ito sa kausap kanina at ngayon parang maamong tupa.

Tumingin sa gawi ko si Amir kaya umirap ako at pinagtuunan ng pansin ang interior ng restaurant na kinakainan namin. Hindi ko alam kung anong lugar ito hindi rin naman na ako nagtanong pa dahil naiirita ako sa boses ni Amir.

Patuloy lang sa pag-serve ng strawberry monchi ang mismong Japanese head chief nitong restaurant. Well nalaman ko lang ng sabihin ni Amir kakatuwa kasi VIP ang peg ko.

"Arigato" malambing kong sambit pagkalapag nito ng panibagong plato na naglalaman ng strawberry monchi.

Yumuko ito bago umalis, siyang siya ako sa pagkain at kumuha din ako ng ilang mga pictures. Sumenyas ako sa head chief na nasa gilid na stop na sa pag-serve ng monchi.

Mahinang dumighay ako bago sumandal sa upuan at hinimas ang busog kong tiyan. Tinignan ko muli si Amir may kausap pa rin ito sa phone niya. Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya madaling tumayo ako at hinanap ang restroom.

Hindi ko maintindihan ang mga nakasulat na salita at hindi din naman ako makapagtanong dahil hindi ako marunong magsalita ng nihongo. Bumaba ako sa first floor ng restaurant at nakakita ako ng sign na babae na madalas na nakapaskil sa mga restroom.

Madaling tinungo ko iyon at nagpanga-nga ng makita ang malinis na restroom.

"Grabe napakalinis" Parang nahiya naman ako na pumasok at madumihan ang makintab na sahig.

"Pero bahala na puputok na pantog ko" mabilis na tinungo ko ang unang cubicle para umihi.

Namamanghang iniikot ko ang tingin grabe napakaganda. Inisa isa kong basahin ang nakalagay sa ibaba ng bawat button. Nang makita ang button para sa flush ay kaagad ko ng pinindot.

Binuksan ko na ang lock at tinungo ang sink. "Grabe ang ganda" Itinapat ko ang kamay sa gripo at tsaka naghugas ng kamay.

"Mira-belle?" I heard Amir's voice behind the door. Hindi ako sumagot at tinungo ang hand dryer pagkatapos ay nag selfie na muna ako.

"Mira-belle? Nandyan ka ba?" Napairap ako ng marinig muli ang boses niya. Nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng litrato dahil napakaganda naman talaga ang restroom dito sa Japan.

"Ma-post nga ito" Natutuwang sambit ko bago bumukas ang pinto at niluwa si Amir.

"Nandiyan ka pala bakit hindi ka sumasagot?" Umirap lang ako at saka siya binangga ng mahina at inagaw ang sling bag ko na nakasukbli sa balikat niya.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Amir at ang kanyang mga yabag. Diretso akong naglakad palabas at napahikab sa antok na nararamdaman.

"Saan tayo next na pupunta?" I heard him said.

"Philippines." Maikling sagot ko. Bago muling humikab.

"Are you sure? Wala kang balak mamasyal?" Umiling ako at hinarap siya.

"Strawberry monchi lang naman sadya ko dito at isa pa inaantok na ako."

Lumamlam ang mga mata ni Amir at tsaka ako nilapitan. "Okay, well back in the Philippines."

Hindi na ako kumibo pa naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko at hinayaan ko na lamang dahil sa antok. Sumakay kami muli sa sasakyan na sumundo sa amin sa airport.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now