CHAPTER 6

7.7K 150 2
                                    

Warning R18

"Magiingat ka sa daan Mr. Kantz"

"Amir na lang po"

"Naku hayaan mo na ako iho. Nagpapasalamat ako sa malaking donasyon na ibinigay mo"

"Your welcome Mother Superior."

Nasa likod lang ako nina Mother superior nanatiling tikom ang boses ko kanina nakakahiya dahil may kiss mark pala ako sa leeg. Ang masama pa bata ang nakakita, mabuti hindi napansin nila mother superior kundi lagot talaga.

Sinamahan ko si mother superior na ihatid si Amir sa sasakyan niya. Inirapan ko siya ng tignan niya ako bago sumakay.

"Tara na po" anyaya ko kay mother superior. Tahimik lang kaming dalawa na naglalakad pabalik sa loob. Nasa kanya kanyang kwarto na ang mga bata at naghahanda sa kanilang pagtulog.

"Una na po ako. Magandang Gabi po ulit" nagmano muna ako kay mother superior at umakyat na sa kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto at nilock. Napatingin ako sa kabinet ng makitang nakauwang ang pinto niyon. Lumapit ako doon para isara baka pasukan pa ng ipis ang gamit ko.

Ngayon ko lang naramdaman ang matinding pagod. Humiga ako sa kama at nakipagtitigan sa butiki na nasa kisame. Bukas 'di ko alam kung papasok ba ako o hindi. Hindi pa rin nagre-reply sa akin si Gab marahil ay busy. Sana naman hindi ako matanggalan ng trabaho sayang din ang sweldo.

Naisip ko bigla si Gab, kanina she interfered with the commotion between me and Kilay. Sana hindi siya napaginitan ni Kilay. Napahikab ako sa antok, bago tuluyang matulog nagdasal na muna ako at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan na ginawa ko ngayong araw.

KINAUMAGAHAN, hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Nandito ako sa harapan ng publishing company na pinagtra-trabahuan ko. At kanina pa ako nakikipagtalo sa sarili ko kung papasok ba ako o hindi.

Kanina ko pa kinukulit si Gab pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong sagot sa mga text ko. Napabuntong hinga na lamang ako at tinignan ang phone ko.

"Mira-belle?" Kaagad na umangat ang tingin ko sa tumawag sa akin. Napangiti ako ng makita si Jeo na naglalakad palapit sa gawi ko.

"Good morning" bati ko sabay ngumiti.

"Good morning bakit hindi ka pa pumapasok?" Napakamot ako sa ulo ko sa tanong ni Jeo.

"E-eh kasi... ."

"SILANG!" Pareho kaming napalingon kay Gab. Kakababa lang nito ng taxi at nakangiting kumaway sa amin.

"Morning"

"Morning" bati nito kay Jeo bago ako lapitan at ikawit ang isang braso sa akin. "Good morning my friend. Pasensya na kung hindi ako nakapag reply na lowbat kasi ang phone ko. Tara pasok na."

"Teka Hindi ba ako natanggal?"

"Ah.. kaya pala nandito ka pa sa labas. Kamo si Kilay ang natanggal kaya tara na bago pa naman ang senior Chief natin." Kapwang inakbayan kami ni Jeo papasok. Ipinakita na muna namin ang ID namin sa guard bago naglakad papuntang elevator para sumakay pa akyat sa second floor.

Nakaakbay pa rin sa akin si Jeo pero hinayaan ko lang siya, si Gab? Ayun panay ang reklamo.

"Aba tigilan mo ang pagakbay-akbay sa amin baka may putok ka at mahawa pa kami."

"Hala! Grabe ka ah. Wala akong putok alagang tawas 'to kapal nito. " Natawa na lang ako sa dalawa at ako na ang pumindot sa button ng elevator.

Nakikinig lang ako sa reklamo nila sa isa't isa kung wala lang jowa si Jeo tiyak na pagkakamalan ko na gusto niya si Gab pero wala eh taken na.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now