"Tila hindi ka mapakali diyan anak. May bumabagabag ba sa iyo?"
Napabuntong hininga ako bago binalingan si mother superior. Napangiti ako ng makita na bagay sa kanya iyong suot niyang dress. Nakakatuwa dahil ngayon ko lamang nakita si mother superior na hindi suot ang kasuotan ng mga madre na madalas nitong suot.
"Medyo kinakabahan lang po mother superior." Sagot ko.
Pinisil ni mother superior ng bahagya ang aking pisngi bago magsalita. "Bakit ka naman kinakabahan? Araw ng kasal mo ngayon dapat maging masaya ka."
"Yun na nga po mother superior eh baka umatras si Amir." Naluluhang sagot ko.
Kagabi pa ako napapaisip baka biglang umatras si Amir. Paano kung matauhan si Amir na hindi pala niya ako mahal. Paano pala na panaginip lang ito or what.
"Bakit mo naman naisip na aatras si Amir? Sa tingin mo ba'y gagawin niya iyon?" Naluluhang tumango ako kay mother superior.
"Opo dalawang linggo mahigit na po kaming hindi nagkikita. Paano po mother superior sa mga araw na hindi kami nagkikita ay nakatagpo siya ng ibang babae. Maganda, sexy, may class at matalino pa. Paano ako?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nagbabadya ng bumuhos ang aking luha."Jusko anak. Dala lamang ng iyong hormones 'yan---nagiging praning ka. Isipin mo satingin mo hahayaan ng papa Ray mo na umatras si Amir gayong buntis ka?" Nagkibit-balikat ako bilang sagot.
"Kung mangyari iyon tiyak na buhok lang ang walang latay kay Amir. Kilala mo naman iyong papa mo handang makipagpatayan para sa nag iisang prinsesa niya."
"M-mother s-superior" sambit ko sa basag na boses.
"Shss. Hush... Huwag kang iiyak sige ka himbis na isa kang pretty na bride baka magmukha kang bruhilda kapag nasira ang make up mo."
Niyakap ko pabalik si mother superior at isinubsob ko ang mukha sa leeg niya. Patuloy lamang sa paghaplos sa likod ko si mother superior sa tahimik ng kwartong kinaroroonan namin ay rinig ang pagbukas ng pinto na ikinahiwalay ko kay mother superior mula sa pagkakasubsob sa leeg niya.
"Nandito na po iyong wedding gown. Bibihisan na po ang bride." Sambit ng babaeng staff. May pumasok na dalawa pang babae na pinagtulungan dalhin ang malaking box na naglalaman ng wedding gown.
"O siya lalabas na muna ako anak ah. Titignan ko lamang iyong mga bata kung nakabihis na."
Ngumiti ako at inalis ang pagkakayakap kay mother superior. "Okay po."
Madaling lumapit sa akin ang dalawang babaeng staff kaya tumayo ako para makabihis na. Hindi ko alam ano itsura ng wedding gown ko hinayaan ko na si mommy sofia ang pumili basta simple lamang.
"Tara po ma'am. Tutulungan po namin kayo isuot itong wedding gown niyo po." Napasinghap ako ng makita ang itsura ng wedding gown ko.
Simple tulad ng nais ko ngunit napanganga ako ng tuluyang inilabas ang wedding gown mula sa kahon.
"Sabi ko simple lang pero ano ito." Mahinang bulong ko at napapailing.
"Napaka ganda ng wedding gown niyo ma'am. Sa totoo lang po ito po na ang pinaka simple sa mga wedding gown ng mga bride na naging customer po namin."
"Simple na ito?" Tumango iyong babae.
Napa facepalm ako mali na hinayaan ko si mommy Sofia. Filipiniana inspired iyong wedding gown---plain ni walang mga maliliit na palamuti ngunit iyong tela na ginamit panigurado ay mamahalin dahil silk iyon for pete's sake!
"Hubarin mo po ma'am iyong bra po ninyo."
"At bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"May bra pad naman itong wedding gown ninyo po at isa pa po back less po."
YOU ARE READING
Wild Virgin (COMPLETED)
RomanceDAKS SERIES 1: Mira-belle Silang is an erotic writer. Sa kaangkinang galing sa pagsulat ng mga erotikong babasahin, sino magaakala na siya ay wala pang karanasan sa sex? In her 28 years of existence, she has never been touched, kissed, or been in...