CHAPTER 27

4.1K 114 21
                                    

WARNING ⚠️

OPPSS WALA PONG BED SCENE. MARAMI LANG PONG MGA STRONG WORDS NA HINDI APPROPRIATE.

I'm crying while laughing, para akong nababaliw sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Paano niyang nagagawa na manatiling inosente, yung tipong kahit bistado mo nagkukunwari pa rin.

I glance at him with pain and disgust. Papanindigan talaga niya ang pagkukunwari niya.

"I-i know your secret." I uttered in pain.

I observe his reaction, tila natuod ito sa harapan ko at bigla na lamang namutla. Natawa na lamang ako ng mapait bago magpatuloy.

"You have a child and you'll get wed soon.... Tama hindi ba?"

Humakbang ako paatras at kita ko ang takot na nanalantay sa abo nitong mga mata. Noon ang mga matang iyan ang kumuha ng atensyon ko. Iyang matang iyan ang inaakala ko na hindi ako magagawang saktan ngunit ngayon iyang abo na mga mata na 'yan ang kinamumuhian ko.

Hinding hindi na ako malilinlang ng mga mata na iyan na puro kasinungalingan ang laman. Hindi ko hahayaan na mawala ng tuluyan ang dignidad ko bilang babae. Tama na ang kasalanang nagawa ko. Tama na ang sakit na idinulot ko sa babaeng tunay na nagmamay-ari sa kanya.

Mahal kita Amir ngunit handa akong ibaon ang pagmamahal ko sa iyo alang-alang sa pamilya mo. Hindi ko pinangarap na makasira at makapanakit, mas gugustuhin ko pa na ako na lamang ang masaktan.

Muling pinagsawa ko ang aking mga mata sa gwapong imahe ng lalaking pinakamamahal ko. Tuluyang tumalikod ako sa kanya at naglakad papalayo. Masakit, napakasakit hindi ko ma i-explain kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.

Lumuluhang pinara ko ang paparating na jeep at madaling sumakay. Hindi ko na muling sinulyapan si Amir dahil kung gagawin ko iyon tiyak na mas masasaktan lamang ako.

Tama na ang sakit nakapag desisyon na ako, nang talikuran ko siya kanina iyon na ang umpisa na kakalimutan ko na rin siya.

Alam kong mahirap ngunit alam kong kakayanin ko. Hindi ako hahayaan na masaktan ng ganito ng Diyos kung hindi ko malalagpasan.

Amir is not my "the one," but rather a lesson para mas tumatag pa ako.

Tumunog ang phone ko at tinignan ko iyon. Ipinasuyo ko na muna ang bayad ko bago sagutin ang tawag mula kay nanay.

"N-nanay..." I cried right away when I swiped the answer button.

'Pumunta ka sa plaza now na.'

Bago pa ako makasagot ay mabilis na pinatay ni nanay ang tawag niya. Nalungkot naman ako dahil inaasahan ko na tatanungin niya ako kung bakit ako uumiyak ngunit hindi nangyari iyon.

Wala ba akong halaga kay nanay? Tanong ko sa aking sarili na mas nagpatindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pinipilit ko ang sarili ko na tumahan ngunit patuloy lamang sa pag-agos ang luha ko. Napapatanong ako sa sarili ko kung bakit ngayong araw ay puno ng kasawian at pagtatangis. Kakatapos lang namin mag-usap ni Kilay at hindi ko kinaya ang nalaman ko.

Nanghihina ang tuhod ko sa sobrang sakit na nararamdaman. Tila paulit ulit sinasaksak ang puso ko at tipong may pinipigang kalamansi sa sugat nito kaya sobrang hapdi. Para akong mamatay sa sobrang sakit, bakit ganoon?

Bukod sa pagiging makulit ko kina mother superior at paglabag ko sa isa sa sampung utos bakit tila napaka makasalanan kong tao para parusahan ako ng ganito?

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now