CHAPTER 21

4.8K 88 5
                                    

Maaga pa lamang ay naghahanda na ang mga madre at maging siya para pumunta sa puntod ni sister Mira. Ngayong araw ang ika-dalawampu't walong anibersaryo ng pagkamatay nito.

Kanina nakapag-usap na sila ni Amir. Nagulat nga siya dahil akala niya isa sa mga madre ang kumakatok sa pintuan ng kwarto niya yun pala ay si Amir. Humingi ito ng tawad sa pagsigaw niya sa akin at maging sa inakto niya kahapon. Sinabihan ko siya na kailangan din niyang humingi ng tawad sa nakababatang kapatid na si Paris.

Pagkatapos nilang mag-usap nauwi sa mainit na pagsasalo sila sa ibabaw ng kama niya. Nakailang beses din sila kaya bago sila bumaba ay naligo sila ng sabay at may nangyari pa ulit sa kanila. Iba ang panggigil sa kanya ng binata at kahit medyo humahapdi na ang kanyang pagkababae ay tuloy pa rin ito.

Mas agresibo nga ito kanina at hindi hinayaan na hindi sa loob ko ilabas ang semilya. Hindi naman ako natatakot na mabuntis dahil safe naman ako kahit halos dalawang linggo na ang nakakalipas ng datnan siya.

Ganoon din kasi noong nakaraang buwan, may nangyari sa kanila ng ilang beses ngunit dinatdat pa din siya kaya tinandaan niya kung pang-ilang araw iyon magmula ng magkaroon siya.

Pagkatapos nge ilang beses na pag-angkin sa kanya ng binata ay may tumawag dito. Kaagad na nagmamadali ang binata at nagpaalam sa kanya na may aasikasuhin na problema sa isang branch ng kanyang isang negosyo dahil sa nasunog.

"Anak, paki-abot nga iyang sandwich"

Kaagad na kinuha ko ang sandwich na malapit sa akin at inabot sa isang madre. Gising na ang mga bata at nag-aayos na ng kani-kanilang sarili. Isinasama na din sila sa tuwing bumibisita sa puntod ni sister Mira na nakahimlay sa pampublikong sementeryo na nasa likod ng simbahan.

"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ni mother superior.

"Yes po mother superior"

"Oh siya tayo na"

Pinauna ko ang mga bata at sinabihan na maghawak-hawak ng kamay. Maglalakad lamang kasi kami patungo sa simenteryo since malapit lamang ito. Binitbit ko ang isang basket na naglalaman ng mga pagkain at ganoon din ang iba pang madre.

Sa halos bente minutong paglalakad namin ay nakarating na rin kami sa sementeryo. Naglakad kami patungo sa side ng sementeryo kung saan nakalibing lamang ay ang mga namayapang madre at pari.

Kagaad na sumunod kami kay mother superior na lumapit sa pamilyar na lapida. Ibinaba ko na muna ang dalang basket at nag umpisa ng pangunahan ni mother superior ang pagdarasal.

Taimtim kaming nagdadasal at naramdaman ko ang malamig na hangin sa aking balat. Hinimas ko ang dalawang braso ko ng lalong lumamig ang nararamdamang hangin. Napadilat ako mula sa pagkakapikit ng may narinig na boses.

Tinignan ko ang aking likuran ngunit wala akong nakitang ibang tao maliban sa ilang mga madre. Ibinalik ko ang tingin sa unahan at pilit na binasa ko ang ilang impormasyon na nakaukit sa marmol na lapida ni sister Mira.

Sister Mira

Born: April 12, 1974
Death: June 18, 1994

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Ngayon ko lang nalaman na ang araw ng pagkamatay ni sister Mira ay ang araw ng......

"Mira-belle kanina pa kita tinatawag" nabalik ako sa wisyo ng may tumapik sa akin. Napakunot ang noo ko ng nasa harapan ko na pala si mother superior.

"Sabi ko na kakain na tayo ngunit nakatulala ka lang diyan." Hilaw na ngumiti ako kay mother superior na nakataas na ang kilay sa akin.

"Sorry po hehe" sagot ko at mabilis na lumapit sa mga bata.

May nakalatag na tela sa madamong lapag at doon masayang nakaupo ang mga bata. Tumulong ako sa pagsandok sa nilutong pancit ni sister Luz at tsaka ipinamahagi sa mga bata.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now