CHAPTER 22

4.6K 98 9
                                    

I was sleeping well when I heard Amir's phone ring. I'm also too exhausted and sleepy dahil hindi ko na namalayan ang oras na natapos kami sa pagiisa. Patuloy pa rin sa pag-iingay ang phone naguumpisa na akong mainis dahil naiistorbo ang masarap kong pagtulog.

Umikot ako pakanan at kinapa ang katabi. Hindi ko makapa ang katawan ni Amir. Iminulat ko ang antok na mga mata at nakitang wala si Amir. Madilim ang buong silid at tanging lampshade lamang sa kanang bahagi ang nakasindi. Umiilaw at nag iingay naman ang phone ni Amir na nasa study table.

Inis na pilit kong inaabot ang phone niya at kahit antok na antok ay tinignan ko ang caller's name. Kumunot ang noo ko dahil hindi naka-register ang number ng tumatawag sa phone book at nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.

Sa huli nagpasaya na lamang akong sagutin ngunit bigla naman namatay ang tawag at may nag-text. Nawala ang antok ko ng mabasa ang nilalaman ng text mula sa taong tumatawag kanina. Napaupo pa ako sa ibabaw ng kama at hindi alam ang gagawin.

"Maaga pa bakit gising ka na?" Nagulat ako ng marinig ang boses ni Amir kasabay ng pagliwanag ng paligid. Naka itim na pants at itim din na muscle sando si Amir. Pawisan ito kaya napadako ang tingin ko sa digital wall at nakitang alas-singko pa lamang ng umaga.

"Maaga pa para mag phone ka." May bahid ng inis na sambit niya at doon ko naalala na hawak ko ang phone niya.

Mabilis na nakalapit sa akin si Amir at nakita niya ang bagong phone niyang hawak ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa guilt --interfere his privacy.

"I'm sorry" I immediately uttered and lowered my head to hide my face.

"Why you're sorry hmm?" malambing ang boses nito na ikinagulat ko.

"H-hindi ka galit na p-pinakialaman ko phone mo?" tanong ko sabay angat ng mukha ko.

"Why would I? I even give you all my passwords."

"B-but yung pri--" mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko sa pamamagitan ng halik.

"It's still early but your seducing me already huh." Kita ko ang pag-ngisi nito at naging mapaglaro ang pinapakita ng abo niyang mga mata.

"Kapal mo" mabilis kong sagot at inilapag ang phone niya sa side table kung saan iyon nakalagay kanina. Inayos ko din ang kumot para takpan ang sumilip na kabilang dibdib.

He instantly embraced me and chuckled. Napangiti na lamang ako at yumakap pabalik. Sa sweet gestures niyang ito alam kong hindi niya akong kaya saktan. Amir, I have complete faith in you.

"Bakit mo pala hawak ang phone ko? Nag download ka na naman ba ng tongits? I've already told you that I can give you money to gamble with in casino hindi yung nagtotongits ka." Natawa naman ako sa narinig.

Ang loko mas malalang sugal nga ang casino kaysa sa tongits dahil malaki ang pustahan doon habang sa tongits maliit lang. Tapos ngayon may app na kung saan maglalaro ka lang ng tongits magkaka-iphone o pera ka pa.

"What's the point of your laughter? This isn't a joke, honey.. I can even give you my pins in all my cards." Pinisil ko ang tagiliran ni Amir.

"Loko hindi naman ako sugarol grabe ka" natatawang sagot ko. "Ang aga kasing may nang-tri-trip."dagdag ko at tinitignan ang mukha niya. Ngayon ay sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

"Who?" Kunot noo niyang tanong.

"I don't know... Di naka register number niya sa iyo. Hayaan mo na scammer lang yun akalin mo ba naman mag text sa iyo na panagutan mo daw siya." Napa-iling ako habang inaalala ang nabasa kong text.

Hindi umimik si Amir at napapahikab ako dahil sa antok. "Tulog ulit ako pinagod mo kasi ako eh." Panunumbat ko sa mababang boses.

"I'm sorry, tulog ka na ulit." Napapikit ako na may ngiti sa labi ng halikan ako ni Amir sa noo.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now