"Bye po ate. Ma miss po kita"
Malungkot na tumingin ako kay Gabo at pinantayan siya. Masakit pa rin ang ano ko pero hindi na ganoon kagrabe.
"Papakabait ka ah! Ma miss ka din ni ate wala na akong taga bunot ng patay na buhok." hinimas ko ang pisngi ni Gabo at marahang kinurot.
"Opo ate, huwag ka na po lungkot. Hayaan niyo po susubukan ko po kausapin ang bagong mama at papa ko po para makabisita po ako dito." Ngumiti ako at niyakap ng mahigpit si Gabo. Ma-mimiss ko itong batang ito.
"Gabo, sige na." humiwalay na ako kay Gabo at umayos ng tayo
Nakangiting tinignan ko ang bagong mga magulang niya, ngumiti naman sa akin pabalik ang may edad ng babae at tsaka hinawakan sa kamay si Gabo."Ba-bye kuya Gabo/ Gabo mi-miss ka namin!"
"Ingat kayo sa biyahe"
"Pakabait ka Gabo anak, ah."
"Bye! Mi-miss ko kayo love you all!" Nakangiting kumaway sa amin si Gabo habang pasakay sa sasakyan. Nakatanaw kaming lahat sa papalayong sasakyan, napabuga ako ng hangin napakasa sakit masaksihan ang mga batang umaalis sa ampunan.
"Pagpalain nawa'y ang bagong landas ni Gabo" yumakap ako kay mother superior tulad ng palagi kong ginagawa. Hinimas niya ang likod ko ng marahan. "Kahit ang tigas ng ulo mo, napaka-lambot naman ng puso mo."
"M-mother superior" siniksik ko ang mukha ko sa leeg ni mother superior at mahinang umiyak. Ma-mimiss ko ang mga bata para ko na din kasi silang kapatid kaya napaka sakit sa akin itong mga ganitong tagpo.
"Hala si ate Ganda iyak."
"Ate huwag na po ikaw iyak Sige ka po mas maganda na ako sa iyo."
"Group hug!" napangiti ako ng maramdam ang mga bata na yumakap sa amin ni mother superior. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay mother superior at pinunasan ang luha ko gamit ange likod ng palad ko.
"K-kiss niyo nga si Ate" kumalas sa pagkakayakap sa amin ang mga bata. Nag squat ako para magpantay kami at isa isa silang humahalik sa pisngi ko.
"Love ka namin po ate naming Maganda!"
"Kayo din love na love kayo ni ate" masayang turan ko kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Ang mga batang ito ang nagpapasaya sa akin.
"Tara pasok na tayo look mukhang uulan"
"Paunahan tayo ate!" Natatawang pinanood ko na muna ang mga bata na nagpapaunahang tumakbo bago tumakbo pa sunod sa kanila.
Ang makipagkulitan sa mga bata ang isa din sa mga masasayang ganap na paboritong kong balikan sa tuwing nalulungkot. Pagkapasok ko ay mabilis na sinunod ako ng mga bata para kilitin. Tawa naman ako ng tawa at halos kapusin na ako ng hininga.
"HAHAHHAHAHAHAHAH T-tama n-na!"
"Kiliti kiliti ate" naghagikhikan ang mga bata bago tigilan ako kilitiin.
"Tigilan niyo na si Ate ninyo baka atakihin yan ng hika niya." paalala ng bagong pasok na si mother superior.
"Mira-belle sunod ka sa opisina ko. May pagusapan tayo." biglang nag ring ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at si Gab ang tumatawag.
"Opo sagutin ko lang po ito tumatawag po iyong katrabaho ko po"
"Sige, mga bata mag sulat na muna kayo diyan."
Kaagad na lumayo ako at sinagod ang tawag ni Gab. "Hello Gab?"
"Silang." Napakunot ang noo ko sa lungkot na nahimigan ko sa boses ni Gab.
YOU ARE READING
Wild Virgin (COMPLETED)
RomanceDAKS SERIES 1: Mira-belle Silang is an erotic writer. Sa kaangkinang galing sa pagsulat ng mga erotikong babasahin, sino magaakala na siya ay wala pang karanasan sa sex? In her 28 years of existence, she has never been touched, kissed, or been in...