CHAPTER 33

5K 120 8
                                    


WARNING! PLEASE READ AT YOUR OWN RISK AS THERE ARE SCENE AND EXPLICIT WORDS THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR THE UNDERAGE....

Simula ng magising ako kanina at makapag-usap si papa, mother superior at mga magulang ni Amir ay hindi kami naiiwan na mag-isa sa loob ng kwarto. Si papa panay ang dikit sa akin, natatawa na nga lang ako dahil alam ko naman ang ginagawa niya.

Ayaw niya magdikit kami ni Amir, nakasimangot na nga si Amir dahil hindi siya makalapit lapit sa akin. Bumalik na sa Manila sila mommy Sofia at Daddy Teo dahil may business meeting silang kailangan puntahan.

Kanina ko lang din nalaman na wala kami sa isla nasa centro kami ng Palawan. Bale nang mahimatay ako saktong papaalis si Loiza yung supermodel kaya ayun pinasakay daw kami sa private chopper nito at hinatid dito sa centro.

"Anak kain ka pa oh." Ibinuka ko ang bibig ko tsaka ako sinubuan ni papa. Kanina pa niya ako pinapakain ni papa. Busog na busog na nga ako eh pero hindi magawang alukin ni papa si Amir.

"Bigyan natin si Amir pa." Ulit ko pero umismid lang si papa.

"Para sa anak ko lang 'to. Hayaan mo siya diyan." Napailing na lang ako kay papa at tinanggap ang saging na ibinigay sa akin.

"Ray magpahinga ka na muna."  Sambit ni mother superior na kakapasok lang.

"Mamaya na po mother superior." Sagot ni papa at patuloy pa rin akong sinusubuan pero umaayaw na ako dahil halos puputok na ang tiyan ko sa kabusugan.

"Tumayo ka na riyan mahiya ka naman sa driver na maghahatid sa iyo." Natawa ako ng mahina ng makita ang pagbusangot ni papa na parang bata.

"Magpahinga ka na rin papa." udyok ko pa syempre para mag bebe time kami ni Amir.

"Tsk ano para magkabebe time kayo?" Masamang tinignan ni papa si Amir bago inilipat sa akin ang tingin. "Papunta pa lang kayo pabalik na ako." dagdag pa ni papa.

"Naku Ray umuwi ka na muna. Ako na bahala sa dalawang bata na ito."

Walang nagawa si papa at mapabuntong hininga na lamang bago inilapag sa side table ang natirang pagkain.

"Uuwi na muna ako sandali anak ah. Babalik din si papa."

"Opo" malambing kong tugon. Hinalikan muna ako ni papa sa noo na ikinapikit ko. Ang sarap talaga kapag may papa ka....

"Ikaw lalaki." Napadilat ako mula sa pagkakapikit at tinignan si Amir na ngayon akala mo ay isang sundalo dahil tuwid na tuwid ang likod nito habang nakatayo.

"Hindi mo pwede lapitan anak ko." May halong pagbabanta sa boses ni papa.

"Papa!" Parang batang saway ko. "Umuwi ka na po. Pahinga na po muna kayo. Ingat." Sunod sunod na sambit ko at bumaba sa kama na kanina ko pa kinauupuan tsaka marahang tinutulak tulak si papa papunta sa pintuan.

"Tss.. Atat na atat, anak?" Nakasimangot na sambit ni papa. Ngunit lang ako dito ng malaki at natuwa ako ng biglang umamo ang itsura nito.

"O siya. Aalis na ako babalik din agad ako."

"Ingat papa!" Malambing kong saad at humalik sa pisngi niya.

"Hayy naku Mira-belle." Natatawang sambit ni mother superior natatawa na isinara ko ang pinto at tumabi kay Amir.

"Kailan po ako pwede lumabas na?" Tanong ko kay mother superior m

"Mga mamayang gabi o bukas ng umaga pwede na. Antayin na muna natin yung resulta ng test." Malapad na ngumiti ako kay mother superior.

"Gusto ko na po umuwi ng Manila." Nararamdaman ko ang pagtitig sa akin ni Amir kaya tinignan ko din siya. "Papakilala kita kay mama." Nakangiti sambit ko.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now