ISANG linggo na ako sa trabaho ko at habang patagal ng patagal, mas pinag-initan ako ni Kilay tulad ngayon.
"YOUR JOB WAS EASY LIKE THE PRE-SCHOOLER CAN DO CORRECTLY! HINDI MO MAN LANG TINITIGNAN NG MABUTI ANG BAWAT BANTAS TAPOS IPINASA MO PA SA PUBLISHING TEAM?"
Napayuko na lang ako at pinaglalaruan ang mga daliri ko. Araw araw puro pagbubunganga na lang inaabot ko sa kanya. Kahit sa maliit na bagay napapansin. Oo, kasalanan ko na hindi ko napansin na sobra pala ng tuldok yung isa sa sentence ng nasa manuscript na napunta sa akin.
Pwede namang idaan sa maayos na pananalita hindi yung pasigaw. Na-eeskandalo kahit ang kabilang team at nahihiya ako.
"GO BACK TO YOUR WORK HUWAG KANG PATANGA TANGA. AYAW KO SA MGA TAONG TANGA!" napabuntong hininga na lang ako ng pumasok na ito sa sariling opisina.
Kaagad na nilapitan ako ni Gab at himas ang likod ko para gumaan ang loob ko. "Ayos lang yan, Silang. Isa kang katipunera huwag mong hahayaan na papaapekto ka sa kilay na yun."
Hindi ako umumik kay Gab dahil masama ang loob ko. Hiyang hiya ako dahil hindi lang ang team namin ang nakakasaksi ng pamamahiya ni Kilay sa akin. Kahapon napadaan ako sa publishing department kung saan ang manuscript na ina-approved namin ay pini-print into book. Katabi lang din ng department namin ang department na iyon narinig ko na ako ang usapan nila.
Keso patanga tanga daw, paano nila naatim na pag usapan ang katrabaho nila? Huminga ako ng malalim at nagsimula ng magbasa.
Mabusising tinitigan ko ang bawat bantas. Mabuti ang hawak kong manuscript ay kaunti lang ang mga errors na nakita ko. Simula kanina dalawang beses kong binabasa ang mga manuscript para sigurado.
Maingat na inilapag ko ang hawak na manuscript at naginat inat muna. Ang sakit na ng batok ko.
"You okay Silang?"
"Ayos lang Gab" nakangiting sabi ko. "Balik na sa ginagawa baka mahuli na naman tayo ni Kilay."
Kumuha ulit ako ng manuscript at binasa. Napahilot ako sa sintido ko dahil sa daming errors. Jusko mamatay ata ako dito. Kumuha ako ng panibagong papel at sinulat ang mga mali. Ang ganda pa naman sana ng yung synopsis pero bakit ganoon 'di masyadong tugma sa nilalaman?
Lumipas na ang lunch break pero hindi pa rin ako kumakain. Inaya nga ako ni Gab pero ako ang may ayaw. Sumasakit na ulo ko dahil sa daming mali ng kanina ko pang pino-proofread na manuscript.
"SILANG!" napatayo ako sa gulat ng sumigaw si Kilay. Nakataas na naman ang kilay nito sa akin habang papalapit.
"Ma'am?"
"Go to my office and get the files on my table. Dalhin mo sa taas!"
"Opo" mabilis kong ibinaba ang manuscript na walang lingon at tsaka mabilis na tinungo ang opisina ni Kilay. Sabi ni Gab palautos daw talaga yon palibhasa may rayuma kaya 'di na daw nakakaakyat sa opisina ng boss.
Napangiwi ako ng maraming folders ang nakalagay sa table niya. Maingat na inayos ko na muna ang mga folder para 'di magsilaglagan. Palabas na ako ng opisina ni Kilay ng pumasok ito at irapan ako.
Kita ng marami akong dala sinarado pa talaga yung pinto. Napairap na lang ako hindi naman niya makikita eh. Gamit ang paa isiniksik ko iyon sa uwang para mabuksan ko ang pinto.
Nakita ako ni Jeo kaya mabilis itong lumapit para tulungan ako.
"Salamat" mahinang sabi ko. Sumaludo lang ito at bumalik sa cubicle niya.Hindi ako nahirapan na lumabas sa opisina namin since iniiwanang nakabusan naman iyon dahil sira ang lock. Maingat na naglakad ako at tinungo ang elevator para sumakay paakyat ng fifth floor.
YOU ARE READING
Wild Virgin (COMPLETED)
RomanceDAKS SERIES 1: Mira-belle Silang is an erotic writer. Sa kaangkinang galing sa pagsulat ng mga erotikong babasahin, sino magaakala na siya ay wala pang karanasan sa sex? In her 28 years of existence, she has never been touched, kissed, or been in...