"hmmm"
Iniikot ko pakaliwa ang katawan dahil sa mainit na sinag na tumatama sa aking mukha. Tinatamad pa akong bumangon at gusto ko pang matulog kaya babalik ulit ako sa mahimbing na pagtulog. Palalim na sana muli ang tulog ko nang makarinig ng katok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko pinansin ang kumakatok dahil ang sarap pang humilata at bumalik sa pagkakatulog.
"Mira-belle gumising ka na iha. Tanghali na !"
Mas lumakas pa yung katok na naririnig ko. Pikit matang bumangon ako at parang zombie kung maglakad patungo sa pinto.
"Mira-belle!"
"Hmm" mabagal kong binuksan ang pinto kahit nakapikit ako kabisado ko ang buong kwarto sa tagal ko ng nandito. Maliit na binuksan ko ang isang mata para tignan ang taong kanina pa kumakatok. Inaantok pa ako..
"Naku ikaw na bata ka. Tanghali na gumising ka na habang wala pa si mother superior. Tiyak na mapapagalitan ka na naman."
"Hmm"
"Naiintindihan mo ba ako Mira-belle? Maghilamos ka muna tignan mo napakapanget mo na."
Humaba ang nguso ko sa narinig at pilit na binubuksan ang antok pang mga mata. " M-maganda pa din po ako kahit 'di maghilamos." sagot ko.
"Ay bakit tila'y lumakas ata ang hangin? May sama bang panahon ang namumuo sa loob ng ampunan?"
"Si sister talaga" inginuso ko pa ang labi ko at marahang nagpapadyak. Napahagikhik naman ang madre na nasa harapan ko at bahagyang kinurot pa ang pisngi ko.
"O siya sumunod ka na sa pag-baba. Dalian mo para hindi ka maabutan ni mother superior."
"Opo....good morning po pala"
"Good morning din. Baba na ako." Isinara ko na ang pinto at pikit matang tumungo sa CR.
Inaantok pa ako talaga since hating gabi na ako nakatulog. Binuksan ko ang gripo at nagsimulang maghilamos at mag-mumog. Kinuha ko ang towel na laging isinasabit ko sa likod ng pinto at tsaka ipinunas sa mukha ko. Binalik ko iyong towel at lumabas na ng Cr. Pagkalabas kaagad na kinuha ko ang phone ko para tignan ang oras.
"Hala!" Mabilis kong kinuha ang charger ng phone ko at sinaksak sa outlet. Pagkatapos ay mabilis kong inayos ang higaan ko at nagsuklay. Nagmamadaling tinungo ko ang pinto at patakbong tinahak ang hallway. Lagot na alas-onse na pala, tinanghali ako ng gising.
"Good morning ate naming maganda!"
"Good morning kids" mabilis na nilagpasan ko iyong mga bata na nakakasalubong ko. Lakad-takbo na ang ginagawa ko nang makarating sa labas ng kusina ay mabilis kong binuksan ang pinto tsaka nagmamadaling pumasok.
"Good morning po sisters" mabilis na nagmano ako sa mga madre na naguumpisa ng maghanda ng pananghalian.
"Kaawaan ka ng Diyos iha."
"Iyon ang pagkain mo. Dalian mong kumain pabalik na si mother superior."
"Opo. Salamat po!" mabilis kong nilapitan ang nakatakip na plato. Kumuha ako ng kubyertos at mabilis na nagumpisang kumain.
"Hinay hinay sa pagkain. Baka ika'y mabulunan" pagpapaalala sa akin ng isang madre.
" Oh uminom ka ng gatas, iha"
"Salamat po" nagpasalamat ako sa Madre na nagtimpla ng gatas ko. Tuwing umaga uminom talaga ako ng gatas dahil nakasanayan ko na. Hindi ako mahilig magkape kaya nakikihati ako sa gatas ng mga bata.
Nagmadali akong kumain ng agahan. Sana hindi pa makauwi si mother superior tiyak kung maabutan niya akong tinanghali na kumain ng umaga walang paligoy ligoy pa, tiyak na paggdadasalin ako maghapon.
YOU ARE READING
Wild Virgin (COMPLETED)
RomanceDAKS SERIES 1: Mira-belle Silang is an erotic writer. Sa kaangkinang galing sa pagsulat ng mga erotikong babasahin, sino magaakala na siya ay wala pang karanasan sa sex? In her 28 years of existence, she has never been touched, kissed, or been in...