CHAPTER 30

5K 113 31
                                    

"Good morning doktora."

"O, nandito ka na pala Mira-belle."

Nakangiting lumapit ako kay doktora pero napahinto ang paglapit ng may mapansin na lalaki. Ino-obserbahan ko ang matipunong likod nito parang pamilyar kasi.

"Umupo ka na dito." Rinig kong sambit ni doktora pero hindi ako nakinig bagkus ay nilapitan ko ang lalaki.

"Oiii" Pagtawag ko.

Bigla na lamang itong nanigas at mabilis na tumayo tsaka nagsuot ng surgical mask. Mas lalong kumunot ang noo ko ng mapansin ang tangkad at yung mata nito. Nagkasalubong ang tingin namin ngunit mabilis itong umiwas at kung anong kinakalikot na mga gamit.

"In fairness doktora may itsura itong bagong assistant mo." Sambit ko bago tuluyang nilapitan si doktora at maingat na naupo sa examination bed.

"Iniinom mo naman ang vitamins at gatas na nireseta ko sayo?"

"Opo doktora." Sagot ko.

"Very good, check na natin si baby."

Huminga ako ng malalim at nanatiling nakatingin sa maliit na monitor. Kinakabahan ako na nae-excite. Naramdaman ko ang kung anong bagay na ipinasok ni doktora sa private part ko.

"Saktong eight weeks ka na pa lang buntis."

Nakarinig kami ng kalabog kaya mabilis na tinignan ko ang pinangarap non. Iyong lalaki kanina ay dinadampot yung nalaglag na gamit. Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa monitor at masayang tinitignan ang maliit kong baby.

"So far, wala naman akong nakikitang hindi maganda kay baby. Pero mahina pa rin ang kapit niya Mira-belle kaya magiingat palagi... Iwasan na ma stress.."

"Opo doktora."

Naramdaman ko ang paglapit ng lalaki at tumayo sa aking likuran. Hindi ko na lamang iyon pinansin at nanatiling nakatingin sa munting anghel ko.

"Ngayon pakinggan natin ang heartbeat ni baby."

Mas na excite ako sa narinig. Maya maya lamang ay napaluha ako sa saya habang pinapakinggan ang heartbeat ng munting anghel ko. May pumatak na basa sa aking mukha kaya napatingala ako. Nakita ko ang lalaki na umiiyak habang nakatingin sa imahe ng baby ko.

Napasimangot ako ng lumakas ang hikbi nito at nababasa na ng luha niya ang mukha ko. Hindi na ako nakatiis pa kaya tumingala ako at nakataas ang kilay na tinignan ko ang lalaki bago nagsalita.

"Ayy grabe kuya! Tatay ka tatay? Makaiyak ka naman diyan tinalo mo pa ang daddy ng baby ko! At isa pa inaagawan mo ako ng spotlight!"

May kalakasang sambit ko, yumuko ang lalaki at muling nagsalubong ang paningin namin. Ang abo nitong mga mata ay puno ng luha ngunit napupuno naman ng kasiyahan ang mga mata nito.

Inirapan ko ang lalaki at muling ibinalik ang tingin sa monitor. Naluluhang minimimorya ko ang magandang imahe ng baby ko. Jusko ngayon palang gusto ko na siya makita at makarga.

"He's handsome.."

Muling tumingala ako at nakabusangot na tinigna ko muli ang lalaki.

"Grabe! Maka he ka diyan dugo pa lang yan! At isa pa gusto ko babae!" Inis na sambit ko at binalingan si doktora. "Nakakaloka 'tong assistant mo doktora ah feeling daddy ng baby ko porket sinabi ko lang kanina na may itsura siya tapos maka acting ngayon! Akala mo talaga eh!"

"Ganyan talaga yan... Oo ganyan talaga yang assistant ko hehe ..."

Ibinalik ko ang tingin sa lalaki at inirapan siya bago muling pinagmasdan ang baby ko. Lumaki ako na walang magulang, buong buhay ko nasa ampunan lang ako kahit na binusog ng mga madre ako sa pagmamahal ay hinahanap hanap ko pa rin ang pagmamahal mula sa aking mga magulang.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now