CHAPTER 23

4.5K 93 11
                                    

TATLONG araw na hindi ako pumasok sa opisina at dito rin ako umuwi sa ampunan. Tatlong araw na wala kaming komunikasyon ni Amir. After ng maala-Oscar na scene namin sa Baguio hindi na muli kaming nagkita ni Amir.Nakakatampo lang dahil hindi niya ako sinundan ng mag walk out ako. 

Ang arte mo pa kasi.. Saad ng kabilang bahagi ng utak ko na ikinabusangot ko pa lalo.

"Bakit tila biyernes Santo na ang iyong mukha anak?"

"Wala po.. may naalala lang" nakasimangot na sagot ko at nagmano sa kararating lamang na si Sister Clarita.

"Bakit namimiss mo siya?" Tudyo pa ni Sister Clarita.

"Sino po?" Nagmamaang-maangan pa ako kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy ni sister.

"Aysus.... Tawagan mo na baka mamaya niyan makahanap ng mas maganda sa iyo."

"Sister!" Napataas ang tono ng boses ko.

Tumatawa naman si sister Clarita sa naging reaksyon ko. Lingid na sa kaalaman ng mga madre na may nararamdaman ako kay Amir. Simula noong gabi na nagpunta dito si Amir na umiiyak at lasing malakas na akong asarin ng mga madre.

Pinagsabihan pa nga ako ni Mother superior na huwag daw ako masyadong pabebe. Grabe sila hindi ba?

"Joke lang wala ng mas gaganda sa iyo." Bawi ni sister Clarita.

Sumimangot naman ako dahil alam ko naman na inuuto ako ni sister. Pero maya maya lamang ay mas lumukot ang mukha ko. Paano nga kung nakahanap na ng mas maganda sa akin si Amir? Yung mas sexy, mas malaki ang hinaharap, virgin, matangkad at mayaman. Paano na ako?

"Char lang nak, petmalu pa naman ang kamandag mo kaya hindi maghahanap ng iba ang wafu na si Mr. Kantz." nawala ang lukot ng mukha ko at napalitan ng tawa.

"Si sister nakiki-millennial." sabay tumawa pa ako ng malakas. "Gurang ka na po hindi bagay sa iyo." Pang-aasar ko pa.

"Grabe ka!" Umakto pa itong nasasaktan may pa hawak pa sa dibdib.

"Maryosep Clarita!" Pareho kaming huminto sa kalokohan. Umayos kami ng tayo at hindi malaman kung ngingiti kay Mother superior o ano.

"Hi mother superior" bati ko.

"Anong kalokohan ito Clarita? Iyan ba ang nararapat na i-akto ng isang madre?"

Nakataas ang kilay ni mother superior kay sister Clarita naawa naman ako kaya mabilis na nagsalita ako para pagtakpan si sister Clarita.

"Wala lang yun mother superior. Nagpra-practice lang po kami. Balak ko po sana mag audition sa “the next Lodi” search."

Pinakititigan ako ni Mother superior tila tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo. Ngumiti ako ng malaki katulad ng madalas kong gawin.

"Bakit ka pa mag-aartista? Malaki naman ang siniweldo mo kay Mr. Kantz."

"Kasi po mother superior sayang ang gandang taglay ko kung hindi lang ma-notice ng madla." Mahinang kinurot ako ni mother superior na ikinatawa ko.

"Napaka lokoloko mo talaga." Nagtawanan kaming tatlo. "O siya punta ka na sa kusina may biniling saging na saba si sister Luz hindi bat hinahanap mo iyon?"

"Talaga po?" Nag-ningning ang mga mata ko. "Bye bye po." Masayang iniwan ko silang dalawa at nanakbong tinungo ang kusina.

Kanina pa ako natatakam sa saging na saba wala lang matagal na rin na hindi ako nakakain non. Saktong papalabas si sister Luz na may dalang saba kaya mabilis na nanghingi ako.

"Pahingi po sister" nagpa cute pa ako na ikinatawa nito.

"Naipagtabi na kita. Pasok ka sa loob sa mga bata ito" mabilis na tumango ako at pumasok sa loob ng kusina.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now