"Sama ako""Manahimik ka Mira-belle hindi ka na bata."
Napasimangot ako lalo sa sagot ni mother superior. Literal na dumaan lamang si Amir dito at kanina pa siya naalis pagkatapos nila mag-usap ni mother superior. Ngayon nag-hahanda ang mga bata papunta sa enchanted kingdom. Ang daya ayaw ako isama tapos lahat ng madre kasama hindi naman na din sila bata lalo na si mother superior.
Nakatanaw lang ako sa mga van na nakaparking sa malawak na bakuran ng ampunan. Ayon kay mother superior iyong mga van ang service na pinadala ni Amir para ihatid sila.
"Ate pwede po pa tirintas hair ko po?"
"Sige upo ka dito" tinapik ko ang katabi ng kinauupuan at sinimulan na suklayan ang mahabang buhok ng bata.
"Ate di po ikaw sama?"
"Hindi" masama ang loob ko dahil ayaw ako isama ni mother superior.
"Sayang po ate pero po i-kwento ko na lang po sa inyo ate paguwi po! Wag na sad ang ate kong maganda."
"Sige promise mo yan ah"
"Opo ate"
Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Hinati ko na muna sa gitna ang mahabang buhok ng bata at tsaka sinimulan itirintas ang isang parte bago ang isa pa.
"Tapos na"
"Yehey!! Love love ate naming maganda!"
"Love ka din ni ate. Ingat kayo doon ay huwag magpapasaway ayos ba?"
"Opo ate bye bye!"
Sinundan ko ng tingin ang tumatakbong bata. Tumayo na ako sa pagkakaupo at nagpasya na sa kwarto na muna ako. Wala akong balak mag-report ngayon sa opisina ni Amir. Siya ang mag-report sa akin masakit ang katawan ko at hindi maganda ang mood ko.
Pabagsak na humiga ako sa kama hindi ko na ni-lock ang pintuan ko since ako lang naman ang tao ngayon dito sa ampunan. Si sister Mel kahit may bali sumama pa rin. Ipinikit ko ang mga mata at hinayaan ang sarili na lamunin ng kadiliman.
Nagising ako ng may maramdaman na tao sa loob ng kwarto ko. Hindi ko na muna iminulat ang mga mata at pinakiramdaman ang kaluskos na naririnig. Biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko nang maramdaman na may papalapit sa gawi ko.
Inihanda ko ang sarili at pasimpleng hinawakan ang unan nang maramdam na mas malapit na sa akin ang taong pumasok sa kwarto ko. Mabilis akong bumangon at inihampas ang unan na hawak ng malakas saka mabilis na tinungo ang pinto.
"Ouch! What's your problem?"
Napahinto ako sa pagpihit ng doorknob ng marinig ang boses na iyon.
"Ikaw lang pala! Bakit ba ang hilig mo pasukin ang kwarto ko? Hindi mo ba alam iyong takot ko na may pumasok sa loob ng kwarto ko habang natutulog ako?"
Ang inis na mukha ni Amir ay napalitan ng lambot. "I'm sorry.... I didn't meant to scare you."
Nanatiling nakatayo lang ako sa tabi ng pinto at masamang tinignan si Amir. "What are you doing here?"
"You didn't come to report to my office." Umirap ako sa kanya bago pumamewang.
"May bukas pa okay? At tsaka ikaw ang mag-adjust sa akin kapal mo"
"I'm the boss. Kailan pa ang boss ang mag-aadjust?"
"Ngayon lang.. Pagod ako hinayupak ka kaya tigilan mo ako. Marami akong iniisip." Sagot ko.
"Then what are you thinking? Share it with me para mabawasan ang iniisip mo." Umirap muli ako at naguumpisa na makaramdam ng inis.
"Pinipilosopo mo ba ako?" Bulyaw ko at since kami lang naman ang tao dito sa ampunan ngayon malakas ang loob ko na sumigaw.
YOU ARE READING
Wild Virgin (COMPLETED)
RomanceDAKS SERIES 1: Mira-belle Silang is an erotic writer. Sa kaangkinang galing sa pagsulat ng mga erotikong babasahin, sino magaakala na siya ay wala pang karanasan sa sex? In her 28 years of existence, she has never been touched, kissed, or been in...