Two chapters na lang!!!!
Malawak ang ngiti ko ng bumaba para mag-agahan. Ramdam ko ang pag-oobserba ni papa pero hindi ko na lang pinansin baka mahalata pa na bagong dilig ako.
Nagmano na muna ako kay mother superior, kay mommy Sofia at Daddy Teo na ngayon ay nakaupo na sa dining table. "Magandang Umaga po!" Masiglang bati ko.
"Bakit pakiramdam ko na salisihan ako?" Nahinto ang pag-upo ko ng magsalita si papa na nasa likod ko lang.
"Naku Ray epekto ng alak lang yan. Maupo ka na at nakakahiya na pinag-antay pa natin ang mga Kantz"
Medyo nawala ang kaba ko at mabilis ng naupo. Naupo din sa tabi ko si papa at ng maramdam ko ang titig nito sa akin ay ngumiti ako sa kanya ng malawak. Ibinaling ko ang tingin kay Amir na katabi ngayon no mommy Sofia.
Pareho kaming ngumiti sa bawat isa nang nagtama ang tingin naming dalawa nagpatuloy lang ang pagtitigan namin pero iniharang ni papa yung mukha niya.
"Aysus ang harot." Mahinang sambit ni papa ng nakasimangot. Napasimangot naman ako sabi ko na nga ba...
"Since we're now complete let's start our breakfast."
Umayos ako ng upo ng magsalita si mommy Sofia. Kita ko ang mabilis na pagkuha ni daddy Teo ng sinangag tsaka bacon at naglagay kaagad sa plato nito. Ang tangkang pagsubo nito ay nahinto ng mag-lead si mother superior ng dasal.
Nakagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagtawa ng mabilis na binatukan ni mommy Sofia si daddy Teo habang si daddy Teo naman ay madaling ibinaba ang kutsara na puno ng sinangag.
"Bless us, Oh Lord, and these thy gifts which we are about to receive from thy bounty, through Christ, Our Lord.
Amen."Sabay sabay na nag sign of the cross kami pagkatapos magdasal. Tahimik ang naging almusal namin at ng matapos ay mabilis na akong hinila mommy Sofia para ipasukat ang dumating na dresses.
"Dali anak, sukatin mo!" Excited na ibinigay sa akin ni mommy Sofia ang isang dress at marahang tinulak ako papasok ng bathroom.
Nandito kami ngayon sa isa sa mga guest room na nandito lang din sa first floor. Maraming dresses ang dala ng designer na kaibigan ni mommy Sofia at lahat ng iyon ay magaganda, tiyak anim na digit pataas ang presyo ng bawat isang dress.
Isinuot ko ng maingat ang pangalawang dress na ipapasukat ni mommy Sofia. Kulay puting banquet temperament new french style dress daw ito sabi ni mommy. Mas gusto ko ang disenyo nito, ito ang pinaka simple sa lahat ng dresses na pinagpipilian, yun nga lang may kababaan ang neckline.
"Oh ano anak tapos ka na?"
Binuksan ko ang pinto at nahihiyang lumabas. Malambot ang tela at hindi mainit ayos din dahil paluwag ang ibaba kaya hindi halata at 'di maiipit ang sinapupunan ko.
"Elegant! Bagay sayo anak!" Nahihiyang tinignan ko si mommy Sofia.
"Ito na lang ba gusto mo?" Tumango ako sa kanya.
"Ito ang kukunin namin friend." Sabay baling nito sa kaibigang designer.
"Sure bagay diyan sa dress na iyan itong sandals. Two inch lang since alam ko naman preggy ka iha."
Ngumiti ako sa designer mabait din naman ito kanina pagkarating nito at nakita ako ay pinuri ako nito ng husto. Di ko nga alam kung maniniwala ako o hindi----kunwari humble tayo..
"Mom tapos na ba kayo?" Sabay kaming napatingin sa kumatok.
"Do not open the door, son! " Malakas na sambit ni mommy Sofia. "Dali anak palit ka na ulit. Bawal makita ng anak ko ange susuotin mo. Hayaan natin siya mag over think."
YOU ARE READING
Wild Virgin (COMPLETED)
RomanceDAKS SERIES 1: Mira-belle Silang is an erotic writer. Sa kaangkinang galing sa pagsulat ng mga erotikong babasahin, sino magaakala na siya ay wala pang karanasan sa sex? In her 28 years of existence, she has never been touched, kissed, or been in...