CHAPTER 29

4.5K 107 16
                                    

Binisita ng pamilyang Kantz si Amir, tatlong linggo na ito na nasa asylum. Hindi na ito nagwawala katulad noong una ngunit ngayon ay hindi na ito umiimik. Nanatiling umiiyak na lamang ito at tulala sa kawalan.

Hindi nila masabi na umaayos na ang kalagayan ng binata dahil parang mas natatakot pa sila na wala itong imik. Pumasok ang mag-anak sa kwarto kung saan nanatili ang binata. Hindi sila nito pinansin at nanatiling nakaupo sa kanyang kama habang umiiyak.

Bawat araw ay unti-unting nawawalan na sila ng pag-asa na babalik ang binata sa dating siya. Malungkot na nakatingin ang mga magkakapatid kay Amir. Kung pwede lang na paghatian nila ang kasawain nito ay tatatnggapin nila huwag lang ito na tila hindi na sila nito kilala.

Umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto ang ringtone ng cellphone ng kanilang ina. Sabay sabay silang tumingin sa ina maliban kay Amir. Bahagyang lumayo sa kanila ang ina na ikinapagtaka nila.

Ino-obserbahan nila ang ina at nakita nila ang pagkinang ng mga mata nito na tila ba may narinig na magandang balita. Naluluhang nakangiting tinignan nila sila bago mabilis na nilipat ang tingin kay Amir.

"What is it?" Their father mouthed to their mom.

Their mom give them a signal to go outside. Kahit nagtataka ay sinunod na lamang nila ito. Pagdating sa labas paulit ulit na nagpapasalamat ang kanilang Ina sa harapan ng imahe ni Jesus.

"Gracious goodness! Thank thank you!" Lumuluhang pasasalamat ng kanilang ina at napaluhod sa sobrang sayang nararamdaman.

Kagaad nilang dinaluhan ang ina at tinanong. Sa narinig mula sa ina ay lahat sila ay napaluha. Nagyakapan sila habang sinasambit ang pasasalamat sa Diyos.

Pagkaraan ng isang oras, dumating si mother superior na ngayon ay medyo hirap sa paglalakad na naging epekto ng atake nito kamakailan lang. Kaagad nilang dinaluhan ang matandang madre at ang kasama nitong mga madre.

"Magandang araw sa inyo." Bati ni mother superior ang mag-anak pagkatapos magmano nito sa kanya.

"Maraming salamat po." Naiiyak na sambit ng kanilang ina sa tabi nito ang kanilang ama na naiiyak din.

"Huwag kayo sa akin kayo magpasalamat." sabay turo nito sa imahe ni Jesus na nasa krus. "Sa kanya kayo magpasalamat..... Ito ay kanyang kalooban para sa dalawang pusong nagmamahalan."

"Nasaan pala si Mr. Kantz?"

"Naku po mother superior, lima po kaming Kantz dito ngayon sino po ba sa amin?" Pagbibiro ni Paris sa Madre.

Nagtawanan sila at ito ang unang pagtawa nila pagkaraan ng tatlong linggo.

"Oo nga pala. Pasensya na" natatawang sambit ng madre. "Si Amir ang hanap ko " dagdag pa nito.

"Dito po, tuloy kayo... Sana sa balita ninyo bumalik na ang aming Amir." Emosyonal na sambit ng kanilang Ina.

Iginaya nila papasok sa kwarto ni Amir si mother superior at tsaka nanatiling nasa bungad ng pintuan. Nakatanaw lamang sila sa kanilang anak/kapatid.

"Amir, anak..."

Kumunot ang noo ni Amir sa narinig na boses. Tila pamilyar ang boses nito sa kanya.

"Amir... anak... Si mother superior ito."

Sa tatlong linggo na walang nararamdaman na emosyon maliban sa pagkalumbay at sakit. Hindi niya mapangalanan ang emosyon na kanyang nararamdaman ngayon. Kilala niya si mother superior, ito ang matandang madre na naging magulang ng minamahal niya.

Mula sa pagkatulala sa kawalan ay ito ang unang beses sa loob ng tatlong linggong pagdurusa na ibinaling ni Amir ang kanyang atensyon sa taong pumasok ngayon sa kanyang kwarto.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now