"Bukas na pala ang death anniversary ni sister Mira." I accidentally overheard the conversation of the two nuns."Oo nga, akalain mo na halos tatlong dekada na rin ang nakalipas." dagdag pa ng isang Madre.
Itinulak ko ang pinto ng kusina at nadatnan ang dalawang madre na nag-aayos ng mga i-dinonate na gatas para sa mga bata.
"Magandang araw po" kagaad na lumapit ako sa kanila at nagmano.
"Oh.. Wala ka bang trabaho ngayon anak?" umiling ako bago ngumiti.
"Tulungan ko na po kayo." Hindi ko na inantay pa ang tugon nila. Kaagad na kinuha ko ang isang box at inayos ang laman non sa estante.
"Mga sisters, bakit po walang picture iyong si sister Mira? Lahat naman po ng naging madre dito may mga larawan na naka displayed." tanong ko habang nag-aayos.
"Hindi kasi mahilig sa pagkuha ng larawan si sister Mira." sagot ng isang Madre.
"May ganoon po pa lang tao.. Curious tuloy po ako kung ano itsura niya"
"Naku iha maganda siya, napaka ganda." tinignan ko ang isang madre na nakangiting nakatingin sa akin. "Noong nabubuhay siya maraming naghinayang sa kanyang mga kalalakihan dahil sa taglay niyang kagandahan yun nga lang pinili niya ang ating Diyos."
Matagal na akong interesado kay sister Mira dahil simula noong bata pa lang ako ay isinasama ako nila mother superior sa tuwing bibisita sila sa puntod ni sister Mira. Naalala ko pa nga na umiiyak sa harapan ng puntod niya si mother superior at hindi ko maintindihan kung bakit.
Tulad ng sinabi ko kanina bawat madre ay may larawan na naka displayed sa wall ng ampunan at ang tanging si sister Mira lamang ang wala. Nagtataka nga ako kung bakit. --Nais ko lamang siya sana makilala kahit sa kanyang larawan man lang
"Pwede ninyo po ba ako kwentuhan tungkol sa kanya?" tanong ko at nang makitang nag-alanganin ang dalawang madre ginamit ko sa kanila ang mukha kong nagpapa-cute para mapapayag ang mga madre.
"Hay.... sige na nga.. Hindi ko matiis iyang mukha mo" napangiti ako sa naging sagot ng isang madre. Huminto ako sa ginagawa at ganoon din sila.
"Bago lamang ako noon dito at tandang tanda ko ang napakagandang mukha ni sister Mira. Lagi itong nakangiti at palapansin sa bawat madre. Sa aming lahat nalaman ko na siya ang pinaka-bata. Napaka ganda niya at ganoon din ang kanyang kalooban."
Nagsalita naman ang isang madre. "Malapit lamang dito sa ampunan nakatira ang pamilya ni sister Mira kaya simula bata pa lamang ay naririto na iyon palagi para turuan ang mga bata. Katulad mo siya Mira-belle."
"In what way po?" May kung ano sa akin ang nagnanais na kilalanin ng husto ang namayapang madre.
"Iyang pagpapa-cute mo. Hilig iyan ni sister Mira para mapapayag kami noon."
Napangiti naman ako at na imagine ang mukha nito. "Tapos ano pa po?"
"Pasaway siyang madre" kapwa pa silang natawa at kita ko sa kanilang mga mata ang kinang sa pag-alala sa nakaraan.
"Mabait siyang sister pero napaka-pasaway. Sakit sa ulo iyon ni mother superior dahil mahilig iyon magsalita ng malakas at mahilig din tumakbo lalo na kapag bumaba sa hagdan."
"Isa pa, hilig din ni sister Mira na pakialaman ang sandok ni sister Luz, alam mo naman iyong si sister Luz ayaw na may nangingialam sa sandok."
Napatawa naman ako --may kakulitan din pala si sister Mira. " Naalala ko pa nga dati silang dalawa ni sister Clarita ay pinagdasal ng rosaryo maghapon ni mother superior dahil nahuli silang dalawa na tumitili sa sikat na banda noon."
YOU ARE READING
Wild Virgin (COMPLETED)
RomanceDAKS SERIES 1: Mira-belle Silang is an erotic writer. Sa kaangkinang galing sa pagsulat ng mga erotikong babasahin, sino magaakala na siya ay wala pang karanasan sa sex? In her 28 years of existence, she has never been touched, kissed, or been in...