R18 ahead! ⚠️
Mag alas-sais na ng makauwi ako sa bahay ampunan dahil dumaan muna ako sandali sa pampublikong library. Pagbukas ko ng gate ay nagkasalubong kami ni sister Clarita at kaagad na nagmano ako.
"Kaawan ka ng Diyos anak."
"Saan po kayo pupunta sister?" tanong ko.
"Diyan lang sa grocery pinag grocery ako ni mother superior may bisita tayo."
"Bisita? Gabi na po ah" nagtatakang tanong ko.
"Naku iha pumasok ka na roon at magpalit. Una na ako ah."
"Magiingat po kayo" nagpatuloy ako sa pag-lalakad at sa di ka layuan may pamilyar na sasakyan akong nakita na nakaparada.
"Ate! Ate Mira-belle nandito na po pala kayo" nakangiting ibinuka ko ang mga braso ko at mahigpit na niyakap si Gabo. Isa din sa mga batang gaya ko ay maagang naulila sa pamilya.
"Hello Gabo kamusta ang araw mo?"
"Masaya po ate. Dumating po kanina yung magiging bagong pamilya ko po. Napakasaya ko po kasi mabait po yung magiging magulang ko po. Yun nga lang." biglang nalungkot ang mga mata nito.
"Yun nga lang ano, Gabo?"
"Masungit po yung magiging Kuya ko po. Di po ako pinapansin" naawa naman ako kay Gabo. Hinaplos ko ang matambok nitong pisngi bago tinignan sa kanyang mga mata.
"Papansinin ka din non. Baka masama lang ang mood kaya 'di ka pinansin. Tara sa loob at bunutan mo na lang si ate ng patay na buhok."
"Sige po ate! Mamimiss ko po na bunutan kayo ng mga patay na buhok." Napatawa ako at the same time I feel sad. Ilang bata na ang nasaksihan ko na isa isang inampon lahat ng mga iyon ay naging malapit talaga sa akin.
Kaya napakasakit sa akin na masaksihan na aalis na sila sa bahay ampunan, ngunit ayos lang iyon mas gaganda ang buhay ng mga bata sa pamilyang kukupkop sa kanila.
"Sino pala ang bisita Gabo?" Tanong ko habang papakyat kami sa kwarto ko.
"Ahh si Kuya po yung pumunta noong nakaraan po na may dalang maraming laruan po."
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at pinapasok si Gabo. Binuksan ko ang bintana at saka na upo sa ibaba ng kama.
"Pakikuha pala Gabo yung suklay ni ate nandiyan sa estante" tinanggal ko ang tali ng buhok ko at pumikit.
"Ang ganda po talaga ng buhok niyo ate kulay tsokolate. Bakit po kaya 'di ganito mga buhok po namin? Pilipino din naman po kami."
"Naku Gabo hindi ko rin alam siguro may dugong dayuhan yung mga magulang ko kaya kulay tsokolate ang buhok ko."
"Paglaki ko po ate gusto ko po magka-asawa na kulay tsokolate rin po ng buhok tapos po bubunutan ko din siya ng mga patay na buhok."
Mahinang napatawa ako sa narinig ---ang mga bata talaga.
"Gabo, hindi basta basta ang pagaasawa at tsaka pag-ibig ang puhunan ng taong nais magkaasawa. Hindi ang material na bagay o kulay pa ng buhok. Paano kung nakatagpo ka ng babaeng kulay tsokolate ang buhok gaya ko pero 'di mo naman mahal, papakasalanan mo ba iyon? Kung oo ang pinakasalan mo lamang sa kanya ang kanyang kulay tsokolateng buhok hindi kung sino siya."
"Bad po ba iyon ate?"
"Bad kung pinakasalanan/ papakasalan lang ang isang babae na hindi mo mahal at dahil lang sa nakita mong maganda siya kaya pinakasalan mo siya o Ano pa man. Naku Gabo bata ka pa. Huwag muna pagaasawa ang isipin mo. Laging tatandaan..."
YOU ARE READING
Wild Virgin (COMPLETED)
RomanceDAKS SERIES 1: Mira-belle Silang is an erotic writer. Sa kaangkinang galing sa pagsulat ng mga erotikong babasahin, sino magaakala na siya ay wala pang karanasan sa sex? In her 28 years of existence, she has never been touched, kissed, or been in...