CHAPTER 18

5.4K 111 5
                                    

"Thank you for today." Malambing kong saad kay Amir na nakatayo sa harapan ko.

Kakauwi lang namin galing sa plaza at ngayon nasa harapan kami ng gate ng ampunan habang maraming dala na malalaking plastic. Namili kasi kami ni Amir ng mga damit at laruan ng mga bata kanina. Habang namimili kami feeling ko namimili kami para sa mga anak namin.

Assuming ka Mira-belle... Sambit ng kabilang bahagi ng utak ko.

"Thank you also, honey. I enjoyed our date"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tama ba talaga “date” daw?

"Why were you so surprised?" He asked.

"E-eh 'di mo naman sinabi na date pala ito." inis kong sambit.

Jusko kung sinabi niya sana na magde-date pala kami. Edi sana sinuot ko iyong maganda kong bistida at nagpa make-up pa sana ako kay Gab.

"Kailangan ko pa ba sabihin?" Sa klase ng boses niya hindi din siya sigurado na ikinabusangot ko.

"Of course yes! Lalo na sa kagaya kong NSBS na never been dated! Nakakainis ka!" iritadong binuksan ko ang gate ng ampunan at binuhat ang ilan sa mga malalaking plastic na pinamili naming dalawa.

Kaasar hindi ba uso sa kanya yung pagpapaalam na sinasabi? At isa pa wala naman sa mukha niya na hindi pa siya nakikipag-date.

"Honey!"

Tuloy tuloy lamang ako sa paglalakad at hindi man lang nilingon si Amir. Naiirita ako sa kanya, epic failed ang first date ko na supposed to be romantic and memorable dapat. Bahala siya diyan sinira niya ang mood ko.

"Let's talk about it... Please accept my apologies. I thought it was a hint that I was already taking you out on a date when I asked you to walk outside."

"Talk to my hand" inis na sagot ko at pumanhik pa-akyat.

Kalalaking tao hindi marunong mag sabi na “oyy mag date tayo" Yun man lang sana ma appreciate ko pa. Marunong lang siya mang-araro tapos yung mag-aya ng date hindi marunong. Marami kayang pwedeng meaning yung “tara labas tayo” pwede maging literal na lalabas sa labas at pwede ding lalabas para bumili.

Iba ang date! Nakakainis siya!

Inilapag ko ang dalang malaking plastic at padabog na binuksan ang sling bag ko para kunin ang susi ng kwarto ko. Naririnig ko ang mabibilis na yabag ng paa ni Amir kaya binilisan ko din ang pagsusi sa lock.

"Talk to me honey please... Please"

Nang mabuksan ang pinto ng kwarto ko mabilis kong binuhat ang inilapag na plastic at pumasok sa loob. Ginamit ko ang paa sa pagsarado ng pinto kung kaya't malakas na kumalabog iyon.

Inalis ko ang dalang sling bag at inilapag sa ibabaw ng kama ko. Kinuha ko sa isang plastic na dala ang briefcase at nilapag din sa kama ko katabi ng sling bag.

Narinig ko ang pag-sara bukas ng pinto ngunit nanatiling hindi ko pinapansin si Amir. Chineck ko na lamang ang laman ng dalang plastic.

A musculine arm wrapped my small waist. He buried his face in my neck and I'm trying my best to stop myself from smiling because of the tingling sensation that I'm feeling right now.

Hindi ka pwedeng maging marupok Mira-belle.  Saway ko sa sarili ko.

Pilit na inaalis ko ang braso ni Amir na nasa bewang ko ngunit mas humihigpit pa lalo ang pagkakayakap niya at mas nagsusumiksik ang mukha niya sa leeg ko.

"Let go of me." Pilit na ginawa kong tunog na galit ang boses ko kahit sa katunayan niyan ay nanlambot na ang mga hita ko.

"No" I felt his voice vibrate in my neck. "I'm sorry... This is also my first time going out on a date… k-kaya."

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now