CHAPTER 7

7.6K 142 12
                                    

DALAWANG linggo ang nakaraan simula ng nagpapalipad hangin sa akin ang boss namin. Naiilang ako palagi sa pagtingin niya sa akin para kasing lalapain niya ako na ewan. Ngayon nakatanggap na naman ako ng bulaklak at napapadalas ang pagbisita ng boss sa kanilang opisina.

Lagi itong naka tambay sa harapan ng cubicle niya kaya hindi siya nakakapag pokus sa ginagawa. Tulad ngayon nandito na naman siya.

"Good afternoon sir!" Hindi na ako nagabalang bumati. Pilit akong nagpopokus sa pag pro-proofread ng mga gawa. Naupo na naman ito sa harapan ng kanyang cubicle. Lagi naman niya itong ginagawa at hindi din naman siya nitong ginugulo.

"Sir, wala po bang libre diyan. Mataas po sales natin this month ah!"

"Oo nga sir baka naman po!"

"Shot! Shot!"

I didn't mind the noise, they kept on chanting "shot" and I heard our boss laugh. I continue my work even though I feel uncomfortable because my boss gazed at me.

"Napakasipag naman yern." Hindi ko inimik si Gab, nagpatuloy ako sa ginagawa. Isusulat ang mga mali sa bondpaper at magbabasa.

Sumapit ang alas tres ngunit nanatiling nakaupo sa harapan ng cubicle ko pa rin ang boss namin. Inisip ko ano pa silbi ng opisina nito sa taas kung dito na rin siya pinupuntahan ng mga empleyado na magpapapirma. Kapag may meeting lang ang boss hindi nakakapagtambay sa harapan niya pero pagkatapos naman ay dito na siya hanggang mag-uwian. Bigla akong tumayo dahil hindi ko nakinaya ang uneasiness. Dali dali akong lumabas para pumunta ng Cr na nasa labas.

Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa loob. Tinignan ko ang aking itsura sa salamin. Mahaba naman ang mangas ng suot kong blouse at hindi naman mababa ang neckline ngunit bakit parati na lang sa upper body ko nakatingin ang boss namin?

Tinagal tagalan ko ang pananatili sa cr tsaka nagpasyang lumabas na para bumalik sa opisina. Pagkapasok ko nagkakasiyahan na sila na ikinapagtaka ko.

"Anong mayroon?"

"Uwi na daw tayo sabi ni Boss para makapag prepare tayo party mamaya for celebration ng mataas na sales this month"

"Saan naman?" Tanong ko pa ulit.

"Sa bar, Teka may damit ka ba.. I mean yung maiikli or dress man lang?" Umiling ako kay Gab at naupo sa upuan ko.

"Aray naman" napahawak ako sa balikat ko ng hampasin ako ni Gab. Mahina lang naman iyon pero mabigat ang kamay niya noh!

"Aba huwag mong sabihin na di ka sasama?"

"Bakit overtime ba yun at may bayad?" Nakasimangot na sagot ko. Mabilis na hinamapas na naman ako ni Gab sa braso at this time mas malakas kaysa kanila. "Aray naman Gab!"

"Loka ka OT pa talaga iniisip mo. Hala tumayo ka diyan maghahanap tayo ng masusuot mo. "

Wala akong nagawa kundi magpahila kay Gab. Nasa jeep na kami ngayon at sa bahay nila kami pupunta. Nakapag text na ako kay mother superior na may celebration kami at uuwi ako ng late. Nakatanaw lang ako sa dinadaanan para maging familiar, dumaan kami sa kumpanya na pinuntahan namin ni Amir dalawang linggo na ang nakakaaan kung saan nasipa ko siya sa ano.

Speaking of Amir, bakit kaya 'di na nagpapakita sa kanya iyon? Sabagay advantages na rin baka kung ano pa magawa naming dalawa sa tuwing nagkakadikit kami. Isa pa wala pa akong pambayad sa sinira kong headlight!

"Para!" Malakas na sigaw ni Gab. Nauna akong bumaba sa jeep at iginala ko ang tingin.

"Ang ganda naman dito sa inyo tahimik" sabi ko.

"Naku kapag sa gabi sa sobrang tahimik maraming nagliliparang bote" napailing na lang ako at sumunod kay Gab.

"Tara pasok ka" Huminto kami sa Hindi kalakihan na bahay, hinubad ko na muna ang suot na sapatos bago pumasok.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now