CHAPTER 32

4.7K 106 25
                                    

All of the questions I've had in my thoughts for years have been answered. I couldn't hold back my tears, napakasakit na marinig ang pinagdaanan ni papa at mama. Kahit may naalala na ako pakiramdam ko may kulang-----may importanteng alala akong nakalimutan.

Nakatanaw ako sa mapayapang dagat mula sa kwarto ko dito sa resort. Napapaisip ako kung bakit may mga taong himbis intindihin at tulungan ang kapwa nila na nakaranas ng kaharasan ay mas nilulugmok pa nila. Parang hindi sila tao lalo na si Kilay at ang mga taong pinagpiyestahan ang mga magulang ko.

Napahigpit ako sa hawak kong saging ramdam ko ang pagkadurog nito sa aking mga kamay. Nais kong bumalik na sa Maynila para singilin ang mga taong nanakit sa mga magulang ko. Bigla kong nabitawan ang nadurog na saging ng may pumasok sa kwarto ko.

"Iha."

"Ikaw po pala mother superior" marahang sambit ko at dinampot ang nalaglag na saging para itapon.

"Kamusta po si papa?" Tanong ko habang naglalakad papasok sa Cr para maghugas ng kamay.

"Ayos lang siya. Mas nakakabuti na sumailalim muna siya counseling. Hindi biro ang pinagdadaanan ng papa mo na hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang nakakulong sa alaala ng kahapon."

Malungkot na nagpunas ako ng kamay bago lumabas ng cr. Kaagad kong niyakap si mother superior at ramdam ko ang pagkabigla nito sa ginawa ko. Niyakap din niya ako pabalik at himas ang likod ko tulad ng madalas niyang gawin.

"Patawarin ninyo po ako mother superior. Patawad po" nanunubig na naman muli ang mga mata ko.

"Shss.. ako ang patawarin mo anak ipinagkait ko sayo ang pagkatao mo. Patawad kung himbis na protektahan kita sa sakit ay ako pa mismo ang nanakit sa iyo."

Mas hinigpitan ko ang yakap ko kay mother superior at nagsimula ng pumatak ang mga luha ko.

"N-naiintindihan ko po kayo... Simula pa naman po noon pinoprotektahan ninyo na ako. N-naiintindihan ko po ang ginawa niyo dahil sa tingin niyo yun ang mas nakakabuti. Mahal ko po kayo mother superior."

"Mahal din kita kahit matigas ang ulo mo.. Tahan na ayaw ko paglabas ng anak mo ay magmukhang sama ng loob."

Napatawa naman ako sa narinig. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay mother superior at ngumiti ng tunay habang pinupunasan ko ang basang pisngi ko gamit ang likod ng kamay ko

"Grabe naman po sama talaga ng loob? Sa ganda kong ito? Syempre magmamana ang anak ko sa kagandahan ko!"

"Diyos ko! Nagbalik ka na nga." Natatawang sambit ni mother superior at ikinulong ang mukha ko sa mga kamay nito. "Nawalan ka na lahat lahat ng alaala ang kahambugan mo hindi mo nalimutan "

Parehas kaming natawa at naglakad palapit sa kama ko at doon naupo. Magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Wala na akong maramdam na tinatraydor nila ako at kung ano pa man. Tunay na ang pagpapatawad ay nagdadala ng kaluwalhatian ng puso ng tao.

"Mother superior patawad po." Seryosong sambit ko. "Yung turo ninyo po ay hindi ko nasunod. Nabuntis po ako kahit walang asawa."

"Pinapatawad na kita anak. May pagkakataon talaga sa buhay na ang turo ng mga magulang sa kanilang mga anak ay kung minsan nasusunod o hindi nasusunod. Malaki ka na at may sariling desisyon. Ang mahalaga ngayon ay alagaan mo ang sarili mo dahil may anghel na sa sinapupunan mo."

"K-kilala niyo po ba yung ama ng anak ko po?" Tanong ko. Ngumiti si mother superior at tumango.

"Nasa paligid lang siya anak. Binabantayan kayo mula sa malayo." Hinimas ni mother superior ang pisngi ko at napatitig ako sa mga mata nito. "Kung dumating man ang araw na makaalala ka na ng tuluyan nawa'y bigyan mo siya ng pagkakataon na magpaliwanag. Huwag mong hayaan anak na magkasakitan muli kayo. Tama na ang sakit na naranasan ninyo. Panahon na para sumaya kayo."

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now