CHAPTER 35

4K 102 5
                                    

One week later....

"Saan ba kasi tayo pupunta Gab?" Muling tanong ko kay Gab hindi ko alam saan kami pupunta. Isa pa piniringan ako ni Gab kanina bago kami bumaba sa sasakyan.

"Basta matutuwa ka malapit na tayo."

Nanatiling tahimik na lamang ako at nakikiramdam may tugtog akong naririnig kaya mukhang nasa party kami or what. Isang linggo na ang nakalipas ng maganap ang engagement party namin ni Amir.

Ngayon, bago matapos itong buwan ay ikakasal na kami. Si papa ang may gusto na ikasal na kami dahil ayaw niya na malaki na iyong tiyan ko na lalakad papuntang altar. Kaya ayon, tuwang tuwa si mommy Sofia na ngayon ay siya ang nag aasikaso sa kasal namin.

Hiningian lang ako ni mommy Sofia ng idea kung ano ang gusto ko. Ang sagot ko naman ay gusto ko simple lang at hindi magarbo. Nagbigay na din ako ng listahan ng mga gusto kong imbitahin bukod sa mga madre na kasama ko sa aking paglaki kasama ang mga bata sa ampunan, si Gab at ang dating naging ka-trabaho ko bilang proofreader lang ang idinagdag ko.

"Nandito na tayo." Tinanggal na ni Gab yung piring na nasa mga mata ko. Medyo nasilaw ako sa makukulay na ilaw at halos mapatalon ako sa gulat ng may pumutok.

"Today is your bachelorette party"

Nalaglag ang panga ko ng makita ang mga kalalakihang nakamaskara pero tanging brief lang ang suot. Napasinghap ako ng lapitan ako ng mga lalaki at pinalibutan ako habang nagsasayaw.

Lumingon ako sa aking likuran at napanganga ako ng makita si mommy Sofia na tuwang tuwa habang kumukuha ng video.

"Mommy! Ano ito!" Pasigaw kong tanong dahil na rin lumalakas ang musika.

Kahit malakas ang musika dinig ko yung mga tawa nila ni Gab kasama si Tatania at mga naging ka-trabaho ko noon.

"Aysus! Syempre mga fafa yan Hala i-enjoy mo!" Napasimangot naman ako kay Gab.

"Hala boys igiling niyo pa!" Napa facepalm na lang ako sa sinabi ni mommy. Kung si Amir lang itong sumasayaw na naka brief baka tuwang tuwa pa ako.

Nanatiling nakasimangot lang ako at pilit kong iniiwasan yung mga lalaking nagsasayaw. May naramdaman ako na matigas na kumiskis sa bandang gilid ko nang tignan ko kung ano iyon ay nagtitiling tinulak ko yung dancer.

"O my god! O my god!" Tili ako ng tili at tumayo yung balahibo ko dahil doon. Ang walang hiya may gana pang ikiskiss yung ano niya eh ang liit naman.

"Mommy! Gab!" Naiiritang sigaw ko dahil ayaw talaga ako tantanan ng mga dancers. Nagpapadyak padyak na ako habang pinagigitnaan naman ng mga supot.

"Stop na muna boys." Sa sinabi ni mommy Sofia ay huminto sa pagsayaw sa akin yung mga nirentahan nilang dancers.

Nakasimangot na lumapit ako kina mommy na tumatawa dahil sa expression ko. "Bakit hindi na lang si Amir yung pinasayaw mo sa harapan ko mommy!" Nagmamaktol na sambit ko.

Bukod sa miss ko na si Amir dahil pagkatapos ng engagement party namin ay pinagbawalan na muna kami magkita alinsunod sa pamahiin. Isa pa nakakakilabot yung mga lalaking 'yon halata naman na mga supot. Gusto ko yung daks katulad ng anaconda ni Amir!

May mga katawan naman sila pero yung ano halatang maliit. Gustuhin ko pa na sayawan ako ng hindi masyadong depina yung abs basta daks.

"Aysus tara nga dito." Hinawakan nila ako sa magkabilang braso ko at iniupo sa couch na puti. Sinuotan din nila ako ng sash na may nakasulat na "soon-to-be-bride" at may nilagay din sila sa ulo ko.

"Let's take some pictures!"

"Dali! tapos pasayawin ulit natin yung mga fafa."

Pinag-gitnaan nila ako at isa sa mga dancers ang kumuha ng litrato namin. Nakailang shots pa kami hanggang sa nagkainuman na sila at dahil buntis ako juice ang sa akin.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now