CHAPTER 24

4.6K 100 11
                                    

R-18: Due to the severe language in this chapter, READ AT YOUR OWN RISK!

"Ano 'to?" Kunot noong tanong ko kay Amir. Inihinto ko na muna ang pag-nguya at binuksan ang envelope ba kanyang inabot.

"Open it."

Inirapan ko si Amir, ang walang hiya inutusan pa ako. Ipinagpaliban ko na muna ang pagkain ng lasagna. Binasa ng mabuti ko ang laman ng papel. Hindi ko alam kung takot o kaba ang aking nararamdaman sa pagpapatuloy kong pagbabasa.

"You can stay here if you don't want to go home to the orphanage yet."

Ipinikit ko ang aking mga mata at bumuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit nagdadalawang isip ako.

Kaya mo 'to Mira-belle..... Pagpapalakas ko sa loob ko.

"Thank you." Mahinang sambit ko bago iminulat ang mga mata ko.

"Anything for you." He said.

Mabilis na tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at madaling pumasok sa kwarto upang maligo. Simula kagabi hindi kami nagkakadikit at nagka kausap ni Amir. Ngayon lang niya ako kinausap at ganun din ako.

Bitbit ang bagong roba nagtungo ako ng sa bathroom. Madaling naligo ako habang iniisip kung ano ang gagawin ko. Naguguluhan ako kung ano ang unang gagawin, uuwi ba ako sa ampunan at humingi ng tawad o pupuntahan ko na ang tunay kong magulang.

Hindi pa rin ako makapaniwala ang tunay kong ina ay nakasama ko na. Naalala ko 'yung mga times na tinatambakan niya ako ng mga manuscript na i-proofread. Halos isumpa ko na siya dahil ramdam kong pinag-iinitan niya ako.

Nakakatuwa lang ang kaaway ko na tinatawag na Kilay dahil sa drawing niyong kilay ay siyang nanay ko. Mabuti hindi ko namana ang kilay niya tiyak na mukha akong alien. Natawa na lang ako sa iniisip at isinuot ko na ang roba bago lumabas.

Naabutan kong nakaupo sa kama si Amir, may tinitipa sa kanyang laptop at pansin ko din ang madilim nitong expression. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at kaagad na naglakad papasok sa walk-in closet.

Kumuha ako sa isang cabinet ng damit ko. Actually, magkahalo ang gamit namin ni Amir hindi ko lang alam kung bakit. Hindi ko na tinanong pa dahil siya naman bumili lahat ng damit na sinusuot ko tuwing nandito ako sa penthouse niya.

Lumabas na ako pagkatapos ko ayusin ang sarili. Nakapagpasya na ako pupuntahan ko ang nanay ko. Nadatnan kong muli si Amir ngayon tila wala na ito sa mood. Hindi ko na ginulo ito at papalabas na sana ako ng magsalita siya.

"I have a business trip abroad in two days." He opened up.

"OK," I said. "Then have a safe trip," I added as I walked away.

Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa center table sa sala. Madaling sinuot ko din ang sapatos at tsaka lumabas ng penthouse. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko maintindihan ang nararamdam ko.

Para akong nasusuka na ewan. Hindi din naman ako gutom basta hindi ko maintindihan. Sumakay ako sa elevator pababa, napahawak ako sa gilid ng biglang makaramdam ng hilo. Para akong sinasakal, hindi ako makahinga!

Narinig ko pagtunog ng elevator hindi ko pinansin ang pumasok. Hawak ko ang aking dibdib at naghahabol nb hininga.

"Miss? Ayos ka lang ba?" Umiling ako bilang sagot sa babaeng nag approach sa akin.

Inalalayan ako palabas ng babae at narinig ko na may tinawag siyang staff. Patuloy pa rin ako sa paghahabol ng hininga. Mukhang hinihika na naman ako.

"I-inhaler..." Hirap kong sambit.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now