CHAPTER 17

5.4K 99 6
                                    

"Dalawang ticket po kuya!" sabay abot ko ng pera.

Pagkahinto ng carousel ay mabilis na bumaba na ako at tsaka tinakbo ang swing ride o ang chair swing ride.  It is a variant of carousel however instead of seats shaped like animals.  This fairground ride has chairs suspended by chains from the top of the carousel some can even tilt its top. Tahimik naman na nakasunod sa akin si Amir. Excite na excite ako habang inaantay ang ticket naming dalawa.

"Ma'am Iwan niyo na lang po gamit ninyo." Sabi ng babae

"Okay. Pakiingatan ah" pagpapaalala ko bago ko inabot ang sling bag at tsaka ang briefcase na dala.

"Ito po" kasabay ng pag-abot sa akin ng ticket, inabot din ng babae ang number para sa pinaiwan na gamit.

"Tara na." hinawakan ko sa pulso si Amir ay tsaka hinila.

"Hindi ka takot?" Tanong niya. Umiling ako bilang sagot at inabot sa isang staff ang ticket.

"Be careful" paalala ni Amir sa akin pagkatapos niyang masigurado na maayos nakalock ang safety features ng kinauupuan ko.

Tuwang tuwang ipinalibot ko ang tingin nasa likod ko pumewesto si Amir. Nang magkatinginan kami ay ngumiti siya sa akin at sinuklian ko naman ng abot tengang ngiti.

Nag signal na ang operator ng ride na ito na aandar kaya mas lalong na excite ako. Umangat na ang kinauupuan ko at nagsimula ng umikot ng mas mabilis. Napapikit ako sa sarap ng hangin na tumatama sa mukha ko. Mabuti at malapit na bumaba ang araw kaya hindi na maysadong mainit at masakit sa balat.

Idinilat ko ang tingin at tinignan si Amir sa likod. Kaagad na nag peace sign ako ng makitang nakatutok sa akin ang phone niya. Sinenyasan niya ako ng isa pa kaya nag pose muli ako bago umayos ng upo. Nakisabay ako sa tilian habang mas bumibilis ang pag ikot. Sobrang saya ko talaga at salamat kay Amir.

"You okay?" idinilat ko ang mata at doon ko lang napansin na nakahinto na pala. Nasa harapan ko na si Amir at nag-aalalang nakatingin sa akin.

"I'm okay ninamnam ko lang yung saya" sagot ko at ngumiti. Binuksan niya ang lock at inalalayan ako na tumayo.

Halos lahat ng kababaihan ay nakatingin kay Amir at dahil masaya ako ay hindi ko sila pinagpapansin pa. Hanggang tingin lang naman sila kay Amir habang ako ito hawak niya ang bewang ko.

"Let's eat first mamaya naman ang rides"

"No I want more!" Nagpapadyak pa ako. "Pretty please" ginamit ko ang mukha ko na madalas na nagpapaamo sa mga madre.

"Fuck! You giving me a boner!" ilang ulit na nagmumura si Amir pero mas nagpa-cute pa ako. "Okay okay... Let's go for another ride"

"Yes!" Masayang napatalon ako at humalik sa pisngi niya bago tinungo ang pinag iwanan ng gamit ko.

"Number 36" Sabi ko sa babae at inabot ang numero. Inabot naman nito sa akin ang sling bag ko na mabilis na chineck ko. Pagkatapos ay chineck ko iyong lock ng briefcase at ng masiguro na hindi nagalaw ay bumalik ako kay Amir na nakatayo sa hindi kalayuan.

"Bakit ang pula mo?" Idinampi ko ang likod ng palad ko sa noo at leeg ni Amir. Nagaalalang tumingin ako sa mga mata niya ngunit umiwas lang ito ng tingin.

"Ayos ka lang?" tumango siya bilang sagot at tumikhim tsaka ako tinalikuran. Sumunod na lamang ako sa kanya at muling ibinalik ang masayang mukha habang naglalakad papunta sa ferris wheel.

"Ilan ma'am?" tanong ng isang lalaki pagkalapit namin.

"Dalawa" sagot ko at nag bayad. Inabautan naman ako kaagad ni Kuya ng dalawang ticket kaya hinila ko na pasakay si Amir.

Wild Virgin (COMPLETED)Where stories live. Discover now