Nathalie's POV
"Saan ka na naman ba galing?!"
"It's none of your business!"
Sigaw nila Mom and Dad ang naririnig ko habang nakatingin sa grades kong may isang line of eight. I wiped my tears nang magsimula na naman itong tumulo.
"I have a right to ask you! I'm your wife!"
"Magpapahinga na ako."
Tumayo ako nang wala na akong marinig na sigawan galing sa kanila. Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa grades ko. Kinuha ko ito at lumabas ng aking kwarto at pumunta sa ibaba para ipakita kay Mom ang grades ko.
I saw her sitting on the sofa at nakapikit. Pinunasan ko ang natuyo kong luha at dahan-dahang lumapit kay Mama. Umupo ako sa tabi niya.
"Mom, ito na po ang grades ko.." I said, which made her open her eyes.
Tumingin siya sa'kin at kinuha ang hawak kong card. I swallowed hard at pinigilang tumulo ang luha dahil sa kaba. Napataas ang kilay ni Mama at binato ang card sa lamesa. Tumingin siya sa'kin nang hindi makapaniwala at wala akong nagawa kung di ang yumuko.
"May line of eight? Nathalie! Akala ko ba nag-aaral ka nang mabuti?! May 89 ka sa card mo! Buti pa ang anak ng kapit-bahay natin! Ang tataas ng grade at walang line of eight!" sigaw ni Mama sa'kin.
Ayan na naman tayo. She's still comparing me to others. Pinigilan kong umiyak sa harapan ni Mama at hinarap siya. Ngumiti ako at kinuha ang card sa lamesa.
"B-Babawi na lang po ako Mama–" Mom cut me.
"Aba dapat lang Nathalie! Ano na lang sasabihin ng iba? Yung anak ko t*nga at b*bo! Umayos-ayos ka Nathalie!"
"Wala ka talagang kuwenta! Maging matalino ka naman! Gayahin mo mga pinsan mo, ang tatalino! Umalis ka sa harapan ko at ayusin mo iyang pag-aaral mo!" pagpapatuloy pa ni Mama at dinuro ako sa noo.
Tumango na lamang ako at dali-daling umakyat pataas sa aking kwarto. Lumabas lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
It's always like this. Lagi akong ipagkukumpara sa ibang mas magaling sa'kin. I wiped my dry tears and ready myself, papasok pa lang ako dahil tanghali na ako nagising. Napuyat ako dahil sa project namin, also I can't sleep because depression attack me again.
Naligo na ako at sinuot ang uniform ko bago kinuha ang bag sa kama ko. Lumabas ako ng aking kwarto at napadaan sa kwarto nila Mama at Papa. Wala akong naririnig na sigawan sa loob kaya kumatok ako.
"Come in."
I sighed and opened the door. Nakita ko si Dad na nakasandal sa kanyang upuan at nakapikit. I walked towards him na ikinadilat ng kanyang mata. He smiled at pinaupo ako sa tabi niya. Umupo ako sa kanyang tabi at pinakita sa kanya ang grades ko.
Kinuha niya ito kaya napayuko ako. Maya-maya pa ay naramdaman ko na hinawakan niya ang aking kamay.
I looked at him but he smiled.
"I'm so proud of you anak," he softly said.
Tumulo ang luha ko at niyakap si Dad. He hugged me back and caressed my back. Hinalikan niya ang noo ko.
"Don't pressure yourself, kahit bumaba pa ang grades mo, I'm still proud of you kasi ginawa mo ang best mo. Don't listen to those negative people, always remember Dad is always here to support you," Dad whispered.
Tumango ako at tumayo. I smiled at him.
"Thank you Dad, I will try my best," I said and wiped my tears.
![](https://img.wattpad.com/cover/303509587-288-k611735.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22