Chapter 27

117 7 3
                                    

Nathalie's POV

"Saan kita hatid sis?"

I looked at my phone at binasa ang chat nila.

"Sa plaza po Kuya," sabi ko at sumadan na lamang sa upuan.

Tumingin ako sa labas at pinanood ang mga building at puno na nadadaanan namin. Bumalik sa isipan ko ang sasabihin sana ni Ackley kagabi but pinatay ko na agad ang tawag.

I'm going?Pupuntahan niya ba dapat ako kagabi? Hindi maalis-alis sa isipan ko 'yan, kung gusto nga niya akong puntahan kagabi… bakit hindi siya dumating? Alam naman niya kung saan ang bahay nila Mama–bakit nga ba ako umaasa?

Walang kami at gusto niya lang ako, it's just a puppy love and hindi seryoso.

But I'm serious about my feelings for him.

"Kuya…"

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagtingin niya sa'kin bago ngumiti.

"Hmm?"

I sighed. "What is the difference between puppy love and a serious relationship?"

Saglit na napatingin sa'kin si Kuya at ningitian ako nang nakakaloka.

"Why? May crush ka'na ba?" pang-aasar niya.

Napanguso ako at dahan-dahang tumango. "O-Opo."

He smiled at tumingin nang diretso sa daan.

"Puppy love is just a trial, your curiosity about love nag sisimula sa puppy love." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya at mas lalong naguluhan.

Mukhang nakita niya na naguguluhan ako, he chuckled at tinuloy ang pagpapaliwanag.

"Puppy love 'yong tawag natin sa "love" pero hindi talaga love ang namamagitan sa dalawang tao." Huminto saglit ang sasakyan dahil traffic kaya tumingin sa'kin si Kuya at ngumiti.

"Puppy love is associated with adolescence. So, it is just a shallow type of romantic relationship. By its term puppy, this type of love is immature and isn't likely to develop into a long term relationship," pagpapatuloy niya at tumingin pa sa harap.

"Puppy love lets us feel the desire, passion and excitement. Based on experience, mas madaling masaktan ang mga nasa puppy love… 'yon lang, magkaiba sila ng mature relationship na may deep connection. 'Yong sa puppy love, nakaka-excite lang."

Napatulala pa ako saglit at tumango-tango sa kanya. Na-e-excite ako kapag nandyan siya, puppy love nga lang ba? Funny, nag-iisip na ako ng ganto kahit grade 10 pa lang ako at feeling jowa na.

"If you're planning to enter a relationship, sana wag muna ngayon. Bata ka pa at mas lalo ka lang mahihirapan kapag maaga kang pumasok sa relasyon," Kuya said at inandar na ang sasakyan.

Tumango ako sa kanya at sumandal ulit sa upuan. Siguro malalaman ko kung puppy love nga lang ba ito kapag naging kami na pag-dating ko ng 18 years old. Hanggang assume at imagination muna tayo at tama si Kuya, baka mahirapan lang ako kapag pumasok agad ako sa relasyon nang maaga.

Edi gabi pumasok, mindset ba mindset.

"We're here."

Napatingin ako sa labas at kita dito sa pwesto namin sila Luisa at iba pa na sumasayaw na. Kita ko din sila Acel, Amitel, at Gab na nakaupo sa may gilid at inaasar ang tatlo. Malakas ang boses nila na hanggang dito ay rinig.

Bumagsak na lang ang balikat ko nang hindi ko makita si Ackley. Sino namang papanoorin niya na sumayaw diba? Bakit pa siya sasama kung wala din naman siyang gagawin?

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon