Nathalie's POV
"M-Ma, alis na po ako–"
"Umalis ka'na bago pa ako ma-bwisit sa'yo."
Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang bag ko habang iniiwasan ang tingin ng lalaking demonyo. Wala na si Kuya dahil maaga siyang pumasok. Agad akong lumabas at sumakay sa bike ni Kuya. Anxiety and depression are attacking me again, dahil sa nangyari kagabi.
Hindi ko pinansin ang panginginig ng kamay ko at ang paglalim ng hininga ko.
Arte ko lang 'to, wala 'to.
"Nat-nat, you're shaking."
Hindi ko pinansin si Amitel at pinagpatuloy ang pagbabasa ng notes. Tinago ko sa ilalim ng panyo ko ang kamay kong kanina pa nanginginig. Nandito kami sa food court at kanina pa sila nag-aalala sa'kin dahil hindi ko daw sila pinapansin.
Kung alam niyo lang..
"Alie–"
Napapitlag ako nang hawakan ako ni Ackley at lumayo sa kanya. I shook my head and smiled to hide the pain. Hindi nila kailangang malaman, hindi nila kailangan madamay sa kung ano mang gagawing masama ng demonyong iyon.
I stood up and turned my back at them. "C-Cr lang ako."
Kahit nanginginig ay tumakbo na ako palayo sa kanila. Hindi ako huminto sa pagtakbo kahit na tinatawag nila ako. Tumakbo ako sa CR ng mga babae at sinara ang pinto. Napaupo na lamang ako habang umiiyak na nakatitig sa kamay kong hindi mahinto sa panginginig.
My vision became blurry because of my tears. Lumalalim ang paghinga ko kaya dali-dali kong kinuha sa bag ko ang inumin at gamot ko. Agad kong ininom ang gamot at tubig kahit nanginginig. I massaged both of my hands while crying.
"Nathalie? Nathalie!"
Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang boses ni Acklysa labas at ang pagkalabog niya sa pinto. Dahan-dahan akong tumayo at parang lasing na pumunta sa harapan ng salamin at inayos ang sarili. Medyo nawawala na ang panginginig ko, umaayos na rin ang paghinga ko pero ang sakit pa rin ng dibdib ko.
"Please open the f*cking door!"
I smiled at my reflection in the mirror. Tinignan ko pa kung makapaniwala ba ang ngiti ko bago binuksan ang pinto na akala mo'y masisira na dahil sa kalampag ni Ackley.
Bumungad ang nag-aalala niyang mukha at sinalubong ako ng yakap. Napapitlag ako nang matamaan niya ang tiyan kong puro pasa. Dahan-dahan ko siyang itinulak at ningitian.
"Bibi please, tell me are you okay?" he asked, worriedly.
Dumaan ang sakit sa mga mata niya nang tanggalin ko ang yakap niya sa'kin. I just smiled at him to hide my pain. I'm sorry my love if I'm hurting you right now, If I can tell you what happened that night.
I sighed. "O-Okay lang ako."
"Nathalie."
Tumingin ako sa gilid at nakita sila Luisa kasama ang iba. Nag-aalala ang tingin nila sa'kin at kinikilatis ang kamay ko pati na din ang mukha kong namumutla na.
"Let's go to the cli–" I cut Ackley.
"T-Tara na! Baka sumabog na naman ang professor natin," I said and laughed to show them that I'm okay but ganun pa rin ang reaksyon nila, nag-aalala.
Please don't look at me like that.
Ngumiti ako sa kanila at hinawakan ang kamay ni Ackley na kanina pa seryoso ang titig sa'kin. Pinagdadasal ko na sana hindi manginig ang mga kamay ko para hindi nila mahalata.
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22