Chapter 55

117 9 5
                                    

Nathalie's POV

I can't feel myself. Nakatitig ako sa dalawang tao na wala ng buhay at nakahilata sa sahig na duguan. Lahat ng tao na nasa hospital ay napalabas at nakiusyuso.

Makirot pa rin ang sugat ko pero hindi ko ito ininda. Tungkol sa nangyari kanina, hindi galing sa baril ko ang putok ng baril. Ubos na ang bala ng baril ko kaya hindi natuloy ang pagpatay ko sa kanya. Ang narinig naming putok ng baril ay galing dito sa labas.

May mga magnanakaw na pinatay ang dalawang biktima na ninakawan nila.

Napigilan din ako nila Acel sa gagawin ko kay Hampton. Nandoon sila sa loob, kinakausap si Hampton kaya lumabas na lang ako para mag-isip.

Huminga ako nang malalim at pumasok sa hospital nang makita si Hope na nakaupo sa isang upuan, sa may bandang madilim na hallway. May hawak siyang papel at tinitigan niya ito.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi.

"Kamusta ka'na?" I asked and looked at her.

Ngumiti siya at tumawa nang mahina. "May utak pa naman."

Nakitawa na lang din ako. Na-miss ko sila, na-miss kong makipag-kulitan sa kanila. Ang tagal na pala naming hindi nagkikita dahil sa mga nangyayari.

Tumingin ako sa papel na hawak niya at nanliit ang mata sa nakita. Agad ko itong kinuha sa kanya na ikinagulat niya.

"A-Ano 'to Hope?"

Tumingin ako sa kanya. Nangingilid ang mga luha kong hinintay ang sagot niya. Yumuko siya at umiling, tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"Ano ka'ba, dati pa 'yan kaya don't worry," pagbibiro pa niya at sinubukang tumawa para pagaanin ang pakiramdam ko.

Pero hindi.

"H-Hope, sabihin mo na sa'kin please?" pagmamakaawa ko na ikinatigil niya.

Tumingin siya sa malayo at humawak sa buhok niya. Binalik niya ang tingin sa'kin at may luhang tumulo sa kanyang kaliwang mata.

"K-Kapag ba nagpakalbo ako, mamahalin pa rin ako ni Gab?"

Tumulo ang luha ko. Agad ko siyang hinila para yakapin at hinaplos ang kanyang ulo. Umiyak siya nang umiyak sa balikat ko at niyakap ako nang mahigpit.

"S-Syempre! Mahal na mahal ka n'on kahit magpakalbo ka pa," naiiyak kong sabi.

Mahal na mahal ka ng isang 'yon.

Lumayo siya sa'kin at tumatawang pinunasan ang luha.

"A-Ang pangit nating mag-drama, tara na nga," pilit siyang tumawa kahit tumutulo pa rin ang luha niya.

Syempre, gagaling siya. Kaya nga Hope ang pangalan dahil palagi siyang may pag-asa. Gagaling si Hope, gagaling ka Hope.

"Kaya mo ba?"

Inirapan ko si Ate Maria. "Of course! Sugat lang 'to!"

Binatukan naman niya ako na ikinasimangot ko. Nakasuot na siya ng dress at naka-make up. Ngayon na ang graduation day niya at nagdadalawang-isip pa siya kung isasama niya ako dahil lang sa sugat ko.

"Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo!" nakanguso kong sabi at sumakay na sa kotse.

Tinawanan na lang kami ni Tita Christy dahil sa kakulitan naming dalawa ni Ate Maria.

"Ang kulit-kulit," iling-iling niyang sabi at sumakay na sa tabi ni Tita na magmamaneho.

Tumingin ako sa labas nang umandar na ang sasakyan. Simula kahapon, hindi ko na nakita si Hampton. Nakausap ko sila Acel at 'yung anim at naiintindihan naman nila ako pero hindi nawala ang pangsesermon nila sa'kin.

Okay na rin 'yun, atlis hindi ko siya makita.

Mabuti nga at hindi siya nagpapakita. Para na rin makapagisip-isip ako nang maayos.

"Lutang, nandito na tayo uy!"

Nabalik ako sa ulirat nang bigla may sumigaw sa harapan ko. Narinig ko pa ang pagtawa ni Ate nang samaan ko siya ng tingin.

"Kung hindi mo lang graduation, kukutusan talaga kita." Inambaan ko pa siya ng kurot pero agad din kaming inawat ni Tita.

"Tama na 'yan, tara na."

Habang naglalakad papasok sa isang malaking court, hindi ko maiwasan ang tignan ang mga magpapamilya. Ang saya nila at proud na proud pa sa mga anak nila. May tatay at may nanay sila.

"Okay ka lang?"

Tumingin ako kay Ate at ngumiti. Tumango ako na ikinangiti niya at inakbayan ako papunta sa pwesto namin ni Tita. Pumunta naman na siya sa upuan niya na malayo unti sa'min at pinakita pa ang suot na niyang toga.

Natawa ako at nag-thumbs up sa kanya. Proud na proud ako kay Ate, kahit minsan ay naging kontrabida siya sa buhay ko. Gusto niya lang naman ng pagmamahal ng isang ina at ama, gusto din niyang mapansin at gusto niyang maranasan ang pagmamahal ng isang lalaki.

Hindi ko nga alam kung sino ang tatay niya eh.

"Picture muna kayo habang hindi pa nagsisimula," excited na sabi ni Tita sa tabi ko.

Agad kaming lumapit sa pwesto ni Ate Maria at inaya siyang mag-selfie. Nag-picture kami ng kung ano-anong anggulo, kaming dalawa ni Ate Maria, silang dalawa ni Tita at siya na mag-isa at malaki ang ngiti na hawak ang toga.

"I'm so proud of you anak, mahal na mahal kita," naiiyak na sabi ni Tita na ikinangiti ni Ate Maria.

"I love you too Mama," malambing na sabi ni Ate Maria at niyakap ang Mama.

Napangiti ako. Uupo na sana ako nang hilahin ako ni Ate Maria sa kanila at lumapit pa siya sa kaklase niya para magpasuyo na kuhaan kami ng litrato.

"1, 2, 3… smile!"

Ngumiti kaming tatlo sa litrato. Ngiting totoo at hindi peke. Para sa akin, mabait si Ate Maria. Material girlfriend at Ate na rin, pwede na siyang maging single mom at ako ang anak niya dahil sa sobrang maalaga niya. Naging insecure lang siya dahil sa inggit.

"Maria Clare Crawford, valedictorian. Congratulations!"

Nakangiti kaming lumapit kay Ate Maria na parang biglang nagbago ang emosyon. Malungkot siyang tumingin sa'kin at ngumiti bago kami umakyat sa stage.

Nang naisuot na ni Tita ang medal niya ay nagyakapan sila. At nang ako na ang magsusuot ng pangalawa niyang medal ay ngumiti siya sa'kin at nagulat ako nang bigla na lang niya akong niyakap.

"T-Thank you for being with me k-kahit na naging k-kontrabida ako sa buhay mo–"

Parang tumigil ang mundo ko nang bigla na lang siyang natumba sa sahig. Sigawan ng mga tao ang naririnig ko habang gulat na nakatingin sa kanya. Agad akong lumuhod sa kanya nang may dugong umagos sa kanyang bibig at ngumiti sa akin.

"A-Ate–hindi, h-hindi!"

Lumuhod si Tita habang umiiyak na niyakap si Ate Maria.

"A-Anak ko!"

Hinawakan ni Ate Maria nang mahigpit ang kamay ko at ngumiti. Lumalapit na din sa'min ang mga guro, pero hindi ko na alam. Naka-focus na ako kay Ate Maria.

"I-I love you Mama, y-you're the bravest w-woman that I know. Y-You taught me how to be b-brave," umubo ng dugo si Ate na mas lalo kong ikinataranta.

"TUMAWAG NA KAYO NG AMBULANSYA!"

Natigil ako sa pagsisigaw nang hawakan ni Ate Maria ang pisngi ko at sinuot sa'kin ang medal na dapat ay para sa kanya.

"B-Bunso namin, I love you l-little sis. Mahal na m-mahal ka ni Ate–"

"A-Ate!"

Nanghihina niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

"M-My mission is now a-accomplished, t-take care my little s-star. I love you–"

Hindi na natapos ang sasabihin niya. Nawalan na siya ng hininga. Nakapikit na ang mga mata niya na akala mo'y natutulog lang pero…

Wala na siyang buhay.

Kinuha na rin ng mga bituin ang Ate ko.

_____
A/n: Authors cry too.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon