Chapter 19

117 9 4
                                    

Nathalie's POV

"Umayos ka."

Walang gana kong kinuha ang mga gamit ko at sumakay sa kotse ng lalaki ni Mama. Yes, lalaki, I don't care kung naghiwalay na sila ni Papa. Gagawin ko pa rin ang lahat para magka-ayos sila, para maayos ang pamilya namin.

Nang makasakay ako sa kotse ay nakita ko pa ang malagkit na tingin sa'kin ng lalaki ni Mama kaya kinabahan ako at agad na tinakpan ng bag ang legs ko.

Ngumisi siya sa'kin pero agad din ngumiti nang pumasok na si Mama sa kotse.

"Let's go?" he asked Mama na para bang walang nangyari.

Nakaramdam ako ng kirot nang ngumiti si Mama nang malaki sa lalaki. Hindi niya nagagawa 'yan kay Papa, puro sigaw at hagis ng gamit lang ang ginagawa niya.

Tumango si Mama kaya umandar na ang kotse habang ako dito sa likuran ay nakatingin lang sa labas.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Agad ko itong tinignan at nakitang nag-chat si Ackley sa Instagram ko.

Ackleyzton: Umalis na kayo?

I smiled a little.

NathalieIonC: Yup, why?

Agad naman siyang nag-reply na ikinalaki ng mata ko.

Ackleyzton: I want to see your precious face, I already miss you na. Call po tayo.

Napakurap-kurap ako at tinignan kung nakikita ba nila Mama ang ginagawa ko. Tulog na si Mama habang ang lalaki niya ay paminsan-minsan na tumitingin sa'kin na mas lalong nagpa-dagdag ng kaba ko.

NathalieIonC: Sige, but I won't talk.

Parang nababawasan ang kaba ko dahil sa chat niya na hindi sang-ayon sa sinabi ko.

Ackleyzton: Eh? Why? I miss your beautiful voice too! Whyyyy????🙁

May emoji pa na malungkot sa huli kaya umusog ako pagilid para hindi ako makita ng lalaki. Napangiti ako dahil sa ka-cute ni Ackley.

NathalieIonC: Bastaaaa, ano? Ayaw mo o gusto?

Nang i-send ko ang message na iyon sa kanya ay natawa na lang ako nang tahimik nang bigla siyang nag-request ng video call. Agad ko itong sinagot at bumungad ang gwapo niyang mukha habang nakanguso.

Ngumiti ako pero agad nagtaka nang napanganga siya na parang may nakitang kamangha-mangha. Nakabuka ang bibig niya nang kaunti.

"You're so beautiful palagi, my home,"mangha niyang sabi.

Namula ako dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at naka-earphones ako kaya ako lang ang makakarinig ng sinabi niya. Natawa naman siya at ngumiti.

"Joke lang, may multo kasi sa likod mo–"

Agad akong napatingin sa likod ko habang nanlalaki ang mata. Narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa kaya agad kong hinarap ang camera sa aking mukha at sinamaan siya ng tingin.

Tumigil siya sa pag-tawa at biglang sumeryoso.

"But seriously, you're so beautiful. Palagi ka namang maganda tahanan ko," seryoso niyang sabi na mas lalong ikinapula ng mukha ko.

Ackley! Stop making me kilig!

He chuckled at my reaction. Hindi ko in-off ang mic ko kaya naririnig niya ang background ko.

"Why are you smiling there?"

Agad kong naibaba ang phone ko sa aking hita dahil sa gulat. Tumingin ako sa lalaki ni Mama na nakatingin na naman sa'kin nang malagkit.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon