Chapter 30

130 8 1
                                    

Nathalie's POV

Nakatulala lang ako sa kisame, tumutulo pa rin ang luha dahil naaalala pa rin ang nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala na kakampihan talaga ni Mama ang lalaki niya kahit nakita na niyang binabastos ako.

She really hates me…

May nagawa ba akong masama noong bata ako? Bakit galit na galit siya sa'kin kahit wala naman akong kasalanan?

Mag-isa na lang ako sa kwarto, nandito pa rin ako sa hospital. Bumili si Kuya sa labas ng pagkain, si Tita ay kumuha ng damit ko at nila, si Ate Maria ay tinawag ng Doktor para pag-usapan daw nila ang kalagayan ko.

Biglang bumukas nang malakas ang pinto ng kwarto ko, dahil sa takot ay napaupo ako at napa-sigaw.

"W-Wag mo na akong g-galawin!" pagmamakaawa ko.

Biglang lumalabo ang paningin ko at nanginig na lang nang makita na naman ang image ng lalaking iyon.

"A-Alie… I'm here–"

"LUMAYO KA! WAG!"

Lumakas ang iyak at mas lalong lumala ang panginginig ko nang lumapit pa siya sa'kin. May kasama siya sa likuran niya pero umiikot ang paningin ko.

Lumapit ulit sila, tinakpan ko ng kumot ang sarili ko at tinataboy sila paalis.

"Nathalie!"

May tumakbo papalapit sa'kin, lumilinaw ang paningin ko at nakitang si Ate Maria ito. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit at umiyak.

"A-Ate, g-gagalawin niya u-ulit ako! N-Nandyan siya!" sigaw ko.

Niyakap akong mahigpit ni Ate Maria at pinatahan.

"W-Wala na siya dito, hindi ka'na niya g-gagalawin okay?" pagpapatahan niya sa'kin.

"Ate, n-natatakot ako–"

Naputol ang sasabihin ko nang may tumurok sa aking kabilang braso at nakaramdam ng panghihina. May yumakap sa'kin sa likod ko at inaalalayan akong humiga. Hindi ko alam ang tinurok nila, hindi ako inaantok pero bigla akong nanghina.

"A-Ano 'yon–" Ate Maria cut me.

"Shh, s-sorry Thalie ah? Pampakalma lang iyon."

Hindi ako nakasagot at lumilinaw na rin ang paningin ko. Napatingin ako sa aking kaliwa at napangiti nang makita siya. Puno ng luha ang mukha niya at hinahalik-halikan ang kamay ko.

"A-Alie, sorry, s-sorry," lumuluha niyang sabi.

Nakatitig lang ako sa kanya at hindi nagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, nahihiya ako dahil nakikita niya ako sa ganitong kalagayan. Baka naiisip niya na baliw ako at baka manakit ako.

Siguro, lalayuan na nila ako?

Napaiyak ako sa isipang iyon, agad akong niyakap ni Ackley at hinalik-halikan ang aking noo. Nasa paanan ko sila Luisa at lumuluhang nakatingin sa'kin.

"I-I'm here, we w-won't leave you," he whispered and hugged me tight.

Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. Sana nga hindi niyo ako iwan, sana mag-stay pa rin kayo sa tabi ko kahit sobrang dumi ko na.

"G*GO NAHULOG AKO!"

Natawa ako kay Gab nang mahulog ang character niya sa kanal. Tapos na kami sa pagda-dramahan at mabuti na lang ay may dalang video game PS4 at pwedeng ma-connect sa malaking tv dito sa kwarto ng hospital.

Naglalaro kami ng overcooked 2 game at obvious naman siguro na lutu-lutuan ang nilalaro namin but with a twist. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari pero pilit ko itong kinakalimutan at nililibang ang sarili baka tuluyan na akong mabaliw.

"I need patatas," seryosong sabi ni Luisa habang tutok sa laro.

"I need you."

Napatingin kami kay Acel nang sabihin niya iyon. Agad siyang tumingin sa'min at tumitig kay Luisa, kinindatan niya ito at binalik ang atensyon sa laro.

Dumada-moves.

I looked at Luisa na inirapan lang siya at napatingin sa'kin. Tinignan ko siya nang may mapang-asar na tingin na ikinanguso niya at umiling, pero namula naman HAHAHAHA!

"Huhhhhh?" singhal ni Amitel nang mahulog din siya.

"Aaaahhh HAHAHA!" tawa ni Amethyst kaya sinamaan siya ni Amitel ng tingin.

Sinamaan din ng tingin ni Amethyst si Amitel ng tingin kaya umiwas na lang ng tingin si Amitel at napanguso.

You got under boy!

"Tanggal na'ko sa trabaho," dagdag pa ni Amitel na nagpatawa sa'min.

"Ackley! Paabot plato," tawag ko kay Ackley habang seryoso sa paglalaro.

"Here."

Napakunot ang noo ko nang hindi naman lumapit sa'kin ang character ni Ackley. Tumingin ako sa kanya at napailing at napa-tawa na lang.

"Plato sa laro, hindi 'yan," natatawa kong sabi.

Napakurap-kurap siya at napakamot sa batok. Nilapag niya ang plato sa lamesa at hinawakan ang control.

"Hinay-hinay sa pagtitig, ehem."

"Shut up torpe."

Napatigil kami sa paglalaro nang bumukas ang pinto. Pumasok sila Ate Maria na naka-school uniform, si Tita Christy na nakangiti at si Kuya na nakapamulsa at magulo ang buhok, inayos pa niya ang salamin niya at ngumiti sa'kin.

"Pwede ko bang makausap kayo saglit?" tanong ni Tita ki'la Luisa.

Nagkatinginan sila at tumango kay Tita. Tumayo silang lahat pero nang tignan ko si Ackley ay hindi pa rin siya tumatayo kaya kinalabit ko siya. He turn his head first before his eyes, gwapo talaga ng buwan ko!

"Tawag ka ni Tita–"

"Maiwan ka'na muna Ackley ijho ah?" sabi ni Tita kay Ackley.

Ngumiti si Ackley at tumango. Tita looked at me and smiled kaya ngumiti din ako sa kanya. Sinarado na nila ang pinto at kaming dalawa na lang ang natitira dito sa loob. Pinanood kong patayin ni Ackley ang TV at tinabi ang mga kalat.

He looked at me at agad na humiga sa tabi ko kaya umusog ako. Nang makahiga siya ay yumakap siya sa aking bewang at sumubsob sa leeg ko. I caressed his hair at sinilip siya.

Hindi siya nagsalita at nagulat na lang ako nang may luhang tumutulo sa leeg ko.

My moon is crying.

"Okay ka lang?" mahina kong tanong. Hindi siya sumagot at umiyak lang sa leeg ko. Hindi ko na muna siya kinausap at pinatahan lang, niyakap at hinalikan ang kanyang noo.

Umiyak lang siya sa leeg ko at niyakap ako nang mahigpit. Panay lang ang hagod at tahan ko sa kanya, medyo humihina na rin ang iyak niya at maya-maya pa ay naramdaman ko ang malalalim niyang hininga. Sinilip ko siya at napangiti, I wiped his tears and kissed his forehead. Pumikit na din ako at niyakap siya.

"Sweet dreams buwan ko."

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon