Chapter 41

94 7 0
                                    

Nathalie's POV

"Pumasok na kayo."

Sumimangot silang lahat at inilingan ako. Nasa harapan kami ng bahay nila Tita Christy at bukas na ililibing si Papa. Wala akong tulog dahil sa kakaiyak at wala ring tulog dahil nasa kabilang kwarto ko lang natutulog ang manloloko kong pinsan.

Kanina ko pa pinapapasok sa school sila Luisa at yung pito pero ayaw nilang iwan ako dahil wala daw ako kasama.

"Ganito na lang, Gab, ikaw ngayon and sunod ako," Hope said and tinuro ang sarili.

"You can go to school na, I can take care of her–"

"Ackley, kami muna," pagpuputol ni Acel kay Hampton na huminga nang malalim.

Bumuntong hininga ako. Hindi ako tinitigilan ng Hampton na ito simula noong isang gabi na nagkasagutan kami. Masakit pa rin para sa'kin.

"Gab, tara na. Pumasok na kayo, ang dami niyo ng absent dahil sa'kin."

Lumapit sa'kin si Gab at parang batang sinabit ang kamay sa braso ko. Ramdam ko ang titig ng isa pero hindi ko ito pinansin.

"Huwag mong alalahanin 'yon, all we care about is you okay? Pasok na kami, Gab! Alagaan mo si Nadi!" mahabang sabi ni Luisa at hinila na sila papasok sa van.

"Ako bahala!" sigaw ni Gab habang may subong tinapay.

Napailing na lang ako sa katakawan niya at papasok na sana nang makita si Hampton na nakatayo pa rin sa gate at nakatingin sa'kin. Pagod akong tumingin sa kanya.

"Umalis ka'na, nakaalis na sila," matamlay kong sabi.

Napakagat siya sa ibabang labi niya at magsasalita na sana nang pigilan siya ni Gab.

"Azi, let her rest. May panahon para makapag-explain ka," Gab said and smiled at Hampton.

Dahan-dahang siyang tumango at malalim na huminga habang nakatingin sa'kin. Pagod na ako, pagod sagutin lahat ng tanong ng mga bisita, pagod kakaiyak at pagod magmakaawa na bumalik si Papa.

Matagal pang tumingin sa'kin si Hampton bago pumasok sa bago niyang kotse na kulay puti. Hindi ko alam ang tawag dito at wala na akong pake. Sumilip siya sa bintana at tumingin kay Gab.

"Please, take care of her."

Tumango lang si Gab at ngumiti habang ngumunguya. Tumingin pa sa'kin saglit si Hampton bago humarurot paalis. I heavily sighed na ikinatingin sa'kin ni Gab. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako nang dahan-dahan palapit sa…

Kabaong ni Papa.

Agad akong napa-iwas ng tingin nang makita ang mukha niya. I bit my lower lip and waited for Gab.

"Tito, igagala ko lang po si Nadi, sana hindi kayo magalit," mahinang sabi ni Gab pero narinig ko ito.

Napangiti ako nang maliit sa sinabi ni Gab. Lagi silang nagpapaalam kay Papa sa tuwing igagala nila ako para hindi ako iyak nang iyak sa kwarto.

Hinila na ako ni Gab palabas pero huminto kami sa gate na ikinataka ko. Humarap siya sa'kin at ngumiti. Nagulat ako nang maglabas siya ng suklay at sinuklayan ang buhok ko bago ito tinalian ng simple lang.

"Ayan! Maganda ka'na ulit," Gab said and chuckled.

Inirapan ko na lang siya sa pang-aasar niya. Pero napapangiti din dahil sa effort na pinapakita niya. Ang swerte ni Hope dahil may nagkakagusto sa kanyang lalaki na kahit childish ay maalaga at alam pa rin kung ano ang mali.

Pinasakay na niya ako sa kotse niya. Nang makaalis ay nakita ko pang nakatingin sa'kin si Maria, kita ko ang inggit at galit sa mata niya. Umiwas kaagad ako ng tingin at nag-focus sa daan.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon