Chapter 59

98 6 1
                                    

Nathalie's POV

"OH MY GOD!!"

I rolled my eyes and even covered my ears dahil sa tili ni Luisa. Nasa harap kami ng mansyon ko pero hindi kami makapasok dahil sa dami ng mga nakalagay na mga branded na gamit sa daanan.

"Gucci, Dior, Louis Vuitton, Victoria's secret–my goddessnes!" tili pa ni Amethyst habang tinitignan ang mga lama n'on.

"And a necklace with a moon on it," Hope said habang manghang nakatingin sa kuwentas na nasa maliit na kahon.

"Saan galing 'yan?" I asked myself while looking at those expensive things in front of my mansion.

Halos wala nang madaanan ang sasakyan ko dahil pati sa daan mayroon! Just what the heck? Akin 'to lahat?! Kanino galing?!

"From your admirers, I guess." Amethyst shrugged and pinigilan pa si Luisa na kinukuha na ang mga bags and heels na iba't-ibang klase.

"Manong! Pwede po pa-help?"

Lumabas naman agad sila Manong, pato na din si Manang at iba pa para kunin ang mga ito at dalhin sa loob.

"Pakilagay na lang po sa collection room ko po, thank you!" I said na ikinatango nila at umakyat na.

"Baka galing iyon sa sugar dadeehhh mo!"

Agad akong napatingin kay Luisa nang sabihin niya iyon. Para pa siyang may ginagaya sa tono ng pananalita sa word na "sugar dadeehhh".

"D-Did I do something stupid?" mautal kong tanong.

Napailing silang tatlo. Hope chuckled at me at pinakita pa sa'kin ang picture ko na nasa stage at sumasayaw na parang tanga.

Anak ng–

"That's not fucking me!" pagtatanggol ko pa sa sarili ko kahit alam ko namang ako talaga 'yan.

Tinawanan nila ako at mas lalong nanlaki ang mata ko nang may ipakita pa silang video sa akin na buhat-buhat ako ng isang lalaki, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod kami sa camera.

"W-Who's that?" I asked.

"Si sugar dadeehhh mo! HAHAHA!" pang-aasar pa ni Amethyst sa'kin.

"And you said pa kagabi na." Pumuntang harapan namin si Luisa at nag-acting na parang lasing.

"You're my sugar dadeehhh right? Bilhan mo ako ng maraming expensive things! 'Yung dapat magbabaha ang bahay ko sa dami–HAHAHAHAHA!"

Nakasimangot akong at napakagat sa labi habang sila ay hindi pa rin natitigil sa pag-tawa habang pinapanood ang video kong halos kasirauluhan.

Damn this.

"Kilala niyo ba 'yung lalaki?"

Tumingin sila sa'kin at napatigil sa pag-tawa. Pero ang buntis na 'to ay hindi pa rin tumitigil sa pag-tawa habang nanonood ng video ko.

"Hulaan mo!" tawa pa ni Hope na ikinanguso ko.

Ano ba 'yan ih!

"Siya naghatid sa'yo, siya nag-alaga sa'yo mag-damag–"

"Mag-damag?!" gulat kong tanong.

Natawa naman si Hope at tumango. Hala, nakita ba niya ako na naglalaway habang tulog?! Nakita ba niyang malikot ako matulog?! Nakita niya bang nag-sleep talking at walk ako?! Shit! Nangyayakap pa naman ako ng kung sino o ano kapag tulog.

Ayoko na!

Napatingin kami sa labas nang may bumusina. Maya-maya pa ay may pumasok na tatlong lalaking nagga-gwapuhan. Napasimangot ako.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon