Chapter 53

115 4 1
                                    

Nathalie's POV

"Can you tell me all the truth?"

Nakaharap ako ki'la Kuya Haze at Kuya Josh. Naka-shorts lang sila at walang damit pang-itaas. Hindi naman ako naiilang at tumingin-tingin na lang sa mga baril at iba't-ibang armas na nakahilera sa isang glass table.

Napatingin ako kay Kuya Haze nang bumaba na siya galing sa bar. Hindi ko alamq tawag doon but, bar siya kung saan lalambitin ka. Habang si Kuya Josh ay binaba ang hawak na malaking dumbbell na sigurado akong hindi ko kayang buhatin.

Lumapit sila sa'kin at nagpunas ng pawis nila, binigyan ko naman sila ng tubig kaya agad naman nila itong tinanggap at nagpasalamat. Nagbihis na din sila ng damit at umupo sa harapan ko.

Kuya Haze sighed. "Christoffer Dein Crawford, your Dad–" I cut him.

"Our Dad," sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

Natawa na lang si Kuya Josh habang si Kuya Haze ay tinaas ang kamay na parang sumusuko.

"Fine, our Dad. Nagkakilala sila Mom and Dad noong highschool sila, unang-una pa lang… Mom already love Dad. Pero hindi mahal ni Dad si Mom at may iba siyang gusto."

Nakinig lang ako kay Kuya, si Kuya Josh naman ay tamang kain lang sa tabi ko.

"Ang nagugustuhan ni Dad ay si Noreen, your step mom. And bakit tayo nabuo? Simple, they turned off the lights, closed the door, rip their clothes–" agad namin siyang nabato ni Kuya Josh ng kutsara na hawak namin na ikinatawa ni Kuya Haze at umilag.

"Ako na nga," napapailing na sabi ni Kuya Josh at humarap sa'kin.

Ayusin niyo.

"Unang nabuo si Haze at kung bakit siya nabuo, Mom is drunk that time, nagpakalasing siya dahil hindi niya kayang layuan si Dad kahit may iba itong mahal. Mom really loves Dad, she will do everything to make him safe. Ang kasama niya noong lasing siya ay si Dad and wala namang tama ng alak si Dad, pero may nangyari at pagkatapos ng ilang buwan, nabuhay si Haze," pagku-kwento ni Kuya Josh.

Edi ibig sabihin, mistake si Kuya Haze? Pero mukhang hindi. Walang tama ng alak si Papa tulad ng sabi ni Kuya, si Mom lang ang may tama ng alak.

Kuya Josh cleared his throat. "Dad is a good man kaya kahit hindi niya mahal si Mom, pinanagutan niya si Mom at Haze. Pero, nahuli ni Mom si Dad na kahalikan si Noreen and wanna know what Mom did? She didn't killed or hurt Noreen, pag-uwi ni Dad sa mansion ay agad siyang inabutan ng pagkain at inumin ni Mom na kaagad naman niyang tinanggap and hindi niya alam na may drugs pa lang nakahalo doon na magpapainit ng katawan mo."

Nagulat ako sa sinabi ni Kuya. Ni-rape ni Mom si Papa? Nagawa niya ba 'yon dahil sa selos? Plinano niya na talaga iyon?

Napatingin ako kay Kuya Haze nang may tanggalin siya sa kanyang leeg na kuwentas. Isa itong locket at nang buksan ko ay nandoon ang picture ni Mom na nakangiti.

Ngayon ko lang nakitang nakangiti siya sa litrato.

May binigay naman sa'kin si Kuya na kuwentas na hinubad din niya sa leeg niya. Para itong maliit na jar at may laman na parang… dugo ba ito?

"B-Bakit niyo binibigay sa'kin 'to?" tanong ko at tumingin sa kanila.

Kuya Haze smiled. "Mom said to us, kapag nalaman mo na lahat ay ibigay namin 'yan sa'yo. And she wants na dapat tayo lang ang makakahawak o makakakita ng picture niya sa locket at 'yung blood niya."

Agad ko itong sinuot at napangiti. Napasok na sa loob ng damit ko ang kuwentas dahil sa haba nito kaya hindi masyadong halata pero halata ang kulay ginto nitong chain.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon