Chapter 54

103 8 2
                                    

Nathalie's POV

"I saw a video about a man na hindi naabutan ang Graduation niya."

Nakinig ako sa kanya habang kumakain ng Jabee! Jollibee! Kanina pa siya panay kwento at ngayon ay tungkol naman sa video na nakita niya sa social media.

"What if… hindi ako umabot sa Graduation?"

Nabulunan akong bigla sa sinabi niya. Agad niya akong binigyan ng tubig at natatawang pinunasan ang kalat ng labi ko gamit ang tissue.

"You're so makalat talaga," she said and chuckled.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tanga, gan'yan ka pa rin talaga magbiro. Magiging designer ka pa diba? Magkakaroon ng anak at asawa–"

"I have no plans to have a child and husband," pagpuputol niya sa'kin.

Napabuntong hininga ako at binaba ang hawak kong burger.

"Basta sasama ako bukas, gandahan mo bukas ah? Rarampa ka sa stage," pagbibiro ko at tumawa nang mahina.

Napatawa na din siya at ngumiti sa'kin. Uminom siya ng iced tea at tumingin sa labas. Nakapag-shopping na kami at iniwan namin kaagad ang mga napamili namin sa dalawang lalaki na kanina pa nasa labas.

Calius and Hampton.

"Do you still remember my favorite song?" tanong ni Ate Maria.

Napangiti ako at tumango. Syempre naaalala ko pa, paborito niyang kanta is beautiful in white. Lagi niya iyong kinakanta sa Videoke at minsan kinakanta namin iyon sa bahay.

"Yeah, Beautiful in white," nakangiti kong sabi.

Tumingin siya sa'kin at tumango. Nilabas niya ang phone niya at may pinakita sa akin na picture ng kulay white na dress.

"I want to wear this someday."

Pinakatitigan ko ang litrato. Ang ganda ng dress at alam kong siya ang nag-design at gawa nito.

"Ganda! You're really a designer," mangha kong sabi.

Nagpasalamat siya at tinago na ang phone. Tinitigan ko si Ate Maria. Pumapayat na siya, hindi katulad dati na naba-balanced pa niya ang pagkain niya.

"Kapag kinasal ako someday paglaki, ikaw gumawa ng wedding dress ko ah?" I said, which made her look at me and stopped.

"Of course! Nakahanda na lahat para sa bunso namin," nakangiti niyang sabi at pinisil ang pisngi ko.

Natapos na kaming kumain at pinuntahan ang dalawa sa labas. Napakunot ang noo ko nang panay ang tingin nila sa paligid pero agad ding napatingin sa'min nang lumapit na kami sa kanila.

Wala na sa kanila ang mga shopping bags, siguro nilagay na nila sa kotse. Lumapit ako kay Calius kahit ramdam ko ang titig ng isa.

Nagulat ako nang hawakan ako ni Calius sa balikat na parang may tinitignan.

"You okay My Miss?" he asked, worries visible in his eyes.

I nodded. "Syempre, bakit?"

Huminga siya nang malalim at umiling. "Nothing, just making sure you're okay."

Ngumiti ako sa kanya. Masyado siyang maaalalahanin kahit guard ko lang siya. Siguro dahil trabaho niya ang bantayan ako at natatakot siyang may mangyaring masama sa'kin.

"M'lady!"

Napatingin ako sa likuran ko. Nakita ko si Atlas na nasa tapat ng stitch store at may hawak na stitch.

Ang laki!

Lumapit siya sa pwesto namin pero ang excitement sa mukha niya ay nawala nang mapatingin siya kay Calius na nasa tabi ko. Napakurap ako nang hilahin ako ni Atlas palapit sa kanya.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon