Nathalie's POV
Wala sa mood lang akong nakaupo dito sa upuan–este trono. Hindi na ako nahirapang magpanggap na masungit o malamig kung tumingin dahil kanina pa ako naiinip at naiinis dahil sa bored. Parang gusto ko na lang manapak dahil sa pagkakainip ko.
"Bored?"
Umirap ako nang may boses na nagtanong sa gilid ko. Hindi ko ito tinignan ar sinara ang aking kamao.
"Wag mo na tanungin kung alam mo din ang sagot," pikon kong sagot.
Mas lalo pa akong nagalit nang mahina siyang tumawa. Tinignan ko siya nang masama at bahagya pang nagulat nang makitang parehas kami ng maskara. Kulay itim at may tatak ng cobra.
Kami lang ang magkaparehas.
"Hindi mo ako na-miss?" he asked kaya agad ko siyang pinakatitigan nang matagal.
"Sino ka'ba–"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang tanggalin niya ang kanyang maskara at nagulat ako nang makita ang kanyang mukha. Ngayon ko na lang ulit siya makita pagkatapos ng ilang buwan.
"Kuya Haze?"
Ngumiti siya at katulad nang lagi niyang ginagawa dati, hinalikan niya ang noo ko. Bakit siya nandito? Kasapi ba siya ng mga tao dito?
"Theodon Kingston Haze Cobra," pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
Cobra?
Nagtataka akong tumingin sa kanya at tinignan ang kabuuan niya. Nakaitim siyang tuxedo at nakaayos ang buhok.
"Cobra?" nagtataka kong tanong.
Cobra din siya?
Sumeryoso ang tingin niya sa'kin. "I'm Theodon Kingston Haze Cobra, your brother."
Nagulat ako dahil doon at hindi nakapagsalita. Kapatid ko siya? No way, alam kong hindi ako anak ng babaeng nasa litrato kanina, ang nag-iisa ko lang na Ina ay si Noreen.
"I know you're confused on what's happening right now, let's talk later princess," seryosong sabi niya at sinuot muli ang maskara bago umupo sa isa pang trono na katabi ko lang.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Isa ba akong gangster or mafia? Akala ko ba sa palabas at novel lang ito nangyayari? Bakit nararanasan ko na? Baka nananaginip ako kakabasa ng Wattpad?
Kung panaginip man 'to, gisingin niyo na ako.
Napatingin ako sa tatlong mga babae na nakasuot ng mga sosyaling gown at nakamaskara din. May kasama silang apat na lalaki na naka-tuxedo ng puti, maliban sa isang lalaki na naka-tuxedo na kulay itim.
Lumapit sila sa pwesto ko at yumuko. Pinakatitigan ko sila dahil mukha silang pamilyar. Tinitigan ko ang babaeng nakalugay at nakasuot ng red gown at red mask, may tatak sa mask niya na agila.
Tumingin ako sa katabi niya, nakasuot ito ng kulay green na gown at maskarang kulay berde din na may tatak ng buwaya. Nang tumingin ako sa isang babae, nakasuot ito ng violet na gown at maskarang kulay violet din at may tatak na kabayo.
Ano 'to? Zoo?
Napataas ang kilay ko nang akmang kukunot ang noo ko. Naalala ko ang sinabi ng babae kanina na wag ako magpakita ng emosyon.
Napairap na lang ako at tumingin sa tatlo na lalaking naka-white tuxedo, nakasuot sila ng maskarang kulay silver–
Tunay na silver 'yan? Baka pwedeng isangla.
Napailing na lang ako sa aking naisip. Nagiging baliw na ako dahil sa mga nalalaman ko.
Ang isang lalaki ay may tatak ng agila, 'yung isa ay buwaya at 'yung isa naman ay kabayo. Parehas lang sa tatlong babae.
Nang tumingin naman ako sa lalaking naka-tuxedo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magsalubong ang mata namin. Nakatitig siya sa'kin, nahuli ko pa siyang napakagat sa ibabang labi at umiwas ng tingin.
Problema n'on?
Hindi ko nakita ang tatak ng maskara niya dahil umiwas siya ng tingin.
"Someone wants to talk to you Miss Bezella," sabi ng lalaking nasa aking kaliwa kaya napatingin ako sa kanya.
Pinanliitan ko siya ng mata at napapikit nang mariin.
Siya 'yung lalaking sumugod sa bahay at siya din 'yung nang-kidnapped sa'kin!
"Happy birthday Miss Bezella."
Familiar boses nila.
Tumingin muli ako sa tatlong babae at apat na lalaki sa aking harapan. Nahiya pa ako nang bigla silang yumuko at nagulat pa ako nang bigyan nila ako ng mga regalo, Gucci, Dior, Louis Vuitton, Hermes, at iba pa.
Ang mamahal ng mga ito!
I looked at Kuya Haze, seryoso ang tingin niya sa lalaking naka-tuxedo din na itim kaya hindi ko na lang siya kinulit at nagpasalamat sa kanila.
"Thank you." Muntikan pa akong mapiyok nang pinilit kong palamigin ang boses ko.
Ngumiti sila at lumapit naman sa'kin ang tatlong lalaki. Ganoon din ang binigay nila at nagulat ako nang may ibigay silang susi ng kotse at bahay.
Anak ng–
"Happy birthday Miss Bezella."
Kilala ko ba sila?
Tumango lang ako sa kanila dahil sa gulat. Anak ng tokwa, nireregalo pala ang bahay pati kotse?! Atsaka, gusto ko na talagang isigaw na hindi ko birthday ngayon. Sa susunod na araw pa!
Agad kinuha sa'kin ng lalaking nasa kaliwa ko ang mga binigay nila at pinatago sa kwarto ko. Napatingin ako sa lalaking naka-itim na tuxedo nang lumapit ito sa'kin. Napataas ang aking kilay nang kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.
Loko 'to ah.
Tumingin pa ito kay Kuya Haze at nang tignan ko si Kuya ay tumango ito. Nagulat pa ako nang itayo ako ng lalaki sa aking upuan. Agad naalerto ang lalaking nang-kidnapped sa'kin kanina nang pigilan siya ni Kuya Haze.
"Let them."
Hindi na ako nakapagsalita nang mabilis akong nahapit sa baywang ng lalaki at agad akong dinala sa isang malawak na garden. Namangha pa ako sa ganda dito pero agad ding napatingin sa kanya nang yakapin niya ako at sumiksik sa aking leeg.
"S-Sino ka? Bitaw–"
"I miss you Bibi."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Si Ackley ba ito? Anong ginagawa niya dito? Alam ba niya ang lahat?
Hindi ko alam ang nangyari at nakita na lang ang sarili kong nakasandal sa pader habang yakap pa rin ako ni Ackley. Hindi ko siya maitulak, hindi ko siya kayang mailayo sa'kin dahil sa higpit ng yakap niya na parang ayaw nang kumawala.
Nang tumingin siya sa'kin ay nakita ko ang tatak sa kanyang maskara. Leon ito katulad ng nakita ko sa letter.
Hinaplos niya ang mukha ko at binigyan ng isang mabilis na halik sa labi.
"I miss you so fucking much Alie."
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22