Nathalie's POV
"Nag-d-droga ang Mama mo Nathalie."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni Tita. Si Mama nag-d-droga? Bakit naman? Kaya ba lagi niya akong sinasaktan? Pero, simula noong pinanganak ako ay ganoon na siya sa'kin.
"T-Tita, sa tingin mo po k-kailan siya nagsimulang m-magdroga?" nanginginig kong tanong.
Hinawakan ni Tita ang kamay ko at kaagad akong pinainom ng tubig. Huminga siya nang malalim at malungkot na tumingin sa'kin.
"Base sa mga nakita ng pulis na date sa gamot na iyon... nagsimula siyang mag-droga nang mag-grade 10 ka'na. September 2, 2020."
Noong k-kaarawan ko? Bakit–naguguluhan na ako!!
"Si Jack, ang lalaki ng Mama mo ang nagpilit sa kanya na mag-droga... sa tuwing maghaharap ang dalawa ay manginginig ang Mama mo at sisigaw ng tulong–"
"T-Tama na muna po T-Tita," pagputol ko at tumakbo pataas sa kwarto ko.
Rinig ko ang pagtawag sa'kin ni Tita pero hindi ko ito pinakinggan at naluluhang nagkulong sa kwarto. Napasabunot na lang ako sa buhok ko at sumigaw nang sumigaw.
"AAAAAHHHHH!!"
Pinagsasampal at sabunot ko ang sarili ko. Gustong-gusto kong saktan ang sarili ko sa mga nalalaman ko, ano?! May darating pa bang problema sa'kin?! Kailan ba ako pwedeng sumaya?!
"Nathalie!"
Biglang bumukas ang pinto at agad akong niyakap ni Ate Maria.
"Shh, magiging okay ang lahat, tahan na... nandito na si Ate," pagpapatahan niya sa'kin at hinaplos ang aking buhok.
Umiyak ako nang umiyak sa balikat niya. Basa na rin ang balikat niya dahil sa mga luha ko.
"Gala tayo?" she asked.
Lumakas ang iyak ko at hinampas siya sa balikat. Umiiyak na nga ako tapos gala pa rin ang iniisip nito.
"P-Puro ka gala," sabi ko habang umiiyak.
She chuckled and kissed my head. "You need to refresh your mind dummy, wag mong sinusubsob ang sarili mo sa problema. Be strong because not all the time nandito ako sa tabi mo, hmm? Let's go?"
Pinunasan niya ang luha ko at pinaupo ako sa tapat ng salamin. Sinuklayan niya ako at tinalian ng kung ano-ano pero nakalugay pa rin naman ang iba kong buhok. Nakatulala pa rin ako sa salamin habang inaayusan niya ako.
Si Papa, bakit hindi na siya nagpapakita? Miss na miss ko na siya, hindi ba niya ako naiisip? Bakit hindi niya ako pinupuntahan dito? Kamusta na kaya siya?
"A-Ate, si Papa?" tanong ko habang pinipilian ako ng damit ni Ate.
Napatingin siya sa'kin at napahinto saglit. She heavily sighed at naghanap ulit ng isusuot ko.
"Pinupuntahan ka niya dito tuwing alas-tres para silipin–" I cut her at napatayo.
"R-Really ate? Bakit hindi man lang siya m-magpakita sa'kin?" naluluha kong tanong.
Tumingin siya sa'kin at nilapitan ako. She wiped my tears and smiled.
"Dahil ayaw niyang umasa ka na lagi mo siyang makikita at tulog mantika ka," sabi niya at tumawa nang mahina na para bang pinapatawa ako.
Napanguso ako at napangiti na rin nang maliit. Gagawin talaga ni Ate lahat para lang mapangiti ulit ako. Bakit ba kasi ang tulog mantika ko?
Binigay niya sa'kin ang isang Bush pants at isang Bandeau top na ikinasimangot ko. Masyadong maikili ang crop top eh! Ayoko!
"Suotin mo na, ngayon lang naman," nakangusong sabi pa ni Ate Maria.
Napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa banyo para magbihis. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa salamin. Maputla na ang labi ko, maputla na din ang balat ko at mukhang ubos na ang dugo ko dahil tuwing ala-una na ako nakakatulog.
Sinuot ko ang damit at lumabas na. Nakita ko si Ate Maria na nakabihis na at nakangiting nakatingin sa'kin. Pumalakpak siya na ikinatawa ko nang mahina.
"Ganda talaga ng bunso namin!" sigaw niya na nagpangiti sa'kin.
Ang sarap pakinggan ng bunso. Yung pinapahalagahan ka nila at nag-aalala sa'yo, that's what I wanted to feel and now... nararamdaman ko na.
"Ate, nakakahiya, nakatingin sila sa'tin."
Tinawanan lang ako ni Ate at kinurot ang pisngi ko. Nandito na kasi kami sa mall at sabi ni Ate ililibre niya ako sa shopping. Kanina pa nakatingin sa'min ang mga tao and it makes me uncomfortable, may problema ba sa damit ko? Masyado kasing maikli, may butas ba? Wala naman akong tagos dahil wala akong red days ngayon..
"Maganda kasi tayo kaya sila nakatingin but, if you're uncomfortable with it... pwede namang sa favorite place mo tayo pumunta," nag-aalala niyang sabi.
Umiling ako at ngumiti. "Dito na muna, libre mo ako diba?"
She chuckled. Pumunta kami sa store na puro mamahalin ang mga damit na ikinagulat ko. Tinignan ko ang presyo ng mga damit at napanganga na lang.
"Pucha 1,500?! 5,000?!" gulat kong sabi.
Napatingin ako sa mga sales lady na tinatawanan na ako kaya agad akong nagtago sa likod ni Ate na napapailing na lang. Kasi naman, ang mahal ng presyo!
Mas mahal pa kaysa sa pagmamahal niya sa'yo.
"Libre na po iyan para sa'yo."
Nagulat kami ni Ate Maria sa sinabi ng sales lady. Tinuro ko ang sarili ko kaya kaagad siyang tumango habang natatawa.
Di nga?! Libre para sa'kin 'to?
"Pili lang po kayo, kahit anong gusto ninyo dito," nakangiting sabi ng sales lady.
Tinapik-tapik ako ni Ate Maria kaya napatingin ako sa kanya habang hindi pa rin maka-get over sa sinabi ng sales lady.
Pipili lang ako?
"Pili na tayo," Ate Maria whispered and chuckled.
"Pero–"
"Miss Nathalie Dionne Crawford, right?"
Napatigil ako at napatingin sa babaeng nasa harapan ko. Kumunot ang noo ko nang alam niya ang pangalan ko.
Sino siya?
"A-Ako nga po," mautal-utal kong sabi.
She smiled and nodded her head. "Everything is free just for you and your cousin Miss Nathalie."
Napakurap ako. "What's your name po?"
Ngumiti siya at nagulat ako nang bigla siyang yumuko. Hala, wala po tayo sa Korea o Japan... bakit siya yumuyuko?
"I'm Sarah Jane Collins, it's my pleasure to meet you Miss Nathalie," magalang nitong sabi.
"Mala-korean ang peg," Ate Maria whispered.
Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Sarah palapit sa mga mamahaling damit. Pinaupo niya ako sa isang malambot na sofa at nagulat na lang ako nang iharap nila ako sa mga sosyaling damit, sapatos, sandals, hikaw, necklace, earrings, singsing at iba pa.
What the?!
Sarah smiled. "Choose whatever you want Madam."
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22